Sampung Celebrities Na May Kakambal Pala

Sampung Celebrities Na May Kakambal Pala

Sampung Celebrities Na May Kakambal Pala

Marami ang nagsasabing swerte raw ang kambal. Mukhang pinatunayan naman ito ng mga celebrity na ito na kambal o may kambal pala. Talaga naman kasing sinwerte sila sa kani-kanilang career at ngayon ay matagumpay na. 

Kilalanin sila:

Malawak ang mundo ng showbiz ngunit ilan lamang ang artistang kambal o may kambal. Marahil ang iba sa atin ay alam na kung sino ang mga artistang may mga kambal dahil palagi silang makikita sa mga TV show o hindi naman kaya sa mga teleserye at pelika. 

Ang iba naman ay hindi masyadong nakikita kaya minsan nagugulat na lang ang marami na may kakambal pala sila. 

Kaya narito ang ang ilan lang sa mga celebrity twins na baka hindi n’yo alam na kambal o may kambal pala.

10 Celebrity Twins:

BRAD & GREG TURVEY

BRAD & GREG TURVEY

Sina Brad at Greg ay nag-‘debut’ noong 2004 sa comedy show na “Nuts Entertainment”. Silang dalawa ay talagang kinakikiligan ng kababaihan dahil sa taglay nilang kapogian. Isa sa naging big break ni Brad ay noong makasama niya ang American actress na si Mandy Moore sa isang proyekto noong 2001. 

Sa ngayon, silang dalawa ay piniling magnegosyo at nagbukas ng sarili nilang restaurant sa Australia. Si Brad ay isa ng ama at si Greg naman ay masaya sa kanyang tahimik na buhay.

PAOLO & MIGUEL GUICO

Sina Paolo at Miguel ay nakilala bilang bokalista ng sikat na OPM band na “Ben & Ben”. Kilala rin sila dahil sa mga hit songs nilang “Kathang-Isip”, “Araw-araw”, “Maybe The Night” at marami pang iba. 

Samantala, dahil sa husay nilang umawit at gumawa ng mga kanta, taong 2020 ay napabilang sila sa mga nominado para sa Best Southeast Asia Act sa MTV Europe Music Awards.

TANNER & TYLER MATA

Sina Tanner at Tyler ay Filipino-American twins. Pareho din silang mga international models. Silang dalawa ay nakilala dahil sa pagiging regular na housemate ni Tanner sa Pinoy Big Brother o PBB.

Nagkakapareho naman sa maraming paraan ang dalawa. Maliban kasi sa pareho silang may angking kagwapuhan, sila rin ay parehong nahihilig sa ‘street racing’. 

Sa ngayon, si Tanner ay kasal na sa kapwa niya housemate din noon na si Maria Fabiana. 

ANDREA & ADRIAN DEL ROSARIO

Si Andrea ay isa sa mga maningning na bituin ng VIVA Artists Agency. Kabilang siya sa mga tinatawag na ‘hot babe’. Ang kambal naman niyang si Adrian ay mas piniling hindi mag-artista at nasa US na ngayon. 

FOURTH & FIFTH SOLOMON

Sina Fourth and Fifth ay sumikat naman sa showbiz nang maging sila ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014.

Sa ngayon, si Fifth ay isa nang aktor, manunular, at direktor. Habang si Fourth naman ay isa nang business owner.

JOJ & JAI AGPANGAN

Sina Joj at Jai ay parehong nakilala matapos silang sumali ng PBB. Maliban diyan, kinaaliwan din sila ng marami dahil sa kwela nilang personalidad. 

Napabilang na sila sa ilang Kapamilya shows gaya ng “Forevermore”, “The Good Son”, at “Maalaala Mo Kaya. Ngayon bukod sa pag-arte ay aktibo sila sa kani-kanilang social media accounts at sa kanilang YouTube channel nila. 

JINKEE JAMORA-PACQUIAO & JANET JAMORA 

Si Jinkee ay asawa ng ating boxing champ na si Manny Pacquiao. Ang kanyang kambal naman ay si Janet Jamora na ikinasal sa dating PBB housemate na si Tibo Jumalon.

Si Janette ay madalas na mapagkamalan ng mga fans na asawa ni Manny dahil sa talagang magkamukha nga ang kambal. Bukod pa rito ay madalas din makita si Janet na kasama si Jinkee. Katunayan, madalas pusuan ng maraming netizens ang kanilang matching OOTDs.

RICHARD & RAYMOND GUTIERREZ

Hindi sikreto sa publiko na kambal ang aktor na si Richard Gutierrez at model-host na si Raymond Gutierrez. Ito ay sa kadahilanang nagmula sila sa angkan ng mga artista at mula pagkabata ay artista na.  Silang dalawa ay mga anak din ng mga artista na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. 

Bata pa lamang nga ay kinukuha na silang artista. Pero alam n’yo bang nahihirapan ang marami na makilala kung sino si Richard at si Raymond? Ngayon, malalaman mo na kung ano ang pagkakaiba nila. Si Richard ay isa sa mga matinee idol at si Raymond naman ay madalas na TV host.

ATASHA & ANDRES MUHLACH

Sina Atasha at Andres ay ilan lamang sa mga kilalang celebrity kid na sinusundan ng marami sa social media. Silang dalawa naman ay mga anak ng power couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. 

Talagang mga bata palang ang mga ito ay nakikita na sila sa mga patalastas sa TV gaya ng Jollibee. Palagi silang kinukuha bilang endorser dahil ang ‘cute’ nilang pareho. 

Ngayon ay nasa 21 na taong gulang na sila at talagang mas gumanda at gumwapo pa. Nasa kolehiyo na rin sina Atash at Andres. Pinili naman nilang mag-aral sa abroad. Si Atasha sa United Kingdom at si Andres naman ay sa Spain.

CASSANDRA & MAVERICK LEGASPI

Sina Cassy at Mavy ay isa sa mga celebrity twins na kinagigiliwan ngayon sa telebisyon man o social media. Sila ay mga anak ng celebrity couple na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Sa ngayon ay 21 taong gulang na sina Cassy at Mavy. 

Matatandaan naman na madalas na kinukuha sa mga endorsements ang kambal at sumasama sa mga guesting ng kanilang magulang. Kaya naman bata pa lang ay namulat na sila sa mundo ng showbiz. Kaya hinPareho na rin nilang pinasok ang pag-aartista gaya ng kanilang mga magulang. Si Mavy ay napabilang sa I left My Heart In Sorsogon. Si Cassy naman ay naging cast ng Fist Yaya at kalaunan, Fist Lady.

May mga kilala pa ba kayong mga nakakatuwang celebrity twin? Sino-sino sila?


No comments:

Post a Comment

Sponsor