Ganito Pala Kayaman Si Zeinab Harake

Ganito Pala Kayaman Si Zeinab Harake

Kaliwa’t-kanan man ang issue ni Zeinab Harake. Well, this time maiba naman at pag-usapan natin ang yaman niya

Kaliwa’t-kanan man ang issue na mayroon siya. Well, this time maiba naman at pag-usapan natin ang yaman niya. 

Si Zeinab Harake ay isa sa mga popular na YouTuber sa Pilipinas na talaga namang umabot na sa 13.2 million ang subscribers nito mula noong 2019 ng siya ay magsimula pa lamang sa bidyo na "Get to know me". Mula noon ay tuloy-tuloy na ang kanyang karera bilang isang content creator, maging sa kanyang mga social media ay naging tanyag ito at nagkaroon ng 12 million followers sa Facebook, 5 million followers sa Instagram at 5 million followers naman sa kanyang Twitter account. 

Dahil sa kanyang mga supporters ay lalong umiingay ang pangalan nito na halos umabot na sa ibang bansa. Can you imagine na sa likod ng lahat ng kanyang viewers and followers, magkano kaya ang kanyang kita? Tunay naman talagang nakakaintriga.

PERSONAL LIFE: 

Ngunit sino nga ba si Zeinab Harake? 

Si Zeinab Mohamad Ocampo Harake ay isang half Filipina at half Lebanese. Siya ay may dalawang kapatid na sina Wessam Harake at Rana Harake na isa ring successful content creator. Ngunit base sa kanyang mga video binaggit nya na mayroon pa siyang isa pang kapatid na si Tara Harake na pumanaw na noong 2015 bago paman siya naging influencer. 

Ayon kay Zeinab ang kanyang namayapang ate umano ang isa sa nagpapatibay sa kanyang career at gumagabay sa kanya palagi. Bukod dito, hinidi man siya nakatungtong ng kolehiyo hindi naman nawala sa kanyang pangarap na balang araw makapagtatapos din siya ng kanyang pag-aaral. 

Sa ngayon, abala si Zeinab sa kanyang pagiging single mom. Samantala, hindi maipagkakaila na bukod sa yaman na kanyang natamasa, hindi naman biro ang kinakaharap ng isang influencer, mga kaliwa’t-kanang papuri at basher. 

MONTHLY EARNING/NET WORTH: 

Naging usap usapan ng mga tao at kapwa nito YouTubers kung gaano nga ba kalaki ang kinikita ni Zeinab Harake buwan buwan sa kanyang mga ginagawang Vlogs. 

Sa isang post noong June 16, 2022, gumawa ng maikling video ang TikTok content creator na si Don Soriano tungkol sa average sa buwanang kita ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube. Sa kanyang mabilis na pag-sasaliksik, siya ay may nakita sa whatsthenetworth.com na artikulo, na nagsasaad na si  Zeinab ay may  "tinantyang buwanang kita sa YouTube na PHP450,000 hanggang PHP7.22 Milyon. 

Ito ay buwanang kita lamang, labas pa dito ang mga kinikita nya sa Instagram, endorsement, collaboration, hosting, at pagnenegosyo.  Bukod doon, nasa mabuting kalagayan ang buhay ni Zeinab Harake at ang kanyang anak dahil meron narin itong sarili bahay sa exclusibong subdivision at may mga sasakyan narin, gaya ng Toyota Alphard na nagkakahalaga ng 3.9 million pesos. 

Kahit may tumatakbong issue na kinasangkutan ito, marami pa rin ang humahanga sa pagiging independent at strong personality na meron si Zeinab Harake. Tinanggap din niya ang kanyang pagkakamali sa isyung talagang pinag-usapan ng mga netizens. Humingi siya ng tawad sa mga taong nasaktan at nadawit sa bidyong inilabas ni Wilbert Tolentino laban sa kanya. 

Sa isang screenshot na ibinahagi ng sikat na vlogger din na si Toni Fowler sa kanyang social media, ipinakita nito ang convo nila ni Zeinab kung saan ay humingi ng tawad si Zeinab sa kanya matapos itong sabihin na 'trash' ang Toro Family. Humingi din ng tawad si Toni sa kanya dahil nadala lamang daw ito ng kanyang emosyon. 

"Zeinab. Pinahiya kita. Ginantihan kita. Pero eto ka nag sosorry. Saludo ako sayo dyan. Ingatan mo ang sarili mo at ang tao sa paligid mo. Hihingi din ako ng pasensya dahil nagpalamon ako sa emosyon ko para sa pamilya ko. Pangit ang ginawa ko sayo pabalik pero hindi ka nag-pride. Salamat don at ok nakami ng pamilya ko dito. Lahat ay may kapatawaran. Lahat sana ay maging okay para sa team mo at lalong lalo na para kay BIA," mensahe ni Toni kay Zeinab.

 Minsan sa buhay ang pagiging matibay ang nagbibigay ng daan sa tagumpay. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor