Ganito Pala Kayaman Si Senator Tito Sotto

Ganito Pala Kayaman Si Senator Tito Sotto

Malulula Ka Kapag Nalaman Mo Kung Gaano Kayaman Si Tito Sotto

Sa artikulong ito paguusapan natin si Tito Sotto at ang mga nakaka intrigang yaman na mayroon ito.

Si Vicente Castelo Sotto III o mas kilala natin bilang si Tito Sotto isang Filipino politician, comedian, TV Host, Journalist,  entertainer, at athlete. Siya rin ay kasalukuyang nagsisilbi sa gobyerno bilang Senate President mula sa taong 2018 hanggang sa taong 2022. 

Educational background: 

Base sa aming mga nakalap na impormasyon si Tito Sotto ay nag-aral ng elementarya sa paaralang Colegio de San Juan de Letran.Dito rin siya nakapagtapos ng kolehiyo, at ang kanyang kurso ay AB English. Subalit hindi dito nagtatapos ang pag aaral ni Tito Sotto, siya ay dumalo sa mga Special training, seminars at conference sa iba’t-ibang dako ng bansa. 

Ang mga lugar na ito ay sa Vienna Austria, sa United Nations Office, Sa Harvard University Cambridge, Washington, USA, Claifornia, Berlin at Germany. Kaya hindi kataka-taka kung bakit naging Senate President ito, dahil hindi rin naman biro ang pinagdaanan niya upang magaral at dumalo sa mga ganitong ibang klaseng training.

Political career: 

Pagdating naman sa kanyang karera sa politika. Dala dala ng senador ang mahaba at maunlad na karera sa politika kahit na puno ito ng maraming kritisismo. Gayunpaman, ito ay hindi kailanman naging hadlang sa kanyang mga pamamaraan upang maghatid ng pag-unlad sa kanyang mga nasasakopan.

Sa kanyang pamumuno marami na siyang naisa batas, tulad ng mga :

  • Family Courts Act of 1997 (RA 8369) Municipality expansion or cityhood laws 
  • Dangerous Dr*gs Acts, otherwise better known as, Republic Act 9165 
  • National Athletes, Coaches, and Trainers Benefits and Incentives Act (RA 9064)
  • He helped to strengthen the cybercrime laws 
  • Maritime Industry Act (MARINA) (RA 10635) 
  • He made amendments to the Intellectual Property Code 
  • The 2012 Anti-Drunk and Dr*gged Driving Act (RA 10856) 
  • Children's Safety on Motorcycles Act (RA 10666) 
  • Amendment to the Juvenile Justice Law 
  • Expanded Senior Citizens Act (RA 9994) 
  • Kasambahay Law (RA 10361) 
  • National Teacher's Day (RA 10743) 
  • Rural Farms School Act (RA 10681)

Ilan lang ang mga yan sa kanyang mga naisa batas na talagang may kapaki-pakinabang sa mga mamamayan upang tulongan sila sa kanilang suliranin sa buhay.

Net worth: 

Pagdating naman sa mala mansion na bahay ni Tito Sotto, ito ay kanyang pinasilip kay Kris Aquino sa kanyang TV show noon na Kris TV, ang kanilang plain white house ay may 1,200 square meters kalaki, ito ay may limang kwarto, may malaking garden, at may mga entertainment rooms rin. Ayon sa mag asawa kahit na ito ay may kalumaan na, ito ay maganda parin dahil iniingatan nila ito at pinarerenovate. 

Ngunit naniniwala ang mga tao na marami umanong kayamanan si Tito Sotto na ayaw na niyang isa publiko pa. At ngayon, dumako naman tayo sa pinakahihintay na nakakalulang Net worth ni Tito Sotto, mula sa taong 2011 ay umabot na sa 10 million ang Net worth nito hanggang naging 70 million ito as of 2022. 

Lovelife:

52 years na ang pagmamahalan nina Tito Sotto at ang batikang aktres na si Helen Gamboa pero ayon daw sa aktres ay pinapakilig parin siya ng Senator. Kabilang sila sa mga celebrity couple na tinitingala pagdating sa pagiging faithful sa isa't-isa. Sa kabila ng mga kritiko na natatanggap ni Tito Sen sa ibang tao ay buong-buo naman ang suporta ng kanyang asawa, mga anak, apo nito sa kanyang hangarin na maglingkod sa mga Pilipino.

Matatandaan na ibinahagi ni Tito Sen na nag-tanan sila ni Helen noong 1969 at nagdesisyong magpakasal. Ikinasal sila sa Sto. Tomas, Batangas at ito daw ay sa kadahilanang masyadong over-protective ang ina ni Helen.

Aniya, "Tumalon siya sa bakod na itinakbo ko siya noon sa Santo Tomas, Batangas. Kinasal kami sa pari dahil nawawala yung piskal at ibinalik ko siya nung hapon na at ang laki ng problema namin pag-uwi."

Taong 2019 ng ipagdiwang ng dalawa ang kanilang 50th anniversary at suot ni Helen ang wedding dress na ginamin niya noong nag-tanan sila mahigit 50 taon na ang nakalipas.


Ang kanilang anak na si Ciara Sotto ay isa rin taga hanga ng kanilang pag-iibigan at dalangin din niya na sana ay maging ganun din ang kanyang lovelife.

"Happy anniversary Daddy and Mommy. I am so blessed and privileged to be your youngest. I always felt the love and support since I was young and this allowed me to do the same with those around me. You give me so much hope na meron talagang forever. I love you both more than words, and actions, and more than I could ever express," caption ni Ciara Sotto sa kanyang IG post para sa anibersaryo ng kanyang mga magulang.

Tunay na nakakalula ang mga yaman at earnings ni Tito Sotto. Pati ang kanyang buhay ay pag-ibig ay talaga namang nakaka-inspire. Iba klase talaga kapag nagtratrabaho sa gobyerno. Ops no hard feelings, pinag-usapan lang natin ang kanyang earnings.  Anong masasabi mo dito?


No comments:

Post a Comment

Sponsor