10 Bansa Na Malaki Ang Sahod Sa Mga Manggagawa

10 Bansa Na Malaki Ang Sahod Sa Mga Manggagawa

10 Bansa Na Malaki Ang Sahod Sa Mga Manggagawa

Sino ba naman sa atin ang hindi gusto ng mataas na suweldo para sa ating mga pinaghihirapan at pinagpapagurang trabaho? Siyempre, lahat naman ay nangangarap ng ganito, hindi ba? Ngunit sa panahon ngayon ay napakahirap na yatang makahanap ng trabahong may ganitong klase ng kita kung ikaw ay kabilang lamang sa mga normal na manggagawa.

Ganoon pa man, alam n’yo ba na mayroon pa ring mga bansang itinuturing na siyang may pinakamataas na salary rate para sa mga manggagawa? Ano-ano ang mga ’yon? ’Yan ang paksang tampok at pag-uusapan natin ngayon!

1. Luxembourg

Bagama’t kilalang maliit ang kabuuang sukat ng bansang ito sa Western Europe, ito ay hindi maikakaila bilang isang bansang mayroong maunlad na ekonomiya at isa sa may pinakamataas na sahod para sa mga manggagawa at empleyado. Sinasabing ang Average annual income ng mga manggagawa sa Luxembourg ay umaabot sa mahigit 60,300 dollars. 

Ilan sa mga nangungunang industriya sa bansang ito ay ang tungkol sa serbisyo sa pagbabangko at pananalapi, serbisyo sa real estate, konstruksiyon, bakal, metal, salamin, aluminyo, teknolohiya ng impormasyon, telekomunikasyon, engineering, transportasyon ng kargamento, kemikal, biotechnology at turismo.

2. United States

Ang bansang ito ay bumubuo ng humigit-kumulang 25% ng pandaigdigang GDP o Gross Domestic Product na tumutukoy sa pamantayang sukatan ng halagang idinagdag na nilikha sa pamamagitan ng production of goods at serbisyo sa isang bansa sa isang tiyak na panahon. Sinusukat din nito ang kita mula sa produksyong iyon, o ang kabuuang halaga ng mga ginastos sa mga huling produkto at serbisyo.

Ang United States ay pangatlo sa pinakamalaki at pangatlo sa pinakamataong bansa sa mundo. Ang US ay isang nangunguna pagdating sa pulitika, kultural, at siyentipikong kapangyarihan. Sa sobrang pagkakaroon nito ng iba’t ibang uri ng populasyon, sa US din makikita ang iba’t ibang uri ng kultura, tradisyon, at mga pag-uugali. 

Tinatayang mahigit 58, 700 dollars ang taunang average income ng mga manggagawa rito at ang mga nangungunang industriya naman ay tungkol sa mga consumer goods, electronics, petrolyo, bakal, mga sasakyang de-motor, telekomunikasyon, pagproseso ng pagkain, aerospace, tabla, pagmimina at mga kemikal.

3. Switzerland

Ang Switzerland ay kilala, dahil sa mga produkto nito ’tulad ng mga relo, tsokolate, at siyempre, ang Alps. Bukod sa mga precision instruments, kasama sa iba pang pag-export nito ang mga kemikal, makina, at electronics. Ang bansang ito ay tahanan din ng malalaking multinasyunal na korporasyon gaya ng Nestle, Novartis, Credit Suisse, UBS AG, Glencore, Tetra Pak, at The Swatch Group.

Sinasabing ang average annual income ng mga manggagawa sa bansang ito ay umaabot ng 58, 300 dollars at ang mga pangunahing industriya sa bansa ay tungkol sa makinarya, relo, parmasyutiko, tela, precise instruments, kemikal, turismo, pagbabangko, at insurance.

4. Norway

Ang Norway ang may pang-apat na pinakamataas na kita sa bawat capita sa mundo ayon sa IMF at World Bank. Sinasakop din ng bansang ito ang nangungunang puwesto sa World Happiness Report at may isa sa pinakamababang rate ng krimen sa mundo. 

Ang average annual income ng mga nagtatrabaho rito ay $50,908. Ang mga nangungunang industriya naman ay tungkol sa petrolyo at gas, pagpapadala, aquaculture, pangingisda, pagproseso ng pagkain, mga produktong papel, paggawa ng barko, mga kemikal, metal, troso, pagmimina at mga tela.

5. Netherlands

Ang Netherlands, na kilala rin bilang Holland, ay niraranggo bilang ikaanim na pinakamasayang bansa sa mundo noong 2017, batay sa United Nations World Happiness Report. Ang bansang ito ay may magandang pampublikong edukasyon, imprastraktura, at pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan. 

