Bakit Nawala Si Baeby Baste Sa Eat Bulaga?

Bakit Nawala Si Baeby Baste Bilang Co-Host Eat Bulaga?

Bakit Nawala Si Baeby Baste Bilang Co-Host Eat Bulaga?

Kung isang bata na ang humarap sa kamera tiyak na kagigiliwan ito ng masa. 

Natatandaan niyo pa ba ang super cute na bata na madalas matunghayan sa programang Eat Bulaga noon? Kung tama ang iyong hula, baka isa ka rin sa nakapansin na wala na siya ngayon sa programa. At iyan ay walang iba kundi si Baby Baste. At ngayong napaalala ko na sainyo… marahil ang iyong katanungan ay kung bakit wala na si Baby Baste sa Eat Bulaga. 

Kilalanin si Baby Baste: Bukod sa bansag ng mga co-host niya sa Eat Bulaga na “baby baste”, lingid siguro sa iyong kaalaman ang tunay niyang pangalan. 

Well ang totoo pangalan ng bibong bata na ito ay Sebastian Benedict Granfon Arumpac. Nagsimula ang kanyang karera ng siya ay na diskobre sa pamamagitan ng isa niyang viral video na kung saan siya ay nagli-lip sync. 

Naging daan ang kanyang mga viral na videos para siya ay ma feature sa sikat public affair show sa GMA, ang Kapuso mo Jessica Soho, na talaga namang nagsilbing tulay para kay baby baste na madiskobre pa ng lalo, at tuloyang nagpatuloy ang kanyang karera noong siya ay inimbitahan bilang maging host sa Eat Bulaga noong 2015, na kung saan siya ay mag ti-three years old pa lamang noon.

Kaya’t namay siya ang pinaka batang host sa naturang TV show. 

Bakit nawala si Baby Baste sa Eat Bulaga: Noong kasagsagan ng pandemya hindi talaga maipagkakaila na marami ang nawalan ng trabaho mapa-anumang aspeto. 

Strikto rin ang mga protocol noon na tila ba napaka labong pahintulutan ang mga menor de edad na lumabas sa kanilang mga tahanan. At isa na si Baby Baste sa mga tumigil ang pagtra-trabaho. Ngunit sa kabilang banda, naging dahilan din ng pandemya upang mas magugol niya ang oras kasama ang kanyang pamilya, mag-online class at higit sa lahat ang nakakantig na pamamahagi ni Baby baste sa pag donate ng mga Personal Protective Equipment sa kasagsagan ng pandemya. 

Samantala, sa isang interview niya sa Stories of Hope ng GMA, na kung saan siya ay nagbitaw nang nakakalungkot na salitang: “Sobrang sobrang sad ako na hindi na ako maka-work at miss na miss ko na po ang Eat Bulaga at mag-work doon sa kanila,”. 

Tunay nga namang ramdam natin ang emosyonal na mensahe ni Baby baste sa panayam niyang ito. Subalit, wait… there’s more. Hindi lang ang pandemya ang nag-pumigil kay baby baste sa pagkawala niya sa Eat Bulaga. 

Ang sakit ni Baby Baste: Kamakailan lamang nitong nakaraang buwan ng Agosto ay nag post si Baby Baste sa kanyang Instagram na may caption ng: “the power of tawa2x and arroz caldo” at tila may dagdag pa itong pabirong konteksto na #boydengue habang siya ay umiinom ng gamot. 

Kinumpirma din niya na noong siya ay bata pa lamang ay madalas na siyang dapuan ng sakit na dengue. Matatandaan sa isang post pa niya noong 2018 na: “Bata pa lang po ako, habulin na talaga ako... habulin ng mga lamok mula noon, hanggang ngayon loyal sila sa akin #boyDengue #lahatsamukha”. 

Walang ibang choice si baby baste kundi idaan nalang sa pagiging positibo dala ng dasal at konting biro. Nawa’y makita natin siya ulit sa entablado. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor