Ganito Pala Kamahal Ang Engagement Ring Ni Maine Mendoza

Ganito Pala Kamahal Ang Engagement Ring Ni Maine Mendoza

Ganito Pala Kamahal Ang Engagement Ring Ni Maine Mendoza

Tunay nga namang nakakaintriga na malaman ang halaga ng mga nagagastos ng mga big time celebrity. Well, talaga namang mapapagastos ka ng labis mapatunayan mo lang na mas higit pa sa pera kapag ika'y umiibig na.

Kamakailan lamang ay ating natunghayan ang usap-usapang proposal ng Congressman 1st district na si Arjo Atayde sa kanyang girlfriend na Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. At ngayon atin namang alamin kung magkano nga ba talaga ang kanilang engagement ring. 

Proposal: Tila ba nayanig ang mundo ng showbiz ng malaman na dream come true ang manifestation ni Maine Mendoza kay kanyang fiancé ngayon na si Arjo Atayde. 

Kung tayo ay babalik sa famous tweet ni Maine na “Arjo Cutie” na may kasamang na pawang umiiyak na emoji. Talaga namang sumikat ang mekanismo ng pagmamanifest ng karamihan noon at nakatularan na ng mga netizen na sabihin ang “cutie” pagkatapos nilang humiling. 

At ngayon, nakakamangha talagang isipin na tila ba nakalinya ang mga pangyayari, sapagkat ang petsa ng kanyang tweet noon ay July 28, 2013 at masasaksihan naman sa caption ni Arjo Atyede sa kanyang instagram post ay: “My turn, I will marry you cutie. Sabay banggit ng parehang petsa ng kanyang proposal na July 28,2022. Tila ba ito raw ay nag-transfrom ng “Arjo cutie” to “Arjo Forever” Imagine mo, siyam na taon. Tamang tweet lang din siguro ang solusyon diyan friend. 

Ngunit sa kabilang banda ng lahat, marami parin namang fans ang nadismaya dahil alam naman natin na napakasikat ng love team nila noon ni Alden Richards, oh baka ikaw rin ay isang Aldub fun noon? Maging masaya nalang tayong lahat kasi masaya na ang aktres. 

Biruin mo, isang Kapamilya at Kapuso naging posible na magmahalan. Hindi balakid ang network para sila ay magkadevelop’n. 

Sylvia Sanchez: Naging usap-usapan din na maingat daw na itinago ni Sylvia Sanchez ang engagement ring ni Maine Mendoza ng isang taon. Sa isang interview, nadawit na binaggit ni Sylvia Sanchez na: 

“Taon na siya sinasabi sa’kin ni Arjo, taon na siya nagsasabi sa’kin at ng mga plano niya, so alam ko. Alam ko, pero ang mas mahirap, ‘yung itago mo ‘yung…” ngunit ito ay nahimasmasan siguro at hindi na tinuloy ang kanyang salita. 

Dagdag pa niya: “Alam mo ‘yung, quiet ka na wala kang masabihan. Quiet ka na ‘yung sikreto na ‘yon, sa inyo lang. Ako, Arjo, Ria, Gela, alam mo ‘yun. Then sister, mga kapatid ni Maine, si Coleen, mga kapatid niya, alam mo ‘yon. ‘Yun lang ‘yung sa amin lang talaga,”. 

Dahil sa pahayag niyang ito samu’t saring spekulasyon nga na tinago niya talaga ito para sa kanyang magiging future daughter in law. 

Diamond Ring: Samantala, atin namang bigyan pansin ang kumikinang-kinang na dyamante sa daliri ni Maine, na talaga namang mausisa sa mata ng tao nang mag post si Maine Mendoza ng kanilang selfies ni Arjo Atayde matapos ang engagement proposal. 

Sa mga litratong ito, malinaw naman na silver ang kulay ng kanyang singsing na pawang napapalibutan ng malalaking bato ng dyamante. Kaya’t namay tinatayang nasa nahigit kumulang na milyong piso ang nagastos ni Arjo dito, makuha lamang ang pinaka-matamis na oo.

Ikaw anong kwentong “cutie” mo ang nagkatotoo?


No comments:

Post a Comment

Sponsor