Top 10 Most Unique And Amazing Looking Trees

Top 10 Most Unique And Amazing Looking Trees

Top 10 Most Unique And Amazing Looking Trees
Hindi talaga nauubusan ng mga bagay na magpapamangha sa ating mga tao ang mundo. Dito ay matatagpuan natin ang pinakakakaiba, pinakamagaganda at pinakamahuhusay na likha, lalo na sa kalikasan nito.

Dahil d’yan ay narito ang isang listahan ng ilang mga pinakakakaiba, ngunit pinakanakamamanghang uri ng puno sa mundo na kung hindi n’yo pa nakikita ay siguradong kasasabikan ninyong madiskubre! Kaya’t ano pa ang hinihintay natin? Simulan na ang ating talakayan!

1. The Dragon Blood Tree

The Dragon Blood Tree

Ang mga kakaibang punong ito ay matatagpuan lamanang sa Socotra Island, sa Yemen, dahil iyon lamang ang nag-iisang lugar kung saan iti tumutubo. Sa 825 species na matatagpuan sa isla, 37% dito ay sinasabing endemic na—ibig sabihin ay makikita lamang sila sa nag-iisang lokasyong ito. 

Hugis pa lamang ng punong ito ay kakaiba na, dahil mukha itong isang malaking payong na nakatayo at nakalantad ang mga sanga na umaabot sa kalangitan. Bukod pa riyan, ang isa pang bagay na kakaiba tungkol sa punong ito ay ang pulang dagta nito, na siyang dahilan kung bakit tinawag itong Dragon Blood Tree. 

Sinasabi ng lokal na alamat sa lugar na ang unang Dragon Blood Tree ay nilikha mula sa dugo ng isang nasugatang dragon noon, habang nakikipaglaban sa isang elepante. Ang dagtang ito ay matagal nang ginagamit sa paggawa ng medisina, barnis o ’di kaya’y tina o pangkulay, ngunit tanging mga eksperto lamang ang pinapayagang umani nito, upang pangalagaan ang kalusugan ng puno.

2. Angel Oak Tree

Angel Oak Tree
Ito ay matatagpuan sa St. John’s Island, South Carolina, at isa sa mga pinakabinibisitang landmark ng estado. Sinasabing ang Southern Live Oak ay maaaring isa sa pinakamatandang buhay na bagay sa silangan ng Mississippi sa mahigit 500 taong pananatili nito sa mundo! Dahil dito, ang puno ay ang taas ng puno ay umaabot sa mahigit 65 feet! 

Ang pinakamahabang sanga nito ay umaabot sa 187 feet at ang ilang mga sanga ay nagdi-drill pabalik sa lupa at nagsisimulang tumubong muli pabalik pataas. Kilala ito ng maraming lokal bilang “The Tree” at malalim ang paggalang nila rito, ganoon din ang mga bumibisita sa puno, lalo na’t maraming mga nagsasabing mayroon silang kakaibang nararamdaman sa tuwing makikita ang kakaiba at animo sagradong punong ito.

3. Aspen Trees

Aspen Trees

Karamihan sa mga Aspen Forest sa Estados Unidos ay matatagpuan sa Utah at Colorado, bagaman nakakalat din ito sa kabuuan ng western states. Ang Aspen ay nagbibigay ng tirahan para sa iba’t ibang uri ng wildlife, kabilang ang hare, moose, black bear, elk, deer, ruffed grouse, migratory bird, at iba pang maliliit na hayop. 

Dahil sa mataas na water content ng mga punong ito, pati na rin ang lilim na maihahatid ng malagong mga sanga at dahon nito ay sinasabing may kakayahan itong magpatigil ng isang wildfire. Wala rin kasi itong mga chemical compound na nagpapabilis ng pagkalat ng apoy, kaya’t nagsisilbi itong isang natural fuel break.

4. Sequoia Trees

Sequoia Trees
Tinatawag din itong “Giant Suquoia”. Ito ay isa sa pinakamalalaking puno ng planeta at matatagpuan ito sa mga kabundukan ng Sierra Nevada, sa California. Ang malalaking punong ito ay maaaring mabuhay ng hanggang tatlonglibong taon! 

Ang kanilang mga sanga ay maaaring umabot ng 8 feet. Ang diyametro at ang kanilang balat ay maaaring tatlong talampakan din ang kapal. Ang ilang mga sequoia ay kasing taas ng isang 26 storey building, bukod pa sa napakatibay rin nito. Nagagawa ng mga punong ito na labanan ang fungal rot, wood-boring beetle, at ang kanilang makapal na balat ay perpekto para sa pag-iwas sa apoy. Ito ang dahilan kung bakit kaya nilang mabuhay nang matagal. Higit sa lahat ng iyon. Maraming buhay na bagay ang naninirahan sa mga punong ito dahil sa mga nasabing kalidad.

