Ganito Pala Kayaman Ang Asawa Ni Kris Bernal

Ganito Pala Kayaman Ang Asawa Ni Kris Bernal Na Si Perry Choi

Ganito Pala Kayaman Ang Asawa Ni Kris Bernal Na Si Perry Choi

Kapuso Star Kris Bernal, isang milyonaryo pero proud kuripot umano? Yan ang ating ichichika!

Isa na yata si Kris Bernal sa mga sikat at magaling pagdating sa mga Kapuso artist, siya ay talagang bidang-bida pagdating sa drama at pagiging kontrabida.

Kilala rin ito ng husto dahil sa kanyang pag-ganap sa drama series na 'Little Nanay' bilang si Tinay kung saan gaganap siya bilang isang dalaga na may mental disability, siya rin ay kilala sa tambalan nilang dalawa ng aktor na si Aljur Abrenica.

The Wedding: 

Ang aktres ay ikinasal kay Perry Choi sa St. Alphonsus de Liguori Church sa Magallanes Village, Makati City.

Ang kanilang kasal ay punong-puno ng saya at emosyon, dahil ang kasalang ito ay talagang dream wedding umano ng aktres.

Ang simbahan ay punong-puno ng paborito niyang bulaklak. Ang sunflower na disenyo ni Gideon Hermosa isang sikat na stylist, at ito pa ang mas nakaka-intriga para may match sa kanyang yellow motif. Ang aktres ay dumating sa simbahan na sakay sa kanyang luxury car na Toyota FJ cruiser.

Punong-puno ng ngiti ang mga mata ng aktres habang siya ay naglalakad papasok sa simbahan, marami ang talagang nagandahan sa kanyang Swarovski embellished semi- ball Gown na gawa ni Mak Tumang.

Habang papalapit na ito sa kanyang mapapangasawa si Kris ay lalong naging emotional dahil sa wakas unti-unti na umanong matutupad ng aktres ang kanyang pangarap na maka-pangasawa sa lalaking matagal na niyang hinintay.

Ayon pa sa isang vlog ni Kris sa kanyang YouTube channel, talagang pangarap nya umanong magkaroon ng sariling pamilya at asawa, aniya pa ng aktres "I've always dreamed of someone to cook for, someone to share my food with, and someone I can drink with, and even show how crazy I can possibly be."

Perry Choi/business:  

Samantala, si Perry Choi ay isang non-showbiz long-time partner ng aktres na si Kris Bernal, maraming tao ang naiintriga kung sino si Perry Choi. Kaya naman sa isang vlog ng aktres sinabi nya doon ang mga ugali at katangian ng kanyang asawa, dagdag pa ng aktres talagang camera shy ang kanyang asawa dahil kung hindi umano importante ay hindi ito magpapakita sa camera.

Hindi hilig ng kanyang asawa ang pagkuha ng mga litrato, wala rin umano itong karate-arte. Aniya pa ng aktres "Ako nga ang pinaka-maarte saming dalawa at talagang biniyayaan ni Lord ng kaartehan."

Bukod doon si Perry Choi ay isa umanong Overseas Filipino Worker sa Singapore noon base sa kanyang Instagram post.

Siya ay nagtatrabaho doon bilang isang assistant cook hanggang naging isang Chef sa taong 2007.

Perry and Kris Business: 

Dahil isang Chef si Perry Choi pinasok niya ang mundo ng pagnenegosyo. Silang mag-asawa ay may sarili ng Restaurant na Korean barbecue restaurant House Of Gogi at makeup-brand na SHE Cosmetics.

Naging matagumpay ang kanilang negosyo at nakabili ng bahay sa Amerika, subalit ayon sa aktres dumaan rin umano sila sa butas ng karayom bago nila ito nakamit. Ito ay kadahilanang noong pumasok ang pandemya ay naapektuhan ng husto ang kanilang negosyo. Ayon sa kanya dumati paraw sa punto kung saan kina- kailangan na niyang magtanggal ng mga tauhan. 

Kaya naman ngayon na medyo humuhupa na ang sitwasyon, malaki ang pasasalamat ng aktres lalo na sa mga kaibigan niyang tinulungan siya at sa pamamagitan narin ng pag-guide ng kanyang asawa sa kanya.

Sa isang Instagram post ng aktres sinabi rin nito na kaya malapit ang puso niya sa mga taong may small business, ay dahil nais nya raw itong matulungan kahit sa pamamagitan lamang ng unpaid promotions. Sa ngayon umabot na ang Net Worth ng mag asawa sa halagang 2 Million pesos hanggang 5 Million pesos ang laki.

Tunay ngang wala ng mas sasaya pa sa taong nahanap na ang makakasama habang buhay, at makakatulungan sa bawat hamon ng buhay.


No comments:

Post a Comment

Sponsor