Ang average annual income ng mga mangagawa sa bansang ito ay hindi bababa ng 50, 600 dollars. Kilala rito bilang mga nangungunang industriya ang agro-industries, mga de-koryenteng makinarya at kagamitan, mga produktong metal at engineering, kemikal, konstruksyon, petrolyo, microelectronics at pangingisda.

6. Australia

Ang Australia, a.k.a. “the Land Down Under,” ay isang bansang kilala pagdating sa mga hayop ’tulad ng mga kangaroo at koala. Ang pinakamalaking coral reef sa mundo—ang Great Barrier Reef, ay matatagpuan malapit sa hilagang-silangan na baybayin ng Australia. 

Ang karamihan ng manggagawa sa bansang ito ag mayroong average annual income na 50, 167 dollars, sa pangunguna ng mga industriya ng turismo, serbisyong pinansyal, pagmimina, kagamitang pang-industriya, kagamitan sa transportasyon, kemikal, bakal at pagpoproseso ng pagkain.

7. Denmark

Ang Denmark ay matatagpuan sa Northern Europe. Ang panahon dito ay nailalarawan bilang isang banayad na taglamig at malamig na tag-araw. Ang bansang ito ang may pinakamataas na minimum wage sa mundo, dahil sa katotohanang walang batas sa minimum na pasahod at sa malakas na impluwensya ng mga unyon ng manggagawa rito. 

Dahil doon, naitatalang ang average annual income ng isang empleyado o manggagawa sa Denmark ay umaabot ng humigit-kumulang 50, 000 dollars sa pangunguna naman ng mga industriya ng bakal, mga nonferrous na metal, kemikal, makinarya, pagpoproseso ng pagkain, kagamitan sa transportasyon, tela, electronics, konstruksyon, muwebles, paggawa ng barko, windmills at pharmaceuticals.

8. Ang Canada ay isang urban country na may 82% ng populasyon. Sa international, mataas ang ranggo ng bansang ito pagdating sa kalidad ng buhay, edukasyon, kalayaan sa ekonomiya, transparency ng gobyerno, at kalayaang sibil. Ang hangganan ng lupain nito sa United States ay ang pinakamahaba sa mundo, na umaabot sa 8, 891 kilometers. 

Ang average annual income ng mga karaniwang manggagawa ritonay 47, 843 dollars. Ang mga nangungunang industriya rito ay tungkol sa industriya ng petrolyo at natural na gas, kagamitan sa transportasyon, kemikal, produktong pagkain, produktong isda, produktong gawa sa kahoy at papel, at mga naproseso at hindi pinrosesong mga mineral.

9. Belgium

Ang Belgium ay isa pang bansang mayroong napakataas na pamantayan ng pamumuhay, pangangalagang pangkalusugan, at edukasyon. Bukod pa rito, ito ay nagra-rank bilang isa sa pinakaligtas at pinaka mapayapang bansa sa mundo. Dutch at French ang mga pangunahing wika rito habang mayroon namang kaunting nagsasalita ng Aleman. 

Ang Belgium ay sikat sa kanyang waffle, tsokolate, beer, at french fries na may mayonnaise. Sinasabing ang french dito pa nga raw nagmula. Ang average annual income dito ay 47, 702 dollars. Ang mga nangungunang industriya naman ay tung kol sa mga naprosesong pagkain at inumin, mga produktong inhinyero at metal, kagamitan sa transportasyon, pagpupulong ng sasakyang de-motor, mga kemikal, mga instrumentong pang-agham, tela, salamin, petrolyo, at mga base metal.

10. Iceland

Ang Iceland ay may populasyon lamang na bumilang ng 348 580. Dahil doon ay itinuturing ito bilang isang bansang may pinakamababang populasyon sa Europa. Ang United Nations’ Human Development Index ay nagraranggo sa Iceland bilang ika-siyam na pinakamaunlad na bansa sa mundo. 

Ang bansang ito ay halos ganap na tumatakbo sa renewable energy, partikular na geothermal at hydropower. Ang average annual salary ng mga manggagawa sa Iceland ay 46, 000 dollars. Sikat naman dito ang mga industriya ng turismo, pagproseso ng isda, geothermal power, hydropower, aluminum smelting, at ferrosilicon production.

Kamangha-mangha, hindi ba? Ano ang masasabi mo sa ating artikulo ngayon?


No comments:

Post a Comment

Sponsor