10 Pinakamaliit Na Tao Sa Buong Mundo

Kilalanin Ang 10 Pinakamaliit Na Tao Sa Buong Mundo

Pamilyar ka ba sa salitang Dwarfisim? Ito ay kapag ang isang tao ay mayroong hindi pangkaraniwang liit, dahil sa kanilang mga gene o dahil sa isang medikal na dahilan. Ang dwarfism ay sanhi ng alinman sa higit sa dalawandaang kondisyong medikal na kinabibilangan ng mga sakit sa buto tulad ng osteogenesis at imperfecta, na humahadlang sa isang tao na lumaki nang naaayon sa kaniyang edad.

Ngunit sino-sino nga ba ang mga nakaranas nito, na itinuring pang pinakamaliliit na taong nabuhay sa buong mundo? Halina’t simulan na natin ang talakayan!

#1: Chandra Bahadur Dangi

Chandra Bahadur Dangi

Ang nangunguna sa listahan ng pinakamaliit na tao sa mundo. Siya ay isinilang noong November 30, 1939 at binawian ng buhay noong Setyembre 3, 2015 sa edad na 75. Si Chandra ang pinakamaliit na taong naitala sa kasaysayan. Nakuha nuya ang record na dating hawak ni Gul Mohammed. Iyon ay dahil na rin siya ay sumusukat lamang ng 21. 5 inches tall. Isa siyang primordial dwarf. Siya ay nakita ng isang wood contractor sa Nepal na siyang naghatid sa kaniya sa limelight ng media.

#2: Gul Mohammed

Gul Mohammed

Si Gul Mohammed naman ay kilala bilang ang pinakamaliit na nasa hustong gulang na tao sa kanyang panahon na nanatiling record holder mula nang taonf 1990 hanggang taong 2011. Ipinanganak siya noong February 15, 1957 at sa kasamang palad ay pum*naw noong Oktubre 1, 1997, dahil sa mga komplikasyon sa paghinga pagkatapos ng mahabang pakikibaka sa hika at brongkitis. Siya ang ikalawa sa ating listahan, dahil siya ay naitalang sumusukat lamang ng 22.4 inches tall!

#3: Junrey Balawing

Junrey Balawing

Siya ay isang Pilipino na ipinanganak noong June 12, 1993. Noong kaniyang ikalabing walong kaarawan ay natanggap ni Junrey Balawing ang kaniyang titulong “shortest man alive” na noon ay hawak ni Khagendra Thapa Magar ng Nepal. 

Huminto siya sa paglaki sa edad na isang taong gulang pa lamang at nanatili sa sukat na 23.6 inches tall! Sa kasamang palad, si Junrey Balawing ay sumakabilang buhay na noon lamang nagdaang 2020, sa Sindangan, Zamboanga Del Norte.

#4: Pauline Musters

Pauline Musters

Si Pauline Musters naman ang siyang tinaguriang “the shortest woman to have ever lived” gaya ng naitala ng Guinness Book of Records. Ipinanganak siya noong February 26, 1876 at binawian ng buhay noong March 1, 1895 sa New York City, dahil sa kumbinasyon ng pneumonia at meningitis. Sinasabing si Pauline Musters ay sumusukat ng 24 inches tall, nang siya ay sumakabilang buhay na.

#5: Lucia Zarate

Lucia Zarate

Si Lucia Zarate ay isang Mexican entertainer na ipinanganak sa San Carlos Nuevo Guaymas, na ngayon ay tinatawag na Ursulo Galvan, Veracruz noong January 2, 1864. Siya ang unang taong nakilalang mayroong Majewski osteodyplastic primordial dwarfism type II, na humahantong sa mga abnormalidad sa kaniyang utak at skeletal. 

Sa edad na labing pito, siya ay naipasok sa Guiness world records bilang ang “lightest recorded adult” na tumitimbang lamang ng 4.7 pounds. Nakamit niya ang kanyang buong paglaki sa edad na isang taon at ang tahanan ng kanyang pamilya ay bukas sa publiko bilang isang museo. Pum*naw siya noong 1890, dahil sa hypothermia, sa sukat na 24 inches tall.

