Ganito Pala Kayaman Si Angelica Panganiban

Gaano Nga Ba Kayaman Si Angelica Panganiban?

Gaano Nga Ba Kayaman Si Angelica Panganiban?

Kilala mo pa ba ang bagong pinangalanan na "Queen of Drama"? O kaya’y isa sa mga most versatile actresses in the Philippines? Pwes, kung Oo paguusapan natin siya rito. 

Si Angelica Panganiban ay isang Filipino-American actress, model, TV host and comedian. Nakilala siya sa pagiging pilyang bata at napaka kikay magsalita, kilala rin ito sa kanyang mga mala malditang role. 

Early career: 

Anim na taon lamang noon si Angelica Panganiban ng kanyang pasukin ang mundo ng showbiz, hindi mo aakalain na ang isang anim na taong gulang na bata ay aabot ng halos 30 years sa mundo ng showbiz. 

Naging maswerte ang pasok ni Angelica sa showbiz dahil tuloy tuloy ang gulong ng kanyang karera. Siya ay gumanap bilang prinsesa sa 'Ang Pulubi at Princesa' kasama si Camille Prats, ang kanyang role bilang isang princesa at lumaki sa mayabong na pamilya ay kinaiinisan ng mga manonood noon dahil sa kanyang pagganap bilang isang malditang bata. 

Hindi naman maipag-kakaila na sa murang edad si Angelica ay nakitaan ng mahusay na talento sa pag-aarte. Kayang-kaya ni Angelica na gampanan ang lahat ng roles na ibibigay sa kanya. Marahil ito ang dahilan kung bakit naging maganda ang takbo ng kanyang karera sa showbiz at hanggang ngayon ay marami parin siyang proyektong natatanggap sa kanyang home network na ABS-CBN.

Personal Life: 

Taong 2020 ng tuluyan ng inanunsiyo ng aktres ang kanyang pamamalaam pagdating sa larangan ng teleserye. Ayon sa kanya mas pipiliin niya muna ngayon ang tahimik na buhay, datapwat hindi naman niya naman nilinaw nang maigi na aalis na siya sa industriya ng showbiz. 

Sa kanyang pananahimik marami ang naintriga tungkol sa nobyo nitong si Gregg Homan. Matapos ang rebelasyon ni Angelica tungkol sa kanya nobyo at kung saan sila nagkakilala, nasundan agad ito ng mas malaking intriga, ayon sa mga netizens mukang nagdadalang tao umano ang aktres at tinatago lamang raw nito. 

At dahil sa naglalagablab na intriga ng mga tao, buwan ng Marso taong 2022 ng pasadyang ilantad ni Angelica ang kanyang pag bubuntis sa kanyang isang IG post na may caption "Ay! Na Post!!. Dahil doon naging samut-sari ang opinion ng mga netizens. 

Marami ang talagang nag-abang at lubos na natuwa sa rebelasyon ng aktres subalit marami parin ang mga taong tila hindi nagiging masaya sa mga nararating ng kapwa nila. Ayon sa sagot naman ng aktres mag-fofocus na siya sa kanyang bagong role, at iyon ay gagampanan niyang maigi ang kanyang pagiging ina at pamilyadong tao kesa umano pumatol sa mga tao. Ang pinagkakaabalahan ng aktres ngayon ang kanyang pagiging ina, at isa narin siyang YouTuber.

Bago pa man makilala ni Angelica si Gregg ay nagkaroon din siya ng long term relationship sa aktor na si Derek Ramsay. Umabot ng anim na taon ang kanilang relasyon at kinumpirma ni Angelica na natapos ito sa pamamagitan lamang ng telepono.  

Inamin din ng aktres na marami siyang hindi nagustuhan sa aktor tulad ng pagiging controlling nito at kawalang suporta sa paghahanap sa kanyang tunay na ama o biological father. Hindi man sila nagkatuluyan ay pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay ngayon. Kasal na rin kasi si Derek sa aktres at modelo na si Ellen Adarna.

Net worth/earnings: 

Taong 2018, si Angelica Panganiban, John Prats, at Sam Milby ay nag desisyon na maging business partners. Matatandaan na talagang matalik na itong magkakaibigan ngunit ngayon pumalo sila sa ibang level. Sila ay first time na mag-oopen ng kanilang sariling @BRIGHT BULB Production, ayon sa post ni John Prats ito ay kanilang sisikapin na maging successful pagdating sa pag-gawa ng mga music videos at movies. 

Samantala, ang kanya namang partner na si Gregg ay isang CEO sa Bay Marine Subic kung saan sila ay nagbebenta ng mga mamahalin at may mga disenyong sasakyang pandagat tulad ng Yacht. Bukod dito ang kanya ring asawa ang namamahala sa tuwing may mga tourista na nais upahan ang mga yacht. Pagdating naman sa kanyang net worth at base sa aming pananaliksik, ang net worth ng aktres ay aabot na sa halos 6 million hanggang 10 million pesos as of 2022. 

Tunay ngang nakakabilib si Angelica Panganiban, dahil sa kabila ng pananahimik nito. Mukang nabusog nanaman ang mga tao sa rebelasyon niya sa taong ito. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor