Bakit Ang Laki Ng Sahod Sa Bansang Luxembourg?

Bakit Ang Laki Ng Sahod Sa Bansang Luxembourg?

Bakit ang bansang Luxembourg ay may pinaka-malaking sahod?

Sawa ka na bang tiisin ang iyong kakarampot na sahod? Ayon bang mistulang ikaw na ay pagod. Atin naman lakbayin ang bansang may pinaka-malaking sahod.

Ang nasyon ng Luxembourg ay pangalawa sa binansagang mayaman na at pinaka-maliit rin na bansa sa buong mundo. Kung nagkakaisa ang mga namumuno at ang mga mamamayan, wala umanong impossible ang pag-yaman ng iyong inang bayan. Ngunit ano-ano pa nga ba ang hindi natin nalalaman tungkol dito, Kaya’t naman ngayon ay ating aalamin kung anong meron sa bansang ito.

Luxembourg:

Ang bansang ito ay matatagpuan sa Europa, na napapalibotan ng mga bansang Belgium, France at Germany. Ang pangalang Luxembourg ay nanganga- hulugang "Little castle"  dahil noong unang panahon ang bansang ito ay nag- simula lamang sa isang maliit na kastilyo, At ito ay pinamumunoan ni Henri The Grand Duke of Luxembourg mula pa noong Oktobre taong 2000. Alam mo rin ba na ang bansang ito ay mayroong tatlong ginagamit na wika, una ang Luxembourgish, pangalawa ay ang wikang French, at pangatlo ay ang Germany.

Bakit ang bansang Luxembourg ay may pinaka-malaking sahod?

Ayon sa International Monetary Fund Projection sa taong 2015 ang Luxembourg ay pinaka-mayaman na nasyon sa buong mundo dahil ito ay may GDP o Gross domestic product na umabot sa 96,269 US dollars. Mas malaki umano kesa sa bansang Qatar. Ang Luxembourg rin ay may mataas na pasahod sa bawat mang-gagawa dito, kaya naman sila ang pinaka may "Highest minimum wage" sa buong Europa, ngunit sa laki ng pasahod nila ay kabaliktaran naman sa bilang ng kanilang populasyon, ang mamamayan dito noong 2015 ay nabi- bilang lamang sa kalahating milyon na may 563,000 katao.

Kung ating iisipin ang Luxembourg ay talagang dream country rin para sa nakararami, lalo na sa mga kababayan natin na gustong maranasan ang mataas na pasahod at mababang singil ng Tax.

Pasyalan: 

At Kung usapang paglalakbay, alam mo ba na ang bansang Luxembourg ay may libreng mga sasakyang pam-publiko, mapa-bus o kaya train. Layunin umano ng bansa ang malinis na kapaligiran at stress-free na mga mamamayan. 

Ang Luxembourg din ay bansa umano ng mga Business man, ang mga taong nag nenegosyo sa ibat ibang dako ng mundo ay dumadayo dito, dahil bukod sa mababang singil ng Tax ang kapaligiran umano ng bansang ito ay napaka- matiwasay at ligtas. 

Kaya naman kung isa ka sa mga taong mahilig maglibot sa ibat-ibang dako ng mundo upang mamili ng mga luxury bag o kaya naman mga sapatos, ihanda mo na ang bulsa mo dahil naroon ang Louis Vuitton, Chanel, Hermès, Gucci at marami pang iba.

Kung ikaw naman ay mahilig sa mga mala- fairytale na lugar, aba! Wag mong palalagpasin ito dahil sa bawat paglibot mo dito ay hindi ka mabibigo. Ang Luxembourg kasi ay napapalibotan ng mga ibat ibang kastilyo. 

Mas maigi umanong simulan mo ang iyong paglalakbay sa tinatawag nilang “The Old Quarter sa Luxembourg City” Ito ay sikat dahil sa mga sina-unang mga kastilyo at gusali, mga parke na may nag- gagandang hardin at doon mo rin madadaanan ang “Adolphe Bridge.” At kung nais mong mapuntahan ang Grand Ducal Palace, ito ay matagtagpuan mo rin sa Luxembourg City, ang Renaissance building na ito ay itinayo mula pa noong 1572 at nagsisilbing tirahan ng mga reigning monarch ng bansa, at ito ay tirahan ni  Grand Duke Henri. 

Kung hilig mo naman ang bumisita sa mga art museum pwede mong puntahan ang tinatawag nilang Grand Duke Jean Museum of Modern Art, kung saan naka- paloob ang mahahalagang sining na gawa ng mga sikat na artist gaya ni Bruce Nauman, Andy Warhol at marami pang iba. Ayon rin sa mga tao dito ang Art museum na ito ay "One of Europes most important art gallery." 

Kaya naman pala hindi kataka-taka kung bakit isa ito sa pinaka- mayamang bansa, dahil ito rin pala ay may maraming magagandang pasyalan, at mala- palasyong mga gusali. Bukod doon mayroon din silang mga disiplinadong mamamayan at malinis na kapaligiran.

Ngayon may bago kana namang nalalaman, na maari mong puntahan.


No comments:

Post a Comment

Sponsor