Rabiya Mateo, Sinagot Ang Netizen Na Tinawag Siyang 'Cheap'

Rabiya Mateo, Sinagot Ang Netizen Na Tinawag Siyang 'Cheap'

Rabiya Mateo, Sinagot Ang Netizen Na Tinawag Siyang 'Cheap'

Hindi pinalagpas ni Miss Universe 2020 Rabiya Matero ang isang kumento ng netizen na sinabihan siyang mukha itong 'CHEAP'. Sa Tiktok nito, nag-reply siya sa isang netizen at ginawan pa niya itong ng video. Ayon kay Rabiya, ito ang unang pagkakataon na magre-reply siya sa isang negatibong kumento ng isang netizen at sinabihan ito na ang kanyang ginawa ay hindi tama.

Aniya, "You know what, I am so used to see alot of mean comments sa social media ko. Ever since noong lumaban ako sa Miss Universe. Pero I think this is the first time that I'm gonna make a video about it so hear me out."

"You know what Madame, Miss, or hindi ko alam kung paano kita ia-address, you can be the most expensive looking person but if you're mean or rude or the way you think or talk to people is not right."

"I don't think na I wanna be somebody like you. Ako, I'm proud of myself, I'm proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako maki-kapwa tao."

"At baka isipin niyo po na sine-shame ko kayo because of your age but hindi po ganoon but I hope sa edad niyo po na yan, marami na kayong natutunan sa buhay. You should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po dahil hindi dapat ganyan mag-act sa social media. Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I am sure of that."

"And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao, diba? Pero sige, bigay ko nalang po yun sa inyo. If I look cheap, pasensya na po, pero I will never be somebody like you."

Dahil sa naging mensaheng ito ng beauty queen sa netizen, binura ng user ang kanyang account at hindi na ito aktibo ngayon.

Ipinagtanggol naman siya ng kanyang mga taga hanga at mga iba pang netizens.

"Well said ma'am Rabiya. Some people are so mean to other people, they don't realize it reflects on their personality. Don't mind them, we love you."

"Tama ka. Jealous people are the most judgemental. You are beautiful. Ignore. Your heart is what matter. They are not worth your attention."

"Korek, igalang at irespeto mo ang kapwa mo. Yan ang totoong expensive, hindi s katayuan sa buhay kundi kng paano makipagkapwa tao."


No comments:

Post a Comment

Sponsor