10 Pinakamayayamang Mga Babae Sa Buong Mundo

10 Pinakamayayamang Mga Babae Sa Buong Mundo

10 Pinakamayayamang Mga Babae Sa Buong Mundo
Sa matagal na panahon ay inilaban ng mga kababaihan ang kanilang karapatang ituring bilang kapantay ng mga lalaki, at kalaunan ay napatunayan naman nila na kayang-kaya nilang makipagsabayan, kahit pa sa iba’t ibang larangan, kakayahan o antas sa buhay.

Sa katunayan, ayon sa ranking na inilabas ng Forbes para sa “The World’s Billionaires” ay mayroong kabuuang 239 na kababaihan ang nasa listahan ngayong taon, na nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, sa iba’t ibang industriya ’tulad ng pagmimina, real estate, pananalapi, parmasyutiko, at iba pa.

Ngunit ang tanong ng marami, sino nga ba ang mga kababaihang nakapasok sa TOP 10 at itinuturing bilang pinakamayayamang mga babae sa buong mundo? Sasagutin natin ’yan sa videong ito!

Kaya naman tara na’t umpisahan na natin ang ating talakayan.

1. Francoise Bettencourt-Meyers

Siya ay isang French businesswoman, na isa ring pilantropo, manunulat, pianist at billionaire heiress—at itinuturing na siyang pinakamayamang babae sa mundo, na may tinatayang net worth na 72 Billion U.S. Dollars na naitala nito lamang Marso ng kasalukuyang taon.

Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Liliane Bettencourt at apo ng tagapagtatag ng L’Oréal na si Eugène Schueller. Nang sumakabilang-buhay ang kaniyang ina noong September 2017 ay naging triple ang kanyang kayamanan sa kanyang mga investments sa pamamagitan ng kanyang family holding company, Tethys Invest, at ang mataas na valuation ng L’Oréal shares sa stock exchange.

2. Alice Walton

Siya naman ay isang American Heiress ng kayamanan ng Walmart, dahil siya ang bunso at nag-iisang anak na babae ng founder nito. 

Noong Setyembre ng taong 2016, nagmamay-ari siya ng mahigit $11 Billion U.S. Dollars, sa mga shares ng Walmart. Habang nitong nakaraang Oktubre naman, si Walton ay may net worth na umaabot na sa halagang 58.9 Billion U.S. Dollars, na naghatid sa kaniya sa ika-labingsiyam na puwesto para sa pinakamayamang tao sa mundo, habang pangalawa naman sa kategoryang “richest female in the world” ayon sa Bloomberg Billionaires Index.

3. Julia Koch

Si Julia Koch naman ay isang American socialite at pilantropo na isa sa pinakamayamang babae sa mundo. Matapos manahin ang 42% ng negosyo ng kanyang asawa pagkatapos nitong sumakabilang buhay noong 2019, si Julia ay nagpatuloy sa paglilingkod sa board ng Koch Industries, at pinalaki ang kanyang net worth at namumuhay ng marangya simulanmoon.

Siya ngayon ang itinuturing na pangalawa sa pinakamayamang babae sa mundo na may net worth na umaabot sa tumataginting na halagang 59.3 Billion U.S. Dollars!

4. Jacqueline Mars

Si Jacqueline Mars ay isa ring American heiress at investor. Siya ay anak nina Audrey Ruth Meyer at Forrest Mars, Sr., at apo ni Frank C. Mars, na mga tagapagtatag ng isang American Candy Company, na Mars, Incorporated. 

Maliban sa pagiging tagapagmana ng sikat na korporasyong ito, si Mars ay isa ring aktibong pilantropo at may-ari ng ilan sa mga nangungunang eventing horse sa United States. Noong October 2022, niranggo siya ng Bloomberg Billionaires Index bilang ika-dalawampu’t dalawang pinakamayamang tao at ikaapat sa pinakamayamang babae sa mundo, na may net worth na umaabot sa halagag 53 Billion U.S. Dollars!

5. Miriam Adelson

Si Miriam Adelson ay isang Israeli-American Physician at isa ring bilyonaryo. Pagkatapos ng kanyang kasal sa American business magnate na si Sheldon Adelson noong 1991, naging donor siya sa mga konserbatibong layuning pampulitika sa Estados Unidos at Israel.

