Update Sa Kalusugan Ni Kris Aquino: Isang ikalimang Auto Immune Condition

Update Sa Kalusugan Ni Kris Aquino: Isang ikalimang Auto Immune Condition

Update Sa Kalusugan Ni Kris Aquino Isang ikalimang Auto Immune Condition

Noong nakaraang taon ay ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino na hindi maayos ang kalagayan ng kanyang kalusugan dahil meron itong auto immune conditions na mahirap gamutin. 

Ito rin ang naging dahilan kung bakit nakipag-hiwalay siya sa kanyang fiance na si Mel Soriano dahil naalarma na umano siya sa estado ng kanyang kalusugan. Umabot ng limang buwan ang kanilang relasyon at maraming nagulat sa biglaang hiwalayan ng dalawa dahil engaged na rin sila. Ang kanyang anak na si Bimby ay suportado at boto ito kay Mel dahil ramdam niyang  tapat ang pagmamahal nito sa kanyang ina. 

Dahil sa kalagayan ngayon ng TV host, hindi na siya gaanong kaaktibo ngayon sa kanyang social media at madalang na lamang ito magpost ng update sa kanyang buhay. Nito lamang unang linggo ng Setyembre ay ibinahagi ni Kris ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Aniya, ayaw na sana niya itong isapubliko pero dahil maraming nagdadasal at sumusuporta sa kanya ay minabuti niyang ibahagi ito sa kanyang Instagram.

"Tomorrow morning (our time) rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line"

Ayon sa website na Mayo Clinic, ang ibig sabihin ng PICC line ay peripherally inserted central catheter, isa itong mahaba at manipis na tube na ipinapasok sa isang ugat sa iyong braso at dumadaan sa mas malalaking ugat na malapit sa inyong puso. 

Ang PICC line ay nagbibigay sa inyong doktor ng access sa large central veins malapit sa puso. Ito din ay karaniwang ginagamit upang magbigay ng gamot o liquid nutrition.

Ito ay nangangailangan ng maingat na pangangalaga at pagsubaybay para sa mga komplikasyon tulad ng blood cloth o namuong dugo, impeksyon at iba pa.

May mga oras daw na gusto nang sumuko ni Kris dahil sa labis na pagkapagod, pagiging bedridden at mga pasa sa kanyang buong katawan na bigla na lamang sumusulpot. Hindi rin daw siya makakain ng maayos, laging masakit ang ulo at kasu-kasuan. 

Dagdag pa niya,

"BUT i remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up."

Marami pa daw test na kinakailangan si Kris at isasailalim siya sa immunosuppressant therapy. Sinabihan din siya ng kanyang doctor na maaaring malagas ang kanyang buhok pero tutubo naman daw ito ulit.

Si Kris ay na-diagnosed ng tatlong autoimmune conditions bago niya iwan ang Pinas papuntang Amerika pero nadiagnose siyang muli ng pang apat noong nasa Houston, Texas siya.

Sa larawan, makikita ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh na nag-aalaga din sa kanya. 

Marami din local celebrities at personalities ang nagpaabot ng mensahe kay Kris kagaya na lamang nina Derek Ramsay, Miles Ocampo, Darla, Jinkee Pacquiao, Iza Calzado, Sylvia Sanchez, Karen Davila, Geneva Cruz, Donna Cruz, Billy Crawford at marami pang iba.


No comments:

Post a Comment

Sponsor