Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Iskandalo Sa Showbiz

Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Iskandalo Sa Showbiz

Marami din mga artista na sa gitna ng kanilang kasikatan ay bigla na lamang kumalat online ang kanilang mga pribadong bidyo na sumira

Maraming mga tao ang naghahangad ng katanyagan sa buhay at gustong pasukin ang mundo ng showbiz. Marami din mga artista na sa gitna ng kanilang kasikatan ay bigla na lamang kumalat online ang kanilang mga pribadong bidyo na sumira sa kanilang reputasyon at kasikatan. 

May mga ilan na nanahimik na lamang para makalimutan ito ng mga tao at may mga ilan naman na bumangon at unti-unting naisalba ang kanilang showbiz career. Kaya ating alamin ang mga Pinoy celebrities na nagkaroon ng iskandalo sa mundo ng showbiz sa gitna ng kanilang kasikatan. 

1. Katrina Halili

Taong 2009 ng kumalat ang pribadong video nina Katrina Halili at ang plastic surgeon at modelo na si Hayden Kho na talagang pinag-usapan at gumimbal sa mundo ng showbiz. Ang ikinagulat pa ng mga netizens ay in a relationship si Hayden kay Doktora Vicki Belo at dahil dito ay nasira din ang pagkakaibigan nina Katrina at Vicki. Matatandaang umabot pa sa korte ang iskandalong ito na kung saan sumira sa imahe ni Katrina bilang artista at hinahangahan ng lahat.

Pero taong 2015 ng ibalita na nagkaayos na silang tatlo sa tulong ng talent manager na si Lolit Solis. Ayon kay Vicki, hindi naging madali na patawarin si Katrina pero kung ang Diyos ay kaya tayong patawarin sa lahat ng ating kasalanan, sino ba tayo para hindi magpatawad.

Ayon naman kay Katrina ay sobrang saya nito ng magkapatawaran sila at may peace of mind na silang tatlo.

Taong 2015 naman ng ibahagi ni Hayden ang larawan nilang tatlo sa kanyang Instagram account na may caption na,

"I had wanted to wait for the proper time to announce this reconciliation that happened last week; but since it's already out I might as well say, my piece too."

"After seven years of enmity, Katrina, Vicki, and myself are now reconciled. And I want to say that just like the restoration of my medical license, the restoration of my relationship with Vicki, Katrina, and many others happened because I first sought to restore my relationship with God."

"It was by God's grace- made available through the sacrifice of our Lord Jesus Christ- that I have been restored. And I want to emphasize that when the Bible says, "Seek first His kingdom and all THESE things shall be added to you (Matt6:33)", we are given a principle that can be tested and proven to be true over and over again. All glory to God Who alone deserves it."

Sumikat si Katrina Halili ng sumali siya sa reality artista search ng GMA na Starstruck kung saan nabigyan ito ng break dahil sa galing niyang umarte at pagiging kontrabida sa mga teleserye. Napabilang siya sa mga sikat na programa ng GMA Network na Darna, Marimar, Majika at marami pang iba. Siya rin ay dating nanguna bilang modelo ng FHM Philippines dahil sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan.

2. Wally Bayola

Ang Eat Bulaga dabarkads na si Wally Bayola naman ay nasangkot sa isang iskandalo at sumira din sa kanyang kasikatan noong 2013. Ito rin ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala sa Juan For All, All For Juan ng ilang taon dahil sa isang bidyong kumalat online na kung saan ay kasama niya dito ang EB Babe member na si Yosh Rivera. Noong panahong iyon ay kasal na si Wally kay Riza Bayola ay meron silang limang anak. Taong 2014 naman ng bumalik siya sa longest noontime show at hindi ito napigilan umiyak at humingi ng tawad sa iskandalong kinasangkutan niya. Salamat sa Kalyeserye dahil mas lalo pang nag-ningning ang karera ni Wally sa showbiz ng gampanan niya ang role na Lola Nidora kasama ang sikat na loveteam na sina Maine Mendoza at Alden Richards o mas kilala bilang ALDUB.

3. Andrea Brillantes

Ang bidyo scandal nito ng aktres ay talagang gumulat sa bansa at talaga namang pinag-usapan. Bali-balita noon na ninakaw ang cellphone ng aktres kung saan naka-saved ang pribadong bidyo nito at inupload ito online na naging viral agad-agad. Dahil dito ay naging number 1 trending topic noon si Andrea sa Twitter. Wala naman naging pahayag dito ang aktres at kahit ilang taon na ang lumipas ay mga mga netizens parin na binabanggit ito lalo na noong nakaraang botohan na kung saan sinuportahan ni Andrea ang dating bise presidente na si Leni Robredo.

Sumikat si Andrea ng ginampanan niya ang role na Annaliza na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2013. Ito ang kanyang naging big break at mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang kasikatan. Ang teleseryeng Kadenang Ginto ay isa rin sa mga top rated afternoon show ng ABS-CBN na kinabilangan niya bilang Marga. Kasalukuyan siya ngayong in a relastionship sa basketball player na si Ricci Rivero.

4.  Jim Paredes

Ang isa sa miyembro ng sikat na grupong APO Hiking Society na Jim Paredes ay nasangkot rin sa isang iskandalo noong 2019. Kumalat kanyang bidyo na kung saan ay nagsasarili ito habang may kausap sa video call. Noong una ay itinanggi ito ng singer pero naglabas ito ng statement sa kanyang blog at inamin na siya ang nasa bidyo.

Aniya,

"This is very difficult for me to write, and for many of you, it will be painful to read.

"The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work."

"When I saw it on social media, I was in a quandary how to respond. But after mulling and praying over it, I decided to come clean. There are already too many lies and liars in this world. I do not wish to be a part of that cabal. I have chosen to be truthful because I know that painful as the truth can be, it will eventually set me free."

"I have never tried to project myself as perfect. Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media. I have always expressed my feelings freely. Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else."

"I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry. I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility. But most especially, I stand in bottomless sorrow and contrition before my family who are reeling from the hurt and aggravation, and the embarrassment and shame, that should only be mine. I pray that they be spared any more wicked trolling by those who would revel in their pain."

5. Paolo Bediones

Ang TV host na si Paolo Ballesteros ay naging trending din sa Twitter noong 2014 ng kumalat ng iskandal kasama ang kanyang girlfriend. Sa sumunod na taon ay nagsalita rin si Paolo sa sikat na podcast na 'Good Times With Mo' na kung saan ay inamin nito na nirecord niya ang private video sa kanyang laptop kasama ang kanyang kasintahan limang taon na ang nakalipas kaya nakalimutan na nila ito. 

Sinabi din niya na nasira ang laptop kaya dinala niya ito sa isang technician sa Greenhills. Nang maayos ang laptop ay napansin niyang nadisable ang password nito kaya nagsimula na siyang kabahan.

Aniya,

"I let about three months pass. While I was doing radio in Novaliches, I received snail mail and there were screen caps of the video. And I know. The message was 'Tawagan mo kami, mainipin kami pero madaling kausap."

Ayon sa TV host ay tinawagan niya ito pero humingi sila ng tatlong milyong piso o kung hindi ay ikakalat nila ang bidyo.

"I don't want to talk to the PNP or the NBI. They can make a big deal out of this, people will know that there's actually a video. I kept quiet. Basically for the next four and a half years, that's how I lived my life. I would pray at night, I hope it doesn't come out. I would wake up in the morning and hope this is not the day," dagdag pa ng TV host.

Si Paolo ay sumikat bilang host ng Extra Challenge sa GMA Network at Survivor Philippines.


No comments:

Post a Comment

Sponsor