The Richest Arab Country — Bakit Napakayaman Ng Bansang Qatar?
The Richest Arab Country — Bakit Napakayaman Ng Bansang Qatar?
Ang Qatar ay isang Peninsular Arab Country na ang lupain ay binubuo ng tigang na disyerto at isang mahabang Persian Gulf shorelines ng mga beaches at dunes. Nasa baybayin din ang capital nitong Doha, na kilala sa mga futuristic na skyscraper at iba pang ultramodern architectures na inspirasyon ng sinaunang disenyo ng Islam, ’tulad ng limestone Museum of Islamic Art.
Ito ay sa pinakamaliit ngunit pinakamakapangyarihang bansa sa Persian Gulf. Ngunit bukod pa riyan, ang Qatar ay isang bansang puno ng mga kawili-wiling at kapana-panabik na mga bagay.
Kaya naman sa aartikulong ito ay tatalakayin natin ang ilang mga bagay na tungkol dito!
Sa loob lamang ng mahigit limampung taon, ang Qatar ay lumipat na mula sa isang mahirap na nayon, tungo isa isang ‘oil and gas giant’ na may pinakamataas na kita per capita, sa mundo. Ngunit alam n’yo ba na bago nito pasukin ang industriya ng petrolyo, ang pangunahing pinagkakakitaan ng bansang ito ay ang pearl diving.
Nagsimula ang survey ng langis noong 1939. Habang noong 1973, ang output at kita ng industriya ng langis ay lumago nang malaki at ito ang nag-aangat sa Qatar mula sa hanay ng pinakamahihirap, patungo sa isang bagong bansa, na ngayon ay isa na sa may pinakamataas na suweldo sa mundo.
Ngunit ito ay hindi nangyari nang ganoon lamang kabilis. Bagama’t ang bansa ay sinasabing mayroon ngang sapat na pagkukunan ng langis, ang demand sa natural gas nang mga panahong nadiskubre ang North Field—na siyang pinakamalaking gas field sa mundo—ay hindi pa ganoon kataas dahil, noong 1970s, ang Gas ay dinadala lamang sa pamamagitan ng mga gas pipelines.
Ang Qatar ay malayo rin sa mga lugar kung saan malaki ang pangangailangan sa natural gas, kaya’t madali lamang nilang nakalimutan ang tungkol sa kanila palang pinakamalaking asset.
Ngunit noong taong 1996, nagsagawa ng kudeta ang emir o local chief na si Hamad bin Khalifa al Thani habang nasa Switzerland ang kanyang ama. Sa kanyang pamumuno, muling sinimulan ng Qatar na samantalahin ang malalaking gas field nito.
Ang bagong emir ay nagsimulang mamuhunan sa mga rare technology ’tulad ng liquefaction na maaaring gawing isang liquid form ang mga natural gas, nang sa ganoon ay maaari na itong maihatid sa pamamagitan ng malalaking barko.
Ngunit upang magawa ito, kailangang lumamig ang natural gas sa temperaturang -161 Celsius. Ang Qatar ay namuhunan ng maraming pera sa pagbuo ng mga teknolohiyang ito upang mapataas ang demands para sa kanilang gas mula sa malalayong mga ekonomiya.
Sa pagbuo ng mga teknolohiyang ito, naging pinakamalaking exporter ng liquefied natural gas ang Qatar. Ang Qatar ang may pinakamurang halaga ng pagkuha at liquefaction kaysa sa ibang bansa sa mundo, na nagpapahintulot sa kanila na kumita kahit sa mababang presyo. Karamihan sa natural gas nito ay napupunta sa mga ekonomiya ng Asya ’tulad ng Japan, South Korea, at China.
Nai-export ng Qatar ang natural gas nito sa ibang bahagi ng mundo, na naging dahilan upang ang Qatar ay maging isa sa pinakamaunlad na ekonomiya sa Middle East ngayon.
