Ganito Pala Kayaman Ang Ex Husband Ni Ruffa Gutierrez Na Si Ylmaz Bektas

Ganito Pala Kayaman Ang Ex Husband Ni Ruffa Gutierrez Na Si Ylmaz Bektas

Ganito Pala Kayaman Ang Ex Husband Ni Ruffa Gutierrez Na Si Ylmaz Bektas

Ruffa Gutierrez muling binigyan ng pagkakataon ang kanyang ex- husband na si Ylmaz Bektas na muling makita ang kanilang dalawang anak na babae.

Marami ang natuwa ng makita sa publiko ang muling pagkikita ng mga anak ng aktres na si Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice sa kanilang ama na isang Turkish. Matapos kasi ang hiwalayan ng mag-asawa ay umabot sa halos labing limang taon silang walang paramdaman sa isat isa.

Early life/Relationship:  

Taong 2003 ng ikasal ng halos mala fairytale na kasalan ang aktres/TV Host at dating beauty queen na si Ruffa kay Ylmaz Bektas. Ngunit matapos ang kanilang pagsasama sa taong 2007, isina- publiko ng aktres ang kanilang tunay na dahilan sa paghihiwalayan. Ayon umano sa aktres hindi lang umano siya ang asawa ni Ylmaz at palagi raw itong sinasaktan ng pisikal, dahil doon mas lalong nag-kainitan ang dating mag-asawa. 

Ayon naman sa bali-balita nagalit umano si Ylmaz dahil sa paninirang puri ni Ruffa sa kanya, mahalaga para kay Ylmaz ang kanyang reputasyon dahil isa siyang negosyante at maraming tao ang naka paligid sa kanya.

Dahil doon tuloyang naghiwalay ang dalawa at halos umabot sa labing limang taon bago muli silang nagkita-kita ng kanilang mga anak.

Ayon kay Ruffa sa isang panayam nito sa PEP. ph, mahalaga para sa kanya ang kanilang mga anak kaya naman kahit papaano ay bingyan niya muli ito ng pagkakataon na maka musta sila. Dagdag pa ng aktres ang kanya umanong mga anak magaling magtago ng nararamdaman pero alam umano ng aktres ang hinanakit ng kanyang mga anak sa kanilang ama dahil matagal itong wala sa kanilang piling at si Ruffa lamang ang nagtaguyod sa kanilang bilang ama at Ina. 

Aminado rin ang aktres na si Ylmaz ang kanyang greatest love ngunit dagdag niya maaaring mo umanong maging greatest love ang isang tao pero hindi mo na ito makakasama habang buhay, at bukas umano ang aktres kung sakaling may dadating na lalaki para sa kanya na mamahalin siya at ang kanyang mga anak.

Sa kanilang panayam sinabi rin ng aktres na talagang iniiyakan niya parin si Ylmaz dahil yung pain sa puso nya ay wala pa umanong closure at kahit okay na siya hindi niya parin maiwasan maging emosyonal lalo na kapag naalala niya yung mga masasakit na dinanas niya.

At nito ngang buwan ng hunyo taong 2022 binigyan ni Ruffa ng pagkakataon na lumipad ang kanyang mga anak papuntang turkey upang makasama ang kanilang ama at sabi rin ng aktres na pagbubutihin nila ang pagko-coparenting sa kanilang dalawang anak.

Ylmaz Bektas/Earning/Net worth: 

Base sa mga impormasyon na aming nakalap si Ylmaz ay isang negosyante at may sariling kompanya, si Ylmaz rin ay nag-aral sa College T.E.D sa Turkey at gumraduate sa Cyprus Girne American University School of Political Sciences ng BSc in Economics. Siya din ay may master's degree sa University of Richmond (UK). 

Siya ang chairman ng Intel Group of Companies kung saan may investment ito sa malalaking industriya sa kanilang bansa. 

Ito ang ilan sa mga sakop na negosyo ni Ylmaz. Kabilang ang Diamond and Jewelries, Bank and Financing, Aviation Services, Construction, Logistics, Shipping Lines, Foreign Exchange, Petroleum, Luxury Yacht, Travel and Tourism, Telecommunications, Media, Hotel Chains, Fashion, Pharmacy. Oh di ba andami. 

Dumako naman tayo sa kanyang net worth, base sa aming nakalap si Ylmaz ay may net worth na nagkakahalaga ng 5 milyon pesos hanggang 10 million pesos as of 2022.

Tunay nga ang kasabihan na kahit gaano kaman nasaktan o gaano pa man kagulo ang sitwasyon, bilang isang ina isasantabi mo lahat alang-alang sa kapakanan ng iyong mga anak.


No comments:

Post a Comment

Sponsor