#6: Jyoti Kisange Amge

Jyoti Kisange Amge

Siya ay opisyal na idineklara bilang “world’s smallest living woman” sa kanyang ikalabing walong kaarawan na may taas na 62.8 centimeters o 24.7 inches tall. Siya ay naghihirap mula sa isang genetic disorder na tinatawag na achondriaplasia. 

Si Jyoti ay makailang ulit na lumabas sa isang dokumentaryo noong 2009 na pinamagatang “Body Shock”. Bukod pa roon, ay bilang panauhing kalahok sa isang palabas sa telebisyon sa India na tinatawag na Bigg Boss 6. At kasama rin siya sa cast sa ika-apat na season ng American Horror Story noong 2014.

#7: Madge Bester

Madge Bester

Siya ang former record holder ng titulong “shortest living woman” na ipinanganak noong April 26, 1963 sa South Africa. Puman*w siya noong March 19, 2018 sa edad na 54, dahil na rin sa komplikasyong dulot ng kaniyang karamdamang, osteogenesis imperfecta, na siyang pumilit sa kaniya na gumamit na lamang ng wheel chair. 

Si Madge Bester ay naitalang sumusukat lamang ng 26 inches tall sa araw ng kaniyang pagp*naw. Si Madge ay naglakbay sa buong mundo at kilala bilang isang kampeon para sa mga taong may kapansanan, na nagpasikat pa sa mga salitang “forget your disabilities and use your abilities” na talaga namang nagbigay ng inspirasyon sa maraming may kapansanang ’tulad niya.

#8: Istvan Toth

Istvan Toth

Si Istvan Toth ay isang Hungarian na nagsabing siya ang pinakamaliit na tao sa mundo sa sukat na 26 inches tall. Ang kanyang pag-angkin ay hindi pa napatunayan ng Guinness book of records, hanggang sa kasamaang palad, siya ay pum*naw noong 2011 sa edad na apatnapu’t walo. 

Walang gaanong impormasyong makikita tungkol kay Istvan Toth. Ganoon pa man, noong siya ay nasa edad na dalawampu’t anim na taong gulang ay kinumpirma naman ng Guiness book of records na siya ang ikaapat na pinakamaliit na tao sa mundo.

#9: Khagendra Thapa Magar

Khagendra Thapa Magar

Siya ay ipinanganak noong October 4, 1992, sa Baglung District ng Nepal. Siya ay isang aktor na kilala sa bansag na “Little Buddha”. Siya ay tumitimbang lamang ng 6.5 kilo at siya ay tinagurian bilang pinakamaliit na tao sa buong mundo noong siya ay tumapak sa edad na disiotso sa sukat na 26 inches tall, na kalaunan ay nakuha naman ni Junrey Balawing ng Pilipinas noong June 13, 2011. Siya rin ang dating may hawak ng titulong “shortest teenager in the world.” Siya ay sumakabilang buhay sa edad na dalawampu’t pito, dahil sa komplikasyong hatid ng sakit na peumonia, nito lamang January 17, 2020.

#10: Lin Yu-Chih

Lin Yu-Chih

Si Lin Yu-chih ang dating pinakamaliit na tao sa mundo ayon sa mga naitala ng Guiness Book of Wolrd Records. Nagtatrabaho siya bilang isang manunulat at social activist sa Taipei, Taiwan kung saan siya nakatira. 

Si Lin ay dumaranas ng osteogenesis imperfecta na pumipigil sa normal na pagtaas ng kaniyang katawan, pati na rin sa paglaki ng kaniyang buto. Siya ang nagtatag ng Osteogenesis Imperfecta Association. Noong May 2008, lumabas siya sa isang dokumentaryo sa bansang Britain, na tinatawag na “The World’s Smallest and Me” at ibinida ang kaniyang sukat na 26. 6 inches tall.

Mayroon ka bang nais sabihin tungkol sa paksang tampok ngayon sa ating topic? Huwag ka nang mahiya at pag-usapan na natin ’yan sa comnent section!


No comments:

Post a Comment

Sponsor