Ganito Pala Kayaman Si Isko Moreno
Ganito Pala Kayaman Si Isko Moreno
Ating pag-uusapan ang Ika 27th mayor ng Manila na si Isko Moreno at ang kanyang rags-to-riches story.
Si Francisco Moreno Domagoso, o mas kilala natin sa stage name na "Yorme" Isko Moreno Domagoso ay isang Filipino politician at Actor.
Ang pag-subok ni Yorme: Si yorme ay ipinanganak at lumaki sa Tondo Manila. Ang kanyang ina ay isa lamang labandera kaya naman sa murang edad natuto si yorme na tumulong sa kanyang magulang.
Siya naghahalungkat ng mga basurahan sa restaurant para makakuha ng mga tira-tirang pagkain upang lutoin muli at kakainin, siya rin ay natutong mangalakal ng mga bote, lata, bakal at iba pa upang maibenta ito kapalit ang konting salapi.
Sa edad na 19, nadiskubre siya sa isang funeral wake ng isang talent scout at nag-audition sa teen variety show na "That's Entertainment", na hino-host ng yumaong si German Moreno.
Matapos ay doon na siya kumikita ng halos 1000 pesos sa pagiging extra sa Dalawang Larawan ng Pag-ibig, ang 1993 drama flick na binidahan nina Anjanette Abayari at Albert Martinez.
At dahil doon malaki ang naging pasalamat ni mayor isko sa kanyang naging showbiz career sapagkat naiahon niya kahit papaano ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Educational background:
Pagdating naman sa kanyang edukasyon, siya ay nakapag- aral bilang post-graduate sa Executive Education Program at Harvard University. Kumuha din siya ng Strategic Leadership Program sa Oxford University, Bachelor of Laws sa Arellano University, Public Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Local Legislation and Local Finance sa University of the Philippines Diliman.
Political career / Early career:
Pagdating naman sa usapang politika, siya ay nag-simula noong 1998, at tumakbo bilang isang konsehal ng lungsod ng Maynila at sa kabutihang palad siya ay nahalal ng tatlong beses na magkakasunod sa termino. Noong 2007 si Moreno ay nahalal na bise alkalde ng Maynila, na muling nahalal noong 2010 at 2013.
Ang kanyang karera sa politika ay naging maayos ang takbo. Sa kanyang panunungkulan marami ang humanga kay yorme dahil sa katapangan nitong ipinakita. Dahil siya lang naman ang mayor na naisakatuparan ang kalinisan at katahimikan sa lungsod ng Maynila, dahil sa kanyang pagkaka- upo bilang mayor nalinis nya ang mga lugar tulad ng Tondo, Divisoria, Ilog Pasig at marami pang iba.
Ilan lamang yan sa mga lugar na nilinis ni Yorme, ayon sa mga residente rito, talagang nabawasan ang mga talamak na krimen na nangyayari, partikular na sa isyu ng ipinagbabawal na droga, pagnanakaw at r*pe.
Ang mga residente ay naging kampante sa kanilang pamumuhay, naniniwala sila na sa pagkakaupo ng kanilang mayor isko ay walang gulo o corruption ang mangyayari sa lungsod ng maynila.
Kasama rin sa kanyang pamamahala ang nighttime curfew para sa mga kabataan na pakalat-kalat lamang sa lansangan.
Aminado si mayor isko na mas lalong humirap ang buhay ng mga mamamayang pilipino dahil sa pandemya ngunit nangangako naman itong gagawan ng paraan at paiigtingin ang solusyon gaya ng massive vaccine rollout, building field hospitals at mga isolation centers, maging ang ayuda para sa bawat pamilya ay kanya ring naisakatuparan.
Nitong nakaraang halalan tumakbo si mayor isko bilang isa sa mga presidential candidate ngunit hindi ito pinalad na manalo, sa kabila ng maganda niyang adhikain at magandang plano para sa malinis at matapat na gobyerno hindi naman siya pinalad.
Yorme’s wealth:
Base sa aming nakalap na impormasyon, si Isko Moreno ay may Statement of assets, liabilities, and net worth o (SALN) as of 2022 na 70 million pesos. Marami man ang bumabatikos sa kanya dahil sa laki ng kanyang pera, mariinan niya namang itinanggi na hindi siya isang corrupt.
Dahil sa pagiging determinado ni mayor isko sa buhay, nabago niya ang kanyang kapalaran at ngayon isa na siyang mayaman na marami ng pinag-silbihan
No comments:
Post a Comment