Ganito Pala Kayaman Si KC Concepcion

Gaano Nga Ba Kayaman Ang Anak Ni Megastar Sharon Cuneta Na Si KC Concepcion?

Gaano Nga Ba Kayaman Ang Anak Ni Megastar Sharon Cuneta Na Si KC Concepcion?

Muling umingay at naging usap-usapin ang isang Instagram post ni KC Conception patungkol sa isang koleksyon na nagkakahalaga umano ng milyones.

Si Kristina Cassandra aka "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite and humanitarian. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. 

Isa si KC Concepcion sa talagang hinahangaan ng mga tao hindi lang sa kanyang angking galing sa pag-aarte kundi maging sa larangan din nang pagkanta. Katulad ng kanyang ina, si KC ay biniyayaan rin ng magandang tinig. Bukod doon si KC rin umano ay lumaking matulongin at marespetong bata, kaya marami ang humahanga sa kanya.

Personal life and Educational Attainment:   

Malungjot mang isipin, ngunit si KC ay nagmula sa isang broken family. Naghiwalay man ang landas ng kanyang mga magulang tuloy pa rin ang kanilang karera sa showbiz, habang pinagtutulungan ang pagpapalaki kay Kc kasama ang kanyang mahal na mahal na Nanay Lina, kung saan ito ang lagi niyang kasama at nag aalaga sa kanya. 

Ayon pa kay KC, hindi lang umano ito taga-alaga para sa kanya kundi tinuring niya rin itong tunay na magulang dahil si ang kanyang Nanay Lina ang kasa-kasama ni KC mula nung siya ay bata pa lamang hanggang siya ay mag-dalaga. 

Kaya ganun na lamang ka importante ang kanyang yaya para sa kanya. Ayon pa sa mga ulat maaring nakuha umano ni KC ang pagiging mabuting bata at marespeto dahil umano sa pag-aalaga ng kanyang Nanay Lina.

Pagdating sa edukasyon siya ay nagtapos ng grade school sa Saint Pedro Poveda College sa Mandaluyong. Noong 2003, nagtapos siya sa International School Manila, at noong 2007, nagtapos ng Bachelor's Degree sa International Corporate Communications with a minor in Theater Arts mula sa American University of Paris.

Early career: 

Hindi pa man nagsisimulang pasukin ni KC ang mundo ng showbiz siya ay tinawag ng royalty o bilang isang princesa dahil ang kanyang magulang ay talagang most promising real couple na kinakikiligan ng buong sambayanan noon. 

Taong 2003 naman ng pasukin ni KC ang mundo ng advertising at naging isa sa mga tagapag-salita ng isang sikat na produkto sa ating bansa. Mula noon naging laman na siya sa mga commercial endorsers sa television at maging sa print ads.

Bumida rin si kc sa mga movies tulad ng 'For the first time' taong 2008 kasama si Richard Gutierrez at nasundan pa sa taong 2009 ang 'When I Met U' na talaga kinakiligan noon. Sumunod naman taong 2011 ang 'Forever in a Day' kasama si Sam Milby, 'Huwag ka lang Mawawala' 2013. Ilan lamang yan sa mga binidahan ni Kc sa kanyang karera sa showbiz.

Earnings/net worth: 

Matapos ang pananahimik ni KC sa mundo ng showbiz siya naman ngayon ay isa ng businesswoman. Ayon sa kanya mananatiling nasa puso niya ang showbiz pero sa ngayon na-eenjoy niya ang pagiging businesswoman. 

Mayroon na siyang isang jewelry line at pinangalanan niya ito ng Avec Moi by Kristina, aminado ang aktres sa pagod at hirap pagdating sa pagiging entrepreneur ngunit mas lalo umano siyang ginaganahan dahil rin sa pagbebenta ng bag, shoe collection ay nakatulong rin siya sa iba pa nating kababayan sa Mindanao, dahil halos kumikita siya ng isang million. 

Naging usap-usapin rin ang di umanong pagbili ni KC ng house and lot para sa kanyang Nanay Lina na nagalaga sa kanya mula pagkabata. At muli ring napatunayan ng aktres ang tinatagong yaman nito ng siya ay mag post sa Instagram tungkol sa obra ni Pablo Picasso na may titulong “Jacqueline Au Bandeau De Face 1962” na may sukat na 38/50 at linocut. 

Ayon sa aming nasiyasat, ang painting na ito ay halos nagkakahalaga ng 6 million pesos. At ngayong 2022 umabot na sa halos 7 million ang net worth ni KC Concepcion, at siya ay kasalukuyang naninirahan sa United States ngayon. 

At ngayong atin natunghayan ang kanyang talambuhay. Masasabi natin na hindi lang pala lumaking mayaman si KC, kundi lumaki rin itong may ginintuang puso. Ano sa tingin mo? 


No comments:

Post a Comment

Sponsor