Ganito Pala Kayaman Si Bea Alonzo

Ganito Pala Kayaman Si Bea Alonzo

Maliban sa kanyang mansion ibinahagi rin ni Bea ang kanyang nabiling lupa sa Zambales na may laki na sampong ektarya

Naalala mo pa ba si Basha? Napapaisip ka ba kung gaano kayaman ang likod sa sikat na pelikulang One more chance. Well, sa bidyong ito paguusapan natin kung gaano kayaman ang idolo mong si Bea Alonzo

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o kilala natin bilang si Bea Alonzo. Siya ay half Filipina at half British. Ang lahi niya ba ay mayaman? Sa kasamaang palad, siya ay may broken family, sa maagang edad pa lamang ay nag hiwalay na ang kanyang magulang. Kung kaya’t namay naging isang pagsubok kay bea ang kanyang pag-aaral. 

Educational Background: 

Sa exclusibong  panayam sa  Philippine Entertainment Portal noong February 11, 2021, sinabe ng actress na hindi siya umano nakatungtong sa kolehiyo yung edukasyon nya ay hanggang second year lang at nag home-schooled na siya sa kanyang third year at fourth year sa high school.

Dagdag pa ng actress "Actually, yung education ko is my number one insecurity, na not having the privilege to go to college." ngunit sa kabilang banda si Bea naman ay nagsumikap na magbasa palagi ng ibat-ibang libro at manood ng mga Documentaries upang kahit papaano ay magdagdagan ang kanyang nalalaman. 

Showbiz Career: 

Pagdating naman sa kanya Showbiz career, Siya ay nagsimulang makilala noong 2001 ni Archie Ilagan ng ito ay sumali sa Miss Pasig pageant. Simula noon ay tuloy-tuloy na ang pag eextra ng actress sa mga pelikula at naging parte ng Star Circle Batch 10 of Star Magic sa edad na katorse. Determinado naman ang actress sa kanyang nais tahakin na landas sa pag-aartista. 

Sa tuloy-tuloy na takbo ng kanyang karera, marami na siyang binidahan na Teleserye at mga pelikula. Hindi naman maipagkakaila na sa dami ng kanyang binidahan bilang artista ay simula na ng pag-angat niya mula sa kahirapang dinanas niya. 

Yaman ni Bea Alonzo: 

Eto na nga ang sentro ng ating chika. Ang usapang yaman ni Bea Alonzo. Noong 2013 ay naipakita sa ilang magazine ang usap-usapang mala mansion na bahay ni Bea Alonzo, ngunit sa kanya YouTube channel sinabe nya sa bidyong House tour na 2012 pa umanong naitayo ang bahay nya ngunit nagdaan pa ito sa renovation. 

Maliban sa kanyang mansion ibinahagi rin ni Bea ang kanyang nabiling lupa sa Zambales na may laki na sampong ektarya, oh di ba bongga ang hacienda ni Madam Bea. Ginawa niya itong Mango plantation at pinangalanan niya itong "beati ferma" o ang ibig sabihin ay the blessed farm. Mayroon ring coffee shop Franchise si Bea na tinawag na Dean and Deluca na matatagpuan sa Quezon city. 

At nagkaroon rin ito ng sarili niyang mga sasakyan. At para sa hinihintay niyong halaga ng yaman, ang kanyang estimated Net worth lang naman ay may halagang 300 million pesos as of 2022.

At sa kasalukuyan ay nabalitaan naman natin ang pag-alis nito sa Star Magic, ngunit malaki parin ang utang na loob at pasasalamat ng actress sa kanyang pinagmulan. Siya ngayon ay may marami ng followers at Viewers sa kanyang YouTube channel at ang kanya entertainment show na #Bybea.

Ano ang iyong komento sa nakakantig na kwento ni Bea Alonzo? Hindi biro ang maging artista. Kaya nama’y lagi mong ituring ay iyong sarili na bida sa sarili mong istorya! 


No comments:

Post a Comment

Sponsor