Tom Rodriguez, Pinakiusapan Ang Mga Netizens Na Wag Nang Banggitin Si Carla

Tom Rodriguez, Pinakiusapan Ang Mga Netizens Na Wag Nang Banggitin Si Carla

Tom Rodriguez, Pinakiusapan Ang Mga Netizens Na Wag Nang Banggitin Si Carla

Nito lamang taon nang gulatin ng dating mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abella ang showbizness na hiwalay na sila matapos lamang ikasal ng ilang buwan. 

Inihayag din ni Tom Na naaprubahan na ang diborsyo nilang dalawa ni Carla at oras na para magmove-on. Ikinasal sila noong Oktubre 23, 2021 at ito ay ginanap sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas. 

Dahil isang taon na rin ang nakalipas simula ng ikasal ang dalawa ay maraming netizens ang nakaalala ng una sana nilang wedding anniversary ngayong taon. Maraming bumati sa kanilang dalawa na hindi naman nagustuhan ng aktor. 

"It's you & Carla's 1st weddding anniversary today. Sana maging okey na uli kau kahit as good friend nalang, if di na talaga pwede na magbalikan kau," kumento ng isang fan.

"Hello, Tom. Happy First Wedding Anniversary to both of you and CARLA. We cannot forget the day when you promised together in one heart," kumento naman ng isang netizen.

Marami naman nagalit sa mga bumati sa kanila ng Happy Anniversary.

"People are so insensitive! Sabi na nga hiwalay na, mag greet pa ng happy anniversary. Only in the Philippines talaga, hayy diosmiyo!"

Kaya naman hindi naiwasan magkumento ng aktor sa kanyang post na kung saan ay nasa Las Vegas, Nevada ito para magsagawa ng ilang pagtatanghal.

Ito ang kanyang pakiusap, "Wag na po natin banggitin ang name dito sa page ko. Thank you. We are no (longer) together and are moving onto own paths," saad ni Tom.

Makikita din sa Instagram account ng aktor na pinapangalagaan na niyang mabuti ang kanyang pangangatawan at fine-flex ang kanyang mga muscles. 

Anim na buwan din umano itong laging walang energy, mahina ang kanyang pangangatawan at madaling hingalin pero ngayon ay bumabalik na ang kanyang motivation para magwork-out.

"Okay lng Yan Tom. Bawiin mo Yung mga ilang buwang na napabayaan mo yung iyong katawan, ngayon happy kami at unti unti ng bumabalik ang dating si Tom Rodriguez. Thank God at sa pag darasal ng lahat para sayo natakasan mo ang mga pag subok na ibinigay sau ni Lord. Praying for more blessing to come your way at sana mag karuon kana ng teleserye para mapanuod ka namin gabi-gabi sa TV screen. God bless," kumento ng isang fan ni Tom.

Samantala, sa programa naman nina Boobay and Tekla na 'The Boobay and Tekla Show, tinanong si Carla kung malaya ba siya at sinagot naman ito kaagad ng aktres.

"Aba'y dapat malaya! Malaya tayo. Para bang maganda na isipin mo ang sarili mo, ipagtanggol mo ang sarili mo," kwento ng aktres.

Nagdesisyon din na magpa-tattoo ang aktres kaya naman napansin at tinanong ni Boobay kung bakit siya nagpa-tattoo.

Sagot naman ng aktres, "Pain na lang naman ang pag-uusapan, mataas ang tolerance ko sa pain, totoo yan. Pero hindi naman din, alam mo yun, yung masokista ka na. Basta kapag may masakit, hangga't kaya mong tiisin, tiis lang. Alam mo namang hindi rin magtatagal yan."


No comments:

Post a Comment

Sponsor