Kilalanin Ang Mga Naggagandahang Anak Ni Robin Padilla

Kilalanin Ang Mga Naggagandahang Anak Ni Robin Padilla

Kilalanin Ang Mga Naggagandahang Anak Ni Robin Padilla

Kilalanin ang mga magagandang anak ng tinaguriang ‘bad boy’ ng Philippine cinema na si Robin Padilla.

Si Senator Robin Padilla o Robinhood Ferdinand Cariño Padilla sa totoong buhay ay isa sa pinakasikat at iniidolo na action star noon at magpahanggang ngayon. Siya ay sumikat dahil sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga pelikula at teleserye bilang isang matapang at maangas na bida. 

Ngunit maliban sa kanyang galing sa pag-arte, hindi rin maikakaila na isa sa nagpasikat kay Robin ay ang taglay niyang kagwapuhan at kakisigan na talaga namang bumihag sa puso ng maraming kababaihan.

Mga Babaeng Nakarelasyon ni Robin Padilla:  

Hindi na nga nakapagtataka kung bakit maraming babaeng artista ang kanyang napaibig. Kabilang dito ang mga naggagandahan at dekalidad na mga aktres sa showbiz tulad nina Kris Aquino, Vina Morales, Sharon Cuneta, Monique Wilson, Leah Orosa, Liezl Sicangco, Judy Ann Santos, Ruffa Gutierrez at marami pang iba pa.

Kasalukuyang kasal at masaya naman si Robin sa piling ng kanyang asawang si Mariel Padilla. Labindalawang taon na silang magkasama at nabiyayaan ng dalawang anak.

Speaking of anak, alam n’yo bang nagkaroon din ng mga anak si Robin sa mga dati niyang karelasyon? At gaya ni Robin, agaw-pansin at artistahin din ang kanilang itsura. 

Kilalanin natin sila:

Mga Magagandang Anak ni Robin Padilla:  

1. Camille Orosa

Si Camille ay ang pinaka-panganay sa lahat ng anak ni Robin. Siya ang bunga ng pag–iibigan ni Robin at ng dating leading lady nito na si Leah Orosa. Sa itsura nito, di maikakaila na namana nito ang good looks ng kanyang mga magulang. 

Hindi pinasok ni Camille ang showbiz gaya ng kanyang mga magulang ngunit kung gugustuhin niya, tiyak na pasok ang kanyang ganda. At sinong nakakaalam, baka may taglay din siyang husay sa pag-arte? 

Sa ngayon, ay 32-taong gulang na si Camille at nakabase sa Amerika. Batay naman sa makikita sa kanyang Instagram account, nagtatrabaho si Camille bilang Chief Marketing Officer at Data Scientist ng isang kumpanya sa Amerika.  

2. Queenie Padilla 

Si Queenie ay ang panganay na anak ni Robin sa dati nitong asawa na si Liezl Sicangco. Sa ganda rin nito ay hindi na nakapagtataka na minsan na rin itong pinasok ang pag-aartista. Ngunit kalaunan ay mas pinili ni Queenie ang simple at masayang pamumuhay malayo sa limelight. 

3. Kylie Padilla

Si Kylie ang pangalawang anak ni Robin kay Liezl Sicangco at ang nag-iisang anak na talagang sumunod sa yapak ng ama. Ngunit bukod sa husay sa pag-arte, hinangaan din ng marami ang taglay na mestiza beauty ni Kylie. Sa ngayon, aktibo pa rin sa showbiz si Kylie. 

4. Zherileen Padilla

Si Zherileen o Zhen ang pangatlong anak ni Robin kay Liezl Sicangco. Tulad ng kanyang mga kapatid, hindi rin magpapatalo sa pagandahan si Zhen. 

Lingid naman sa kaalaman ng lahat na isang certified beauty and brains si Zhen. Noong 2019, siya ay nagtapos Filmmaking sa University sa Australia at ngayon ay isa nang film director gaya ni Robin!

5. Maria Isabella at Maria Gabriela

Sila ang dalawang anak ni Robin sa kasalukuyang misis nito na si Mariel Rodriguez. Sa kanilang murang edad ay hindi maitatago ang taglay na ganda nina Maria Isabella at Maria Gabriela. Siyempre, nagmana sila sa maganda at gwapo nilang mga magulang. 

Sa ngayon ay pag-aaral pa ang kanilang prayoridad.Ngunit sino ang nakakaalam? Baka pasukin din nila ang showbiz sa pumasok sila sa showbiz sa hinaharap.

Talaga namang kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Patunay dito ang naggagandahang anak ni Senator Robin Padilla na saan pa nagmana kundi sa kanya!

Ikaw, nagagandahan ka rin ba sa kanila?


No comments:

Post a Comment

Sponsor