Serena Dalrymple, ikinasal na sa kanyang foreign partner

Serena Dalrymple, ikinasal na sa kanyang foreign partner

Ikinasal na ang isa sa mga sikat na child stars noong 90's na si Serena Dalrymple sa kanyang foreign partner na si Thomas Bredillet

Ikinasal na ang isa sa mga sikat na child stars noong 90's na si Serena Dalrymple sa kanyang foreign partner na si Thomas Bredillet nito lamang unang araw ng Oktubre. Sa social media ng dating child star ay masayang ibinahagi ito isa na siyang Mrs. Bredillet. 

Ang mga matalik niyang mga kaibigan na sina Carlo Aquino at Shaina Magdayao ay nagkumento rin sa larawan na ibinahagi ni Serena at nagpaabot sila ng pagbati sa kanya.

Ang mag-asawa ay nagkakilala noong 2018 at taong 2021 naman ng inanunsyo nila na engaged na silang dalawa.

Si Serena ay isa sa mga sikat na child star noong late 90's at nakilala dahil sa TV commercial niyang 'Jollibee, Isa Pang Chiken Joy' at sa pelikulang 'Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?' na ipinalabas sa mga sinehan noong 1988.

Mula ng makilala siya ay sunod-sunod na ang mga proyektong natanggap niya at naging isa siya sa mga tanyag na child stars ng ABS-CBN. Siya ngayon ay tatlumpu't dalawang taong gulang na at nakatira na sa Amerika kasama ang kanyang mister. Doon na din siya nagtatrabaho at may sarili na silang bahay.

Si Serena ay ipinanganak kay Robert Lloyd Dalrymple na isang Scottish/American habang ang kanyang ina naman ay si Wilma Billones-Dalyrymple.

Taong 2004 ng magdesisyon ang aktres na magretiro na muna sa showbiz dahil wala na umano itong masyadong natatanggap na mga proyekto kaya nagpasya siyang ipagpatuloy nalang muna ang kanyang pag-aaral.

Naisip din nya na hindi siya pwedeng umasa sa kanyang showbiz career dahil alam naman natin na walang permanente sa industriyang ito. 

Taong 2007 ng makapagtapos ng high school si Serena sa O.B Montessori Center sa Las Pinas at Export Management ang kanyang kurso sa De La Salle College Saint Benilde. Bukod pa doon ay nag-aral din siya ng kursong Businesss Administration sa Hult International Business School sa London, United Kingdom.

Matagal narin siyang hindi napapanood sa telebisyon at kahit hindi na ito aktibo sa showbiz ay marami parin siyang taga hanga na umaasang mapapanood muli siya sa telebisyon balang araw.

Samantala, bago pa man ikasal si Serena ay maraming netizens na ang kinikilig at napasana-ol sa mga larawan na ibinabahagi ng dating child star sa kanyang Instagram kasama ang kanyang foreign partner. 

Masaya din masaya para sa kanya dahil kahit tinalikuran man niya ang kanyang karera sa showbiz ay makikitang masaya na ito sa pribadong buhay niya sa Amerika kasama ang asawa.

Anong masasabi niyo dito?


No comments:

Post a Comment

Sponsor