Ito Na Pala Ngayon Si Alonzo Muhlach

Ito Na Pala Ngayon Si Alonzo Muhlach

Natatandaan niyo paba ang sikat na child actor noon na talagang kinagiliwan ng lahat? Siya ay Si Alonzo Andretti Muhlach o mas kilala bilang Alonzo Muhlach na ipinanganak noong February 19, 2010. 

Ang kanyang ama ay ang sikat din na aktor at child actor noon na si Nino Muhlach. Una siyang napanood noong 2014 ng mapabilang siya sa cast ng pelikulang My Big Bossing bilang si Prinsipe Vladimir. Dahil sa pagiging bibo nito ay sunod-sunod ang mga proyektong kanyang natanggap. 

Gumanap din siya bilang Vey Wang sa pelikulang Wang Fam noong 2015 at bilang Jumbo Villavienco sa pelikulang Beauty and the Bestie na pinagbidahan nina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid at Nadine Lustre. 

Taong 2016 ng mapabilang siya sa pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers bilang Benekis na apo ni Enteng Kabisote. 

Dahil sa kanyang galing sa pag-arte ay nakatanggap siya ng maraming gantimpala at pagkilala. Naging nominado siya bilang Best Child Perfomer sa 30th PMPC Star Awards for Television and Movies at sa 3rf PEP List Awards noong 2016. Siya din ang itinanghal na Best Child Performer for Film sa 2nd Alta Media Icon Awards para sa pelikulang Beauty and the Bestie noong 2016.

Pero maraming nagtatanong kung bakit biglang nawala si Alonzo sa telebisyon? Huli siyang napanood sa mga programang Your Face Sounds Familiar Kids (Season 1), D'Origiinals at ASAP noong 2017. Maraming nagsasabi na nag-focus si Alonzo sa kanyang personal life at nag-focus ito sa kanyang pag-aaral.

Samantala, nag-viral ang mga larawan noon ni Alonzo kung saan makikita na nagbibinata na ito. Kung dati ay pinanggigigilan siya dahil sa kanyang pagiging bibo at ka-kyutan, ngayon naman ay marami ng humahanga sa kanya dahil sa taglay nitong kagwapuhan na namana niya sa kanyang mga magulang.

Maraming fans niya ang gusto siya ulit mapanood sa telebisyon at bagay daw sila na maging loveteam ni Aling Maliit noon na si Ryzza Mae Dizon. 

Anong masasabi mo sa transformation ni Alonzo Muhlach?z


No comments:

Post a Comment

Sponsor