Top 10 Job Opportunity Sa Bansang Canada Para Sa Mga Pilipino
Top 10 Job Opportunity Sa Bansang Canada Para Sa Mga Pilipino
Hindi maikakaila na ang bansang Canada na yata ang isa sa mayroong pinakamatatag, malakas at dynamic na ekonomiya sa mundo. Mayroon silang maunlad na industriya, magagandang pasiyalan at mga matatatag na imprastractura na nagiging dahilan kung bakit isa itong magandang lugar para sa iba’t ibang oportunidad ’tulad ng pagkakaroon ng trabaho.
Ang progressive social policies, mataas na kalidad ng buhay, at mababang antas ng krimen, ang ilan din sa mga dahilan kung bakit ang Canada ay ideal para manirahan ka at mag-apply ng trabaho. Kaya kung iniisip mo na lumipat sa bansang Canada upang maghanap-buhay ay wala nang mas mainam pang panahon kundi ngayon!
Mula sa rich resources nito, pati na rin sa klimang pabor na pabor sa mga negosyo ay talaga namang kayang ipangako sa ’yo ng bansang ito ang magandang kinabukasan sa pamamagitan lamang ng tamang pagsaliksik sa mga oportunidad na nararapat sa ’yo!
Kaya naman dahil d’yan ay narito ang Top 10 best job offers sa bansang Canada, para sa mga Pilipino!
1. Ang Pagiging Isang Mechanics
Ito ang namamahala ng pagtingin at pag-aayos ng mga kotse, makina, at maliliit na truck. Tinatawag din silang service technicians. Ang mga taong ito ang siyang nagpapatakbo ng mga maintenance check, pagsubaybay sa mga imbentaryo, pag-iipon at pag-a-assemble ng mga mechanical parts.Madalas silang nagtatrabaho sa mga garahe na nasa loob. Kabilang sa mga trabaho ng isang mekaniko ay ang mga Bus and Truck mechanics, Industrial Electronic Repairers, Heave Equipment Mechanics, Motorcycle Mechanics, Small Engine Mechanics at marami pang iba. Hindi lang ’yan.
Sinasabing ang average salary ng isang mekaniko sa bansang Canada ay umaabot sa halagang 57, 135 dollars kada taon o katumbas ng halos 29 dollars per hour. Hindi na masama, ’di ba?
2. Ang mga Machinist
Ito naman ang mga taong gumagawa ng mga kasangkapan, bahagi, o iba pang bagay sa pamamagitan ng mga operating machine tulad ng milling machine, drills, mga gilingan at lathes sa isang shop.
Kabilang na sa mga trabahong maaari nilang gawin ay ang pagiging isang Automotive Machinist, Gear Machinist, Jig Bore Tool Makers, Maintenance Machinist, Manual Lathe Machinist, at iba pa. Ang trabahong ito naman ay sumasahod ng halos 26.76 dollars per hour bilang average salary ng mga katulad nila sa bansang Canada.
3. Welders
Ang mga welder ay gumagawa o nag-aayos ng mga produktong metal o kalakal sa pamamagitan ng pagtunaw ng dalawa o higit pang magkakasama at magkalaibang metal na may init, ’tulad ng tanso, hindi kinakalawang na asero, o aluminyo, upang gawing isang buong piraso ang mga ito.
Kapag ang Welders ay nagpuputol at nagsasama-sama ng mga metal, maaari silang gumamit ng marami at iba’t ibang mga tool at kagamitan sa paggawa ng trabaho.
Ang isang Welder ay maaaring magtrabaho bilang Aluminum Welders, Arc Cutters, Arc Welders, Brazers, Certified Maintenance Welder, Cutter, Cutting Torch Operator, at iba pa. Ang average salary naman ng ganitong trabaho ay umaabot sa halagang 42, 900 dollars per year o katumbas ng 22 dollars kada oras.
4. Mga Supervising Roles
Ang mga tinatawag na “Manager” at “Supervisor” ay kapwa in charge sa loob ng isang kompaniya. Ang isang Manager ay mayroong mas stratigic na papel sa, ’tulad ng paggawa ng mga desisyon, pagtatakda ng mga layunin, at pangangasiwa sa pagtatagumpay ng isang team.
Ang mga Supervisor naman ang naninigurado na ang bawat trabaho ay nagagawa mang maayos at natatapos nang tama sa oras, ngunit wala silang kapangyarihang magdesisyon, ’di ’tulad ng mga manager.
Ang isang supervisor ay sinasabing mayroong average salary na 54, 129 dollars per year, habang ang isang manager naman ay umaabot sa halagang 59, 000 dollars kada taon.