Ngunit hindi lamang ’yan ang bagay na talagang hahangaan mo tungkol sa bansang Qatar. Isa na rito ang pagkakaranggo nito bilang isa sa pinakaligtas na bansa sa mundo, hindi lang nang iisang beses kundi tatlo! Mula nang taong 2017, 2019, at taong 2020. Isa pa’y ang pagiging “best airline in the world” ng Qatar Airways dahil ito lamang ang nag-iisang airline na naghahatid sa mga pasahero sa lahat ng kontinente sa mundo!
Hindi mo rin kailangan ng maraming pera para makapaglakbay sa isa sa pinakamayamang bansang ito, sa mundo. Ang Qatar ay talaga namang budget-friendly, ika nga. Halimbawa na lamang ay ang mga pagkain dito, na hindi ganoon kamahal.
Maaari kang mag-enjoy sa iyong food trip, habang nagbabakasyon sa bansang ito nang hindi gaanong iniinda ang gastos, hindi ’tulad ng sa ibang mga karatig bansa nito. Kahit nga ang transportasyon sa bansang ito ay hindi rin mahal. Sa katunayan ay wala pang isang dolyar ang babayaran mo upang malibot ang capital nitong Doha.
Ngunit kung sasakay ka naman sa mga bus upang magpunta sa iba pang mga siyudad ay maaaring gumastos ka ng tatlo hanggang apat na dolyar, depende sa layo ng iyong pupuntahan.
Hindi ka rin naman mabo-boring sa bansang ito, marami kang mga makabuluhang lugar na maaaring puntahan o pasiyalan ’tulad na lamang ng mga sumusunod:
The Museum of Islamic Art.
Ito ay isang museo sa isang dulo seven-kilometer-long Corniche sa Doha, Qatar. Ayon sa mga detalye ng arkitekto na si I. M. Pei, ang museo ay itinayo sa isang isla sa labas ng isang artipisyal na projecting peninsula malapit sa tradisyonal na dhow harbor.
Doha Fort.
Ang Al Koot Fort na mas kilala sa bansag na Doha Fort, ay isang makasaysayang kuta ng militar na matatagpuan sa gitna ng Doha—ang kabisera ng lungsod ng Qatar. Ang kutang ito ay ginawa na ngayong museo, at ngayon ay may mga display na nagtatampok ng mga dekorasyong gawa sa kahoy, sinaunang sangkap ng pangingisda, mga oil painting, at mga lumang larawan.
The Doha Desert.
Qatar's largest sand desert. Lumilikha ng kakaibang karanasan ang mga dunes at ang pagsakay sa mga desert-adapted cars sa isang hindi pangkaraniwang kapaligiran. Ang mga lokal na tindahan na may mga tradisyonal na supply ay matatagpuan sa daan patungo sa disyerto. Ang mga nakamamanghang pagsikat ng araw o maging ang panunuod sa paglubog nito ay sinasabing magdadala sa iyo sa ibang mundo.
State Grand Mosque.
Ang panlabas na bahagi ng moskeng ito ay palaging inilalarawan bilang nakakatakot, na may tanawin ng isang ligtas na kuta, habang ang panloob na bahagi naman nito ay labis na kahanga-hanga. Ang naka-domed na bubong ay talagang napakataas at nakalulula kung titingnan mula sa ibabaw ng iyong ulo, na may mga batong puting haligi sa kabuuan at simpleng nakasabit na candelabra.
Napakalaki nito at talaga namang kaakit-akit at sinasabing agad na mabibighani sa arkitektura ang sinumang bibisita rito. Sa gabi, ang panlabas na bahagi ng mosque ay talaga namang mas maganda, dahil ito ay naliwanagan ng mga ilaw na kulay lila.
At iyan ay ilan lamang sa mga lugar na maaari mong bisitahin sa Qatar.
Ano ang masasabi mo sa paksang tampok ngayon? Halina at pag-usapan natin ’yan sa comment section!
No comments:
Post a Comment