Ganito Pala Kayaman Si John Lloyd Cruz
Ganito Pala Kayaman Si John Lloyd Cruz
Marami na ang pumasok sa showbiz pero iilan lang talaga ang sumikat nang husto. Isa na rito ang aktor at modelong si John Lloyd Cruz.
Sa mundo ng showbiz, tila katambal na ng kasikatan ang pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian. Gaya nga ni John Lloyd na bagama’t nawala nang matagal sa showbiz matapos nitong maghain ng indefinite leave noong 2017 ay itinuturing pa rin na isa sa mga pinakamayaman na aktor sa bansa.
Atin ngang alamin kung gaano nga ba kayamanan ang nag-iisang ‘John Lloyd Cruz’ sa Philippine showbiz.
Paano sumikat si John Lloyd?
Hindi lingid sa marami na si John Lloyd ay nagsimula sa showbiz sa murang edad. At tulad ng karamihan sa mga artista, si John Lloyd ay nadiskubre ng isang talent scout. Ayon sa ulat, nasa isang mall si John Lloyd kasama ang kanyang mga kaibigan nang lapitan siya ng isang talent scout.
Subalit ang nagtulak talaga kay John Lloyd para pasukin ang pag-aartista ay ang kagustuhan niyang matulungan ang kanyang mga magulang. Sa isang panayam, ibinahagi ni John Lloyd na nalugi ang marble business ng kanyang ama dahil sa ilang pagbabago sa demand sa merkado.
Ani John Lloyd, “Gusto ko lang talagang makatulong financially sa parents ko. Yong daddy ko marble industry ang pinagkukuhaan ng pangtustos sa amin, kaya lang yong transition from marble to tiles, naapektuhan talaga kami, and I wanted to help out.”
Mistula namang inukit ng tadhana na maging isang aktor si John Lloyd. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, pangarap pala nitong maging isang sundalong piloto. Ngunit aminado si John Lloyd na baka pangarap din niyang maging isang artista dahil noong bata siya ay gusto na niyang magpasikat tuwing may family gathering sila.
“Mahiyain ako nung bata ako pero may mga times na sa gathering sa bahay ng lola ko na medyo nagpapasikat na rin ako. Siguro bata pa lang ako, siguro parang may ganun na, siguro nga gusto ko maging artista,” pagbabalik-tanaw pa niya.
Hanggang ang oportunidad na nga mismo ang kumatok sa pintuan ni John Lloyd para pasukin ang showbiz. Nakamit ni John Lloyd ang big break niya sa showbiz nang mapabilang siya sa Batch 5 ng talent agency ng Kapamilya network na “Star Magic”.
Isa naman sa mga proyekto na talagang nagpasikat kay John Lloyd ay ang 90s teen-oriented drama series na “Tabing Ilog” kung saan kasabayan niya ang mga aktres na sina Jodi Sta. Maria at Baron Geisler.
Sa mga sumunod na taon ay nagtuloy-tuloy na nga ang kasikatan ni John Lloyd at sunod-sunod na ang mga proyekto na dumating para sa kanya.
Bumida si John Lloyd sa maraming pelikula na talaga namang box-office hit o kumita nang milyun-milyon sa takilya tulad ng “One More Chance” taong 2007 na kumita ng P157.7 million. “A Very Special Love” noong 2008 na kumita ng P179.3 million, Geronimo, “My Amnesia Girl” noong 2010 na kumita naman ng P144.8 million, “A Second Chance” noong 2015 na kumita ng P556 million, at ang huling mainstream movie na ginawa niya na “Finally Found Someone” noong 2017 na kumita ng P316.5 million.
Bukod naman sa kanyang mga blockbuster movies, naging mukha rin si John Lloyd ng maraming kilalang brands. Sa katunayan, binansagan siya noon bilang hari ng commercial sa dami ng commercials at brand endorsements na kanyang ginawa.
Gaano kayaman si John Lloyd?
Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit kasali ang pangalan ni John Lloyd sa listahan ng pinakamayamang aktor sa bansa.
Ayon sa website na celebritynetworth.com, umabot ng tumataginting na $6 million ang estimated net worth ni John Lloyd o humigit kumulang P300 million.
Sa kabuuan ng kanyang karera, nakapagpundar din si John Lloyd ng ilang multi-million pesos property. Gaya ng kanyang French Mediterranean mansion sa Antipolo City na may sukat na 1,100 sqm. na talagang mapapa-wow ka sa ganda ng disenyo at mamahaling muwebles na makikita rito.
Bukod dito, mayroon ding booking app business si John Lloyd na tinatawag na “Trike Now”. Inilunsad ito ni John Lloyd Pebrero noong nakaraang taon.
Nakabili rin ng ilang mamahaling sasakyan at motor si John Lloyd tulad ng Mercedes Benz na worth P5 million, Toyota Hilux na nagkakahalaga ng mahigit P1 million, Vespa na nagkakahalaga ng halos P300K, at Honda CRF 250 rally na nagkakahalaga ng halos P300-K.
Talaga namang nakakalula ang yaman ni John Lloyd patunay lamang na maayos niyang napamahalaanan ang kanyang mga kita sa kabuuan ng kanyang karera bilang isang aktor.
Ikaw, sinu-sino pa ang mga kilala mong napakayaman din na aktor?
No comments:
Post a Comment