Mga Celebrities Na Malungkot Sa Pagkawala Ni Jovit Baldovino

Mga Celebrities Na Malungkot Sa Pagkawala Ni Jovit Baldovino

Mga Celebrities Na Malungkot Sa Pagkawala Ni Jovit Baldovino

Isang malungkot na balita ang gumulantang sa mga netizens ng inanunsyo na pumanaw na ang isa sa mga sikat at tinitingalang singer sa Pilipinas na si Jovit Baldivino.

Nag-collapse di umano si Jovit habang nasa isang party noong Disyembre 4 sa Batangas City matapos kantahin ang mga signature songs nito.

Ayon sa ulat, na-operahan noong Lunes (Disyembre 5) ang Pilipinas Got Talent Grand Champion sa Jesus of Nazareth Hospital at nanatili ito sa ICU ng 5 araw matapos maputukan ng ugat sa ulo.

Ang former handler ni Jovit na si Jerry Telan ay nagbahagi ng statement kaugnay ng pagp*naw ng naturang aktor noong Disyembre 9.

"According to Jovit Baldivino’s parents Mr. Hilario 'Larry' and Mrs. Cristeta Baldivino and fiancĆ© Camille Ann Miguel (during our personal visit in the hospital on December 6, 2022) he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines. Then he was invited by a family friend from Batangas City. Doctor’s advice not to sing while recuperating," ayon sa kanyang IG post.

Ang mga kaibigan naman ni Jovit sa showbiz ay nagpahayag ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng kanilang social media account.

Ang komedyanteng si Kiray Celis ay hindi rin makapaniwala sa pagkawala ng kanyang kaibigan at ibinahagi pa ang bidyo kasama si Jovit kung saan ang saya-saya pa nila sa naturang bidyo.

"Jovit.... totoo ba to? Ang saya saya pa natin dito.. hindi ka lang naging mabuting kaibigan samin. Para ka na naming kapatid eh. Mamimiss ka namin at mahal na mahal ka namin."

Ang singer na si Angeline Quinto ay nagbahagi din ng mga larawan nila ni Jovit at mensahe niya para sa kanyang matalik na kaibigan.

Aniya, "Isa sa pinakamagandang boses at pinakamabait na naka-trabaho ko nung nagsisimula ako sa industriya. Hindi ko makakalimutan ang kakulitan mo Jovs. Lalo kung gaano ka ka-sweet sa mga taga hanga mo. Napaka aga naman masyado Jovs. Sana hindi nalang totoo na nangyari ito.

"Salamat Jovit sa pagkakaibigan at mag pagkakataon na makatrabaho kita. Kantahan at pasayahin mo sila dyan sa langit ah Jovs. Mahal na mahal ka namin."

Ang matalik na kaibigan at singer na si Morcelito Pomoy ay hindi rin makapiniwala na wala na ang isa sa mga taong sumuporta sa kanya noon sa Pilipinas Got Talent.

Aniya, "Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT.. pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan."

"From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy… thank you so so much."

"Parang I still can't believe this. I'll never forgot how I would always wait to hear his parts in ASAP. He always got to prove why he was Pilipinas Got Talent's champion. I always always always would try to encourage him to keep shining. Sing for Jesus when you see Him Jovit", ito naman ang post ni Gary Valenciano. 

Ang mga iba pang kaibigan ni Jovit tulad nina Ogie Alcasid, Matteo Guidicelli, Zsa Zsa Padilla, Yeng Constantino, Vina Morales, Bugoy Drillon, Limuel Llanes at Dulce ay nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ng singer.


No comments:

Post a Comment

Sponsor