Mga Celebrities na Mayaman na Bago pa man Pasukin ang Showbiz

Mga Celebrities na Mayaman na Bago pa man Pasukin ang Showbiz

Mga Celebrities na Mayaman na Bago pa man Pasukin ang Showbiz

Para sa mga ibang celebrities, ang showbiz at pag-aartista ay isang paraan para sila ay umasenso at makaangat sa buhay. Maraming mga rags-to-riches na kwento ang nasasaksihan ng show business pero may mga iilang artista at celebrities na sadyang mayaman at maimpluwensya na bago pa man sila pumasok sa industriya.

Kilalanin ang ilang celebrities na galing sa yaman bago pa man nagtrabaho sa showbiz.

1. Heart Evangelista

Ang Crazy Rich Asian ng Pilipinas, walang makakapantay sa impluwensya ni Heart Evangelista sa mundo ng international fashion scene. 

Bata pa lamang ay laki na sa showbiz ang aktres. Sa edad na 13 years old, nagtrabaho na siya bilang child superstar at model hanggang siya ay naging sikat sa industriya ng Pilipinas. Mahilig si Evangelista sa arts at fashion. Kilala siya sa kanyang mga mamahaling gamit na galing sa mga luxury fashion houses. Bagay na naging mainit sa mata ng iilan dahil siya ay asawa ng isang senador.

Pero depensa naman ni Heart ay lahat ng kanyang mga gamit at luho ay galing sa sarili niyang bulsa. Bukod sa magandang kita mula sa kanyang lokal at internasyonal na career sa fashion at showbiz, galing din sa yaman ang aktres. 

Si Heart Evangelist ay bunso sa pamilyang Ongpauco na tinuturing old money rich. Ang pamilyang Ongpauco ay ang nagmamay-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants at iba pang mga businesses. Ayon kay Heart, ang hilig niya sa fashion at sa mga mararangyang bagay ay namana niya mula sa kanyang mga magulang kung saan lagi siyang ipinagsho-shopping sa kung saan-saan. 

Ngayon, kabilang si Heart sa mga endorsers ng malalaking luxury fashion houses tulad ng Dior at Louis Vuitton.

2. Solenn Heussaff

Si Solenn Heussaff ay isang aktres, model, at singer na naging kilala sa Pilipinas dahil sa kanyang pakikilahok sa Survivor Philippines: Celebrity Edition.

Bago pa man siya magsimula sa kanyang showbiz career sa Pilipinas, sikat na si Heussaff sa ibang bansa partikular na sa Europa. Nag-aral din ang aktres sa Paris ng beauty and fashion design ng halos apat na taon. Habang siya ay nag-aaral, naging parte siya ng mga iba’t ibang international commercials at endorsements.

Sumikat siya sa Pilipinas nang maging fan-favorite siya sa Survivor Philippines kung saan napasama siya sa Top Three. Nagkaroon siya ng mga proyekto sa sine at telebisyon na mas lalong nagpasikat sa aktres. 

Ngayon, si Solenn Heussaff ay hindi na gaanong aktibo sa mundo ng showbiz. Ganumpaman, patuloy pa rin ang marangyang pamumuhay ng aktor dahil bukod sa kanyang mga sariling naipundar ay galing din siya sa isang mayamang pamilya. Ang kanyang ama na si Louis Paul Heussaff ay dating sailor sa French Navy at nagmamay-ari ng isang malaking petroleum business sa France. 

3. Kris Aquino

Binansagan bilang Queen of All Media, si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamalalaking pangalan sa industriya ng Philippine show business. Hindi na rin bago sa mga Pilipino na galing si Kris sa isa sa mga pinakamaimpluwensyang pamilya sa bansa.

Si Kris Aquino ay ang bunso ng dating senador Benigno Aquino at dating presidenteng Corazon Aquino. Ang kapatid din niya ay naging ika-15th president ng Pilipinas. Bukod sa pagiging isang political family sa side ng mga Aquino, ang pamilyang Cojuangco ay isa sa mga itinuturing old money families sa bansa. Nagmamay-ari ang angkan ng mga iba’t ibang business sa banking at trading partikular na sa sugar trade ng Hacienda Luisita at Central Azucarera de Tarlac.

Pero kahit galing sa yaman, naitaguyod ni Kris Aquino ang kanyang sariling pangalan sa industriya. Bukod sa pagiging bida sa mga sikat na teleserye at pelikula sa loob at labas ng bansa, isa ring matagumpay na businesswoman si Kris. Siya ang nagmamay-ari ng Lena Restaurant at Sencillo Bar and Restaurant. May flower shop din siya kung saan business partner niya si Boy Abunda. Isa rin na franchiser si Kris Aquino at may mga Jollibee at Chowking branches na pinapatakbo. Sinimulan din niya ang Nacho Bimby na naging brand partner ng Potato Corner.

Kaya kahit hindi na aktibo si Kris Aquino ngayon sa showbiz dahil sa kanyang kalusugan, secured pa rin ang kaniyang finances lalo na pagdating sa kanyang dalawang anak.

4. Slater Young

Unang pumasok sa showbiz si Slater Young nang siya ay maging grand winner ng Pinoy Big Brother: Unlimited noong 2011. 

Pero bago pa man siya sumikat ay may sariling professional career na si Slater. Siya ay isang civil engineer at anak ng nagmamay-ari ng isa sa mga pinakamalaking construction company sa Cebu. Dahil gustong bumuo ng sariling pangalan si Slater at hindi umasa sa yaman ng kanyang pamilya, naging civil engineer siya sa mga iba’t ibang malalaking kumpanya tulad ng Nestle, S&R, at BigFoot. 

Hindi masyadong nagtagal si Young sa showbiz dahil pinagdesisyunan niyang mag-focus na lang sa kanyang professional career bilang engineer. Ngayon, siya ang Founder at CEO ng Liteblock at aktibo rin siya sa kanyang YouTube channel kung saan siya ay nagv-vlog ng kanyang pang-araw araw na buhay at nagbabahagi ng mga tips mula sa isang propesyonal na engineer. Siya ay may dalawang anak sa kanyang celebrity wife na si Kryz Uy.

5. Kryz Uy

Tinuturing isa sa mga YouTube power couples sina Slater Young at Kryz Uy. Pero alam mo ba na galing din sa yaman si Kryz Uy bago pa man siya pumasok sa showbiz at YouTube?

Si Kryz Uy ang tinuturing tagapagmana ng Mandaue Foam company na gumagawa at nagbebenta ng mga iba’t ibang kagamitan sa bahay. Pero kahit siya ay galing sa yaman, gusto pa rin ni Kryz na tumayo sa kanyang sariling mga paa. Nagsimula siyang mag-blog noong 2009 para sa isang school project kung saan nagbahagi siya ng kanyang mga personal na kwento at mga fashion inspos. 

Nagustuhan ni Kryz Uy ang pagsusulat kaya naman pinagpatuloy niya ito hanggang siya ay sumikat at naging isa sa mga leading fashion bloggers sa bansa. Nakapag-publish siya ng sarili niyang libro tungkol dito at kinalaunan ay naging YouTuber siya kung saan mas umusbong pa ang kanyang showbiz career.

Ngayon, buhay na buhay ang kanyang online career kung saan nagbabahagi siya ng kanyang pang-araw araw na buhay bilang isang ina at maybahay. Nagsimula rin siya ng isang podcast kasama ang kanyang asawa at nag-iimbita ng mga iba’t ibang kilalang personalidad at celebrities.


No comments:

Post a Comment

Sponsor