Matapos yumao ang asawang si Sheldon Adelson noong 2021, Si Miriam na ang nagmay-ari ng kompaniya ng casino na tinatawag na Las Vegas Sands at ngayon ay nasa ika-tatlumpu’t anim na posisyon ng Forbes para sa ranking ng The Richest People in The World, habang panglima naman siya sa pinakamayamang babae sa mundo, sa net worth na 31 Billion U.S. Dollars, ayon sa ulat nito lamang December 7, 2022.

6. Gina Rinehart

Siya ay isang Australian mining magnate at businesswoman. Si Rinehart ay ang Executive Chairman ng Hancock Prospecting, na isang pribadong pag-aari ng mineral exploration at extraction company na itinatag ng kanyang ama. 

Siya ang nag-iisang anak ni Lang hancock, at nang ito ay pumanaw noong 1992 ay iniwam nito sa kaniya ang bangkarota na nitong ari-arian. Si Gina ang humalili sa ama bilang executive chairman simula noon.

Ginawa niyang pinakamalaking pribadong kumpanya sa Australia ang isang kumpanyang may matinding problema sa pananalapi at isa sa pinakamalaking mining house ngayon mundo. Dahil doon, si Gina Rinehart ay isa na ngayon sa pinakamayamang babae sa mundo na may net worth na 27.9 Billion U.S. dollars!

7. Mackenzie Scott

Siya naman ay isang American Novelist at isang pilantropo. Ngayong December 2022, mayroon siyang net worth na nagkakahalaga ng 26. 2 Billion U.S. Dollars, dahil sa 4% na stake sa Amazon, na kumpanyang itinatag ng kanyang dating asawang si Jeff Bezos.

Dahil dito, si Scott ang ikatlong pinakamayamang babae sa Estados Unidos at habang ikapito naman sa buong mundo. Si Scott ay pinangalanang isa sa pinakamakapangyarihang kababaihan sa buong mundo ng Forbes noong 2021, at isa “Time’s 100 Most Influential People of 2020.”

8. Susanne Klatten

Si Susanne Klatten ay isang German billionaire heiress, na anak nina Herbert at Johanna Quandt. Mayroon siyang net worth na 25 Billion U.S. Dollars, at itinuturing na pinakamayamang babae sa Germany at ang ikaanimnapu’t lima namang pinakamayamang tao sa mundo ayon sa Bloomberg Billionaires Index, samantalang nitong December 7 lamang ay rumanggo siya bilang ika-siyam sa pinakamayamang babae sa buong mundo. 

Si Klatten ang nag-iisang may-ari at deputy chair ng Altana, na mayroong higit sa 2.5 Billion Dollars na annual sales. May hawak din siyang stake sa Entrust, na dalubhasa sa digital identity at data security, pati na rin sa carbon at graphite producer na SGL Group.

9. Iris Fontbona

Si Iris Fontbona naman ay isang Chilean mining magnate, media proprietor, billionaire businesswoman, at asawa ng yumaong si Andrónico Luksic Abaroa, na siyang nagpamana sa kaniya ng Antofagasta PLC. Siya ang pinakamayamang tao sa Chile, ang ikatlong pinakamayaman sa Latin America, at ang ikasiyam na pinakamayamang babae sa buong mundo ngayong 2022 ayon sa Forbes, na may net worth na 21 Billion U.S. Dollars. 

Kasunod ng pagkawala ng kanyang asawa, pinamamahalaan niya ang kompaniya nito upang mapalago at maabot ang mga bagong tagumpay nito. Kabilang dito ang pag-angat ng kanilang negosyo bilang pangalawang pinakamalaking bangko sa Chile, ang pinakamalaking brewer sa mundo, tagapamahala ng pinakamalaking minahan ng tanso sa mundo at pagkontrol sa pinakamalaking shipping company sa mundo.

10. Abigail Johnson

Si Abigail Pierrepont Johnson ay isang American Business Billionaire, na apo ng yumaong si Edward C. Johnson II—ang nagtatag ng Fidelity Investments. Mula noong 2014, si Johnson ay naging presidente at CEO ng American investment firm na ito, at ang namamahala ng international former sister company nito na Fidelity International. 

Noong November 2016, siya ay nanatiling CEO at presidente, na nagbibigay sa kanya ng buong kontrol sa Fidelity kasama ang 45,000 employees nito sa buong mundo. Mayroon siya ngayong 21 Billion U.S. na dahilan kaya’t siya ay itinuturing na isa sa pinakamayamang babae sa mundo. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor