Gaano Nga Ba Kayaman Ang Eat Bulaga Host Na Si Joey de Leon?

Gaano Nga Ba Kayaman Ang Eat Bulaga Host Na Si Joey de Leon?

Gaano Nga Ba Kayaman Ang Eat Bulaga Host Na Si Joey de Leon?

Eat bulaga! ilalantad natin ngayon ang yaman na meron si Joey de Leon!

Si Jose Maria Ramos de Leon Jr., O mas kilala bilang si Joey de Leon, ay isang Filipino comedian, actor, television presenter and songwriter. Siya rin ay isa sa mga Host sa noontime variety show na Eat Bulaga, kasama ang kanyang comedy trio na sina Vic Sotto, at Tito Sotto. Alam nating lahat na lalong mas nakilala ang pangalan ni Joey noong sila ay gumaganap bilang comedy trio sa mga movies at TV Shows

Personal life: 

Pagdating sa kanyang personal na buhay at buhay pagibig, pinapanatili ni Joey de Leon na tahimik lamang at wag na ilantad sa publiko lahat ngunit may mga nakalap kaming impormasyon. 

Base sa aming pananaliksik si Joey de Leon ay unang nakapangasawa kay Daria Ramirez at sa kanilang pagmamahalan. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak sina Joseph Joachim de Leon o kilala bilang si "Kempee" at si Jacinda Myrtle de Leon. Ngunit di kalaunan sila rin ay naghiwalay at si Joey ay muling nagasawa at nagpakasal kay Eileen Macapagal at nagkaroon rin ng tatlong anak na sina Jocas, Jako, Jio. 

Alam niyo ba na 35 na taon munang nagsama sina Joey at ang kanyang may bahay na si Eileen bago nagpa-kasal? 

Naganap ang kanilang kasal sa Supreme Court noong Marso 2018 at ang reception naman ay naman ay ginanap sa Champagne Room sa Manila Hotel. 

Ayon kay Joey ay wala ng hihigit pa sa kanyang misis dahil nasa kanya na lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang babae.

Hindi man naging matagumpay ang unang buhay pagibig ni Joey de Leon, siya naman ay napaka mabuting ama at talagang sinuportahan ang mga pangangailangan at kagustohan ng kanyang mga anak magpasa hanggang ngayon.

Marami naman ang nakapansin sa taglay na kagandahan ng kanyang anak na babae na si Jocas at pwede daw itong mag-artista. Bukod sa kanyang artistahin look ay maganda rin ang hubog ng pangangatawan nito dahil mahilig siyang mag workout. 

Nakapagtapos ito ng pag-aaral sa isang kilalaning unibersidad sa New York City sa kursong Bachelor's degree in Economics at siya ang naging cumlaude sa kanilang klase na talaga naman hinahangahan pa lalo ng mga netizens.

Meron din siyang master's degree sa luxury brand management sa isang paaralan sa London, United Kingdom.

Base sa larawan ni Jocas sa kanyang social media account, siya lamang lagi ang nasa litrato o ang kasama ang kanyang pamilya kaya mukhang single pa ito. Madalas ay ang mga larawan lamang niya, ng kanyang mga magulang at kapatid ang kanyang ibinabahagi sa Instagram. Parehong malapit si Jocas sa kanyang mga magulang pero ayon kanya ay Daddy's girl daw ito.

Madami din nagsasabi na mas kamukha niya ang kanyang ina na si Eileen Macapagal at nakuha naman niya ang katalunihan sa kanyang ama na si Joey de Leon. 

Samantala, balikan naman natin kung gaano kayaman ang TV host ng Eat Bulaga. Sa kabila ng kanyang pagiging abala bilang isang entertainer, si Joey ay nakapagtapos at nagkaroon ng Architecture degree sa National University in Manila.

Net worth: 

Now, ang pinaka-iintrigang kabanata ay sympre tungkol sa kanyang net worth. Si Joey de Leon ay kumikita ng malaki sa kanyang mga proyekto at sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Sa aming pananaliksik si Joey de Leon ay may 20 million na Net worth as of 2022. 

Marami ang bali-balita na si Joey de Leon ay marami ng pinatayong bahay sa mga exclusive subdivision sa ating bansa at ang pinaka sikat na bahay ay kanyang "GALLERY LIKE HOME" kung saan nakatayo sa Pasig, ito ay punong puno ng mga Art. 

May classical design at ang kanyang living room ay napapalibotan ng sofa na nababalot sa puting tela at may mga colorful paintings na nagmistulang exhibits featuring ang kanyang mga works noong 1980s. Tunay ngang napaka creative na tao si Joey de Leon, ang kanyang bahay umano ay makulay tulad ng kanyang karanasan sa buhay.

Oh di ba, may yaman sa sining at kasanayan. Maniwala lang sa sariling kakayahan


No comments:

Post a Comment

Sponsor