Ganito Pala Kayaman Ang Lord of Scents Na Si Joel Cruz

Ganito Pala Kayaman Ang Lord of Scents Na Si Joel Cruz

Ganito Pala Kayaman Ang Lord of Scents Na Si Joel Cruz

Umabot sa tumatagingting na 60 milyon peso ang ginastos ng kinikilalang “Lord of Scents” ng Pilipinas na si Joel Cruz para maisakatuparan lamang ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Siya ang tinawag na "Lord of Scents" dito sa pilipinas, dahil isa siya sa mga entrepreneur na naging successful. Bukod don, mas naging tanyag pa sa siya dahil sa kanyang mga anak na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy, kaya’t namay marami siyang taga hanga. 

Early life / timeline:  

Noon pa lamang ay napapalibutan na si Joel sa mga kalakaran pagdating sa pagnenegosyo dahil ang kanyang mga magulang ay isa ring negosyante, ang kanyang ama ay may trucking business, samantalang ang kanyang ina naman ay nagpapa-renta.

Si Joel ay nakapag-aral mula elementarya hanggang kolehiyo sa Santo Tomas, sa kolehiyo siya ay nagtapos sa kursong BS Psychology ngunit ang nais ng kanyang mga magulang na kurso ay ang pag-do-doktor. 

Ayon pa kay Joel, talagang nais ng kanyang magulang na mag-aral siya sa pag-dodoktor ngunit pinili ni Joel ang kanyang passion at mas nakikita niya umano ang kanyang sarili bilang isang negosyante, sapgkat bata pa lamang si Joel ay hilig naraw nitong mag-ipon.

Makalipas ang ilang taon si Joel ay nagtrabaho sa abroad upang mas magkaroon pa ng puhunan sa binabalak niyang negosyo at ng siya ay nakaipon, minabuti niyang bumalik sa pilipinas at nagbukas ng sarili niyang patahian ngunit hindi rin nagtagal at ito ay nagsara.

Matapos ang ilang subok ni Joel sa pagnenegosyo, nagsimula naman siyang  pasukin ang mundo ng perfume business hanggang sa magtuloy-tuloy na ito.

Dahil sa kanyang aficionado perfume, natupad lahat ng pangarap ni Joel kasama na ang makapag-patayo ng sariling mansion gaya ng kanyang White House Of The Lord Of Scents sa Baguio City.

Surrogacy: 

Matatandaan na taong 2021 ng naging emotional si Joel sa mga katanungan sa kanya tungkol sa kanyang surrogacy journey.

Sa kaniyang panayam kay Ogie Diaz, naging bukas si Cruz sa mga pinagdaanan bago naging matagumpay ang surrogacy ng kaniyang mga anak sa isang Russian mom. 

Ayon kay Joel, matagal na niyang pangarap mag-kaanak ngunit hindi niya kayang gawin sa natural na pamamaraan at hindi nya rin nais mag-ampon ng bata. Kaya naman napag-desisyonan niya na sa pamamagitan ng surrogacy buohin ang kanyang mga anak. 

Una itong sinubukan ni Joel sa Pilipinas kahit pa umano hindi ito naging legal sa ating bansa noon.  Subalit may naging problema si Joel, makalipas kasi ang mga ilang linggo ay hindi ito kumakapit sa mga napiling nanay.

Isang dekada ang nakalipas bago niya napag desinyunan na gawin na lamang ito sa ibang bansa, aminado si Joel na hindi ito naging madali para sa kanya dahil ang awtoridad sa Russia ay lubos na mahigpit pagdating sa mga nagpa-planong magpa surrogate.

Sa kanyang walong anak ,12 million kada isa ang nagastos ni Joel, pero lahat raw ng nagastos niya ay umabot na sa billion kasama lahat lahat lalo na ang kanyang mga pamasahe sa pabalik-balik at ang kanyang pinagstayhan na mga hotel. Ayon pa sa CEO ng aficionado hindi niya ito pinagsisihan dahil walang katumbas ang saya na nararamdaman niya ngayon dahil natupad na ang kanyang masaya at sariling pamilya.

Noong taong 2012 ng naging matunog ang pangalan ni Joel matapos niyang ipakilala ang kanyang unang kambal na anak na sina Prince Harry at Princess Synne.

Ayon din kay Joel ay bukod sa napakalaki ng kanyang nagastos ay hindi naging madali ang pinagdaanan niya lalo na sa interview dahil aalamin muna nila lahat ng background mo sa Pilipinas bago ka nila tulungan at kung kakayanin mong buhayin ang bata.

Ngayon masaya si Joel sa kanyang mga narrating, mayroon narin siyang mga bagong business gaya ng Takoya Tea restaurant. 

Si Joel ang katunayan na maliban sa material na yaman, sinisigurado niya naman na ang kanyang mga anak ang kanyang tunay na kayamanan.  


No comments:

Post a Comment

Sponsor