5. Gingkgo Biloba Tree

Gingkgo Biloba Tree
Ang Ginkgo Biloba, na kilala rin bilang the maidenhair tree, ay isang uri ng puno na tumutubo sa China. Ito ang huling nabubuhay na species sa order na Ginkgoales, na unang lumitaw mahigit 290 milyong taon na ang nakalilipas. Ang mga fossil na halos kapareho sa mga nabubuhay na species, na kabilang sa genus Ginkgo, ay umaabot pabalik sa Middle Jurassic humigit-kumulang 170 million years na ang nakalilipas. 

Ang puno ay nilinang nang maaga sa kasaysayan ng tao at nananatiling karaniwang itinatanim pa rin hanggang sa ngayon. S China, ang isang 1400-year-old na puno ng ginkgo ay nagpapakita pa rin ng taglagas, habang patuloy itong naglalaglag ng mga madilaw na gintong dahon na talaga namang napakagandang pagmasdan.

6. Jabuticaba Tree

Jabuticaba Tree
Ang Jabuticaba ay ang edible fruit ng jabuticabeira o Brazilian Grapetree. Ang purplish-black, white-pulped fruit ay direktang tumutubo sa katawan ng puno. Ito ay kinakain nang hilaw o ginagamit sa paggawa ng mga jellies, jam, juice o alak. 
Ang puno, na kabilang sa pamilya Myrtaceae, ay katutubong puno sa mga estado ng Rio de Janeiro, Minas Gerais, Goiás at São Paulo sa Brazil. Habang ang mga nauugnay na species sa genus Myrciaria, na madalas na tinutukoy ng parehong karaniwang mga pangalan, ay katutubo naman ng Brazil, Argentina, Paraguay, Peru at Bolivia.

7. Baobab Trees

Baobab Trees
Ang mga baobab sa gitnang katimugang Africa ay kabilang sa mga pinakamaliit na puno sa paligid. Ang kanilang mga katawan ay parang mga sponge, na nag-e-expand din habang nakasisipsip ito ng tubig sa tag-ulan, na umaakit naman sa mga eelepante Ang mga Baobab ay malawak nakakalat sa buong timog Africa, partikular sa Zimbabwe at sa paligid ng Limpopo sa South Africa. Ang Madagascar ay isa pang hot spot ng baobab, partikular sa paligid ng Morondava kasama ang sikat nitong Avenue of Baobabs.

8. Silver Birch

Silver Birch

Ang Silver birch ay kilala sa paper thin at white bark nito. Ito ay isang mahusay na kolonisador at mabilis na kumakalat sa isang lugar. Ito ay matatagpuan sa heathland, moorland at mga gilid ng bundok, gayundin sa mga tuyong lupang mabuhangin. 
Sa tagsibol, ang mga male catkins o tinatawag ding ‘lamb’s tail’ ay nagiging dilaw at naglalabas ng kanilang pollen, na dinadala ng hangin sa maikli, berde, at babaeng catkin na lumilitaw sa parehong puno. Isa sa mga unang puno na muling nagkolonya sa UK pagkatapos ng huling panahon ng glacial.

9. Yoshino Cherry

Yoshino Cherry
Ang Yoshino Cherry na kilala rin bilang Japanese flowering cherry, ay ang darling of the flowering tree woeld at ang bituin ng mga kilalang events ’tulad ng National at International Cherry Blossom Festivals. Siyempre, ang stand-out na punong ito ay kilala sa makulay nitong pagpapakita ng mga white-pink blossoms at sa faint almond fragrance na humahalimuyak mula rito tuwing tagsibol. Sa tag-araw, ang punong ito ay magiging highlight sa bakuran na may oriental branching pattern nito, makintab na bark, at mabeberdeng dahon.

10. Rainbow Eucalyptus

Rainbow Eucalyptus
Isa itong katutubong puno ng Pilipinas. Ipinagmamalaki ng punong ito ang halos psychedelic na panlabas dahil sa maraming kulay na layer ng bark nito. Ang hindi regular na pattern kung saan nagliliwanag ang balat nito ay nangangahulugan na ang iba’t ibang yugto at ang kulay ng pagkakalantad nito ay ipinapakita mula berde – asul – lila – kahel at na magtatapos naman sa kulay kayumanggi.

Itinatampok ng mga punong ito ang lahat ng kulay ng bahaghari, pati na rin ang mga kulay sa pagitan – tunay na magandang tanawin, at isang paalala na ang Inang Kalikasan ay maraming sorpresa para sa atin. Ngunit sa kabila ng aesthetic appeal nito, ang puno ay pangunahing ginagamit para sa paggawa ng papel at hindi para sa mga layuning pampalamuti.

No comments:

Post a Comment

Sponsor