5. Automotive Workers
Maraming mga oportunidad at trabaho sa automotive industry ng Canada. Kasama sa mga trabahong ito reading specifications, pagdidisenyo ng mga parts, paggawa ng mga makina at kasangkapang ginamit upang gumawa ng mga bahagi, at pagbuo mismo ng mga sasakyan.
Ang mga trabahong maaaring gawin ng mga automotive workers ay ang Car Detailer, Car Rental Agent, Tire Technician, Vehicle Inspector, Auto Instructor at iba pa. Ang average salary ng mga ganitong klase ng trabaho ay umaabot sa 46, 800 dollars per year o 24 dollars per hour.
6. Ang Pagiging Farmer o Magsasaka
Kung sa Pilipinas ay madalas ma-sterotype ang mga magsasaka bilang “mahirap” o ’di kaya’y nasa mababang antas ng lipunan, sa Canada ay hindi. Bawat yugto ng hanay ng proseso sa agrikultural na produksyon, kabilang na ang pagpapastol, pagtatanim, pag-aani, at pagpapataba o fertilization, ay pinangangasiwaan at iniaambag ng mga magsasaka at rantsero.
Bumibili sila ng mga makinarya para sa pagsasaka, binhi, fertilizers, at iba pang mga supply, at sinisigurado nilang ang mga ito ay maayos at gumagana. Kabilang sa mga trabahong nasa ilalim ng Farming ay ang Agricultural Engineer, Agricultural Economist, Farm Manager, Soil and Plant Scientist, Conversation Planner, Agricultural Salesperson, at iba pa.
At ang average salary naman ng isang taong nagtatrabaho sa ilalim ng kategoryang ito ay umaabot sa halagang 39, 000 dollars per year o 20 dollars per hour.
7. Ang Pagiging Cook
Naghahanda, nagluluto, at naghahain ng pagkain at tinitiyak na ang mga customers ay makatatanggap ng pinakamahusay na serbisyo at karanasan. Tumutulong sila sa organisasyon at makinis pagpapatakbo ng kusina.
Sinisigurado nila na ang pagkain ay pinangangasiwaan nang maayos, na ito ay sanitary, at ang patakaran at alituntunin pagdating sa pag-iimbak ng pagkain ay nasusunod. Ang isang cook sa Canada ay mayroong average salary kada taon na umaabot sa halagang 35, 100 per year o 18 dollars per hour.
8. Mga Truck Drivers
Ang tungkulin ng isang Truck Driver ay ang pagdadala ng mga kalakal gamit ang isang tractor-trailer o isang malaking truck. Ang kanilang mga biyahe ay maaaring regional o sa nationwide, at maaaring sila ay nasa kalsada nang ilang araw o linggo.
Ang mga truck drivers ay maaaring mag-transport ng isang malawakang hanay ng kalakal, kabilang na ang mga pagkain at mga hayop, depende sa kanilang kalakalan. Sila ay may average salary na 41, 367 dollars kada taon o 21.22 dollars kada oras.
9. Production Workers
Sa mga pabrika, ang mga production employees ay ang mga taong lumikha at nagtitipon ng mga bagay. Sila ang nagpatakbo at nag-aayos ng mga makina, ang naninigurado na ang mga production requirements ay nagawa, tumatapos ng mga kalakal, at naghahanda ng mga produkto para sa mga shipments.
Ang average salary naman para sa mga production workers sa Canada ay 34,990 dollars kada taon taon o 17.94 dollars naman kada oras.
10. Technicians
Sila naman ang siyang nag-i-inspect, nag-a-analyze, at nagto-troubleshoot ng system at mga equipments na ipinatitingin ng mga kliyente. Sila ang nagsasagawa ng mga pagsusulit at pinag-aaralan nila ang mga resulta upang ibigay ang pinakamahusay na rekomendasyon para sa pagkukumpuni ng sira o ng kailangang ayusin sa isang kagamitan.
Sa kanila rin kinukuha ang mga bagong parts ng isang equipment at nakikipag-ayos ng mga rate sa mga supplier at kliyente na siyang kailangan sa kanilang pagkukumpuni. Ang average salary ng technician sa Canada ay 52,500 dollars per year at 26 dollars naman kada oras.
Ano ang masasabi mo sa paksang hatid ngayon? Nagustuhan mo ba o naengganyo ka bang mag-apply ng trabaho sa Canada? Kung gan’on ay pag-usapan naman natin ’yan sa comment section!
No comments:
Post a Comment