Ganito Pala Kayaman si Toni Gonzaga

Malulula Ka Sa Yaman Ni Toni Gonzaga

Kapag si Toni Gonzaga ang pag-uusapan likas na maraming ka chika ang aabang! This time, ang kanyang yaman naman niya ang ating pag-uusapan!

Kapag si Toni Gonzaga ang pag-uusapan likas na maraming ka chika ang aabang! This time, ang kanyang yaman naman niya ang ating pag-uusapan!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o kilala natin sa showbiz name na Toni Gonzaga. Kilala natin siya bilang isang successful Filipino singer, host, actress, producer, vlogger, entrepreneur, comedian at lead host sa sikat na mga show tulad ng The Buzz at unscripted TV Drama na Pinoy Big Brother. 

Educational background:

Pagdating naman sa pag-aaral ay supportado si Toni Gonzaga ng kanyang mga magulang hindi tulad ng karamihan na kwento ng mga artista na talagang sadlak sa kahirapan. Si Toni Gonzaga ay nag-aral sa kolehiyo sa kursong Mass communication sa Dominican College ng mahigit dalawang taon lamang.

 Matapos ay lumipat rin ng paaralan sa Asian institute For Distance Education (AIDE) sa kursong AB English. Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit magaling na talaga siya pagdating sa public speaking, ito ay talagang strong skills na niya bago paman ito sumabak sa Industriya ng Showbiz.

Yaman ni Toni Gonzaga: 

Hep-Hep chikang chika kana ba sa yaman na meron siya? At gaano nga ba kalaki ang kita kung ikaw ay isa ng successful artist, host, vlogger, at entrepreneur? Ipinakita ni Toni Gonzaga sa Philippine Entertainment Portal ang kanyang BMW sa garage noong siya ay makapanayam nito, ayon sa actress 

"Yung BMW, kotse ko talaga ‘yun. Yun naman ay pinag-ipunan ko talaga ‘tsaka may bendisyon ng parents ko. Pinag-ipunan ko yun para sa sarili ko" ito umano ay kanyang regalo sa sarili. Ang kotseng ito ay tinataya lang naman sa halagang 4 million pesos. 

Noong 2005 si Toni at ang kanyang magulang ay bumili ng 150 square meters na lupa at sa nakalipas na taon ito ay under renovation at nadagdagan ng lawak na 600 square meters. Ito ay pinatayuan nila ng mala mansion sa laki na may apat na kwarto at may sarili ring swimming pool. Walk in closet at halos luxury kitchen at sosyal na mga Dine in area at Bathroom.

Ngayon aalamin naman natin ang earnings o Net worth ng nag-iisang Toni Gonzaga bilang isang entrepreneur, vlogger, Social media influencer sa kanyang YouTube channel at Entertainment show na #ToniTalks. Ang estimated Net worth ng actress ay aabot sa halagang 4 million ng siya ay magsimula pa lamang sa taong 2001 at as of 2022, tinatayang aabot sa 400 million ang net worth nito. 

Kaya naman kahit marami ang hindi sang ayon sa kanyang pagboto sa bagong pangulo na talagang inulan ng batikos, nanindigan parin ang kanyang mga supporters at sila ay bumubilib parin sa talino at lakas ng actress na labanan lahat ng mga binabato sa kanya. Hindi lang siya sikat na actress o host kundi isa rin itong marespeto na tao at mapagmahal sa kapatid at magulang.

Anong say mo sa nakakalulang yaman ni Toni Gonzaga? Ibang klase talaga kapag tinahak mo ang karerang artista, tiyak na ang kayamanan ay natatamasa. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor