10 Richest Kids-Teens In The World — The Youngest And Wealthiest People On Earth

10 Richest Kids-Teens In The World — The Youngest And Wealthiest People On Earth

10 Richest Kids-Teens In The World — The Youngest And Wealthiest People On Earth

Sa dinami-rami ng mga taong nangangarap ng isang marangya at komportableng buhay, alam n’yo ba na may mga taong sa murang edad pa lamang ay tinatamasa na ito? Sa pamamagitan man ng sarili nilang pagsisikap, o maging sa pamamagitan ng pamana ng kanilang mga magulang at ninuno ay mayroong mga bata sa mundo na nabubuhay sa tila isang panaginip.

Halina at pasukin ang mundo ng sampung pinakamayayamang bata sa buong mundo!

1: True Thompson

Nakapuwesto bilang ikasampu sa pinakamayamang bata sa mundo, ang anak ng isa sa pinakasikat na personalidad sa mundo ng entertainment at social network—si Khloe Kardashian at ang kilalang N.B.A. basketball player na si Tristan Thompson. 

Sa murang edad na apat na taong gulang, si True Thompson ay mayroon nang kabuuang net worth na nagkakahalaga ng tumataginting na five million dollars as of 2022, na nagmula sa kanyang mga magulang, na parehong nagmula rin naman sa mayayamang pamilya na kilala at sikat sa halos buong mundo.

2: Suri Cruise

Si Suri Cruise naman ay ang labing anim na taong gulang na anak ng sikat na aktres na si Katie Holmes at ng aktor na si Tom Cruise. Siya ay itinuturing ngayon bilang isa sa pinakasikat na celebrity dahil na rin sa kaniyang pagiging isang fashion icon na minsan nang binansagan bilang world’s most stylish celebrity child na ngayon ay nagmamay-ari na rin ng kaniyang sariling fashion blog. 

Idagdag pa ang yamang pamana sa kaniya ng mga magulang, si Suri Cruise ay mayroon nang kabuuang net worth ngayon na nagkakahalaga ng six million dollars, kaya naman siya ay napabilang sa listahan ng pinakamayayamang bata sa mundo.

3: Alina Morse

Si Alina Morse ay ang labing pitong taong gulang na kahanga-hangang batang negosyante. Siya ang CEO ng Zolli Candy, na itinatag niya noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang. Ang kanyang kumpanya ay nagbebenta ng kendi na siya mismo ang nag-develop—ang sugar free lollipops na tinatawag na Zollipops, ang hard candy na Zolli Drops, at taffy na tinatawag na Zaffi Taffy. 

Sa ngayon, siya ay mayroon nang kabuuang net worth na nagkakahalaga ng six million dollars, na galing mismo sa kaniyang sariling pagsisikap!

4: Ryan Guan

Si Ryan Kaji, o kilala rin bilang Ryan Guan ay isang sikat na youtuber at may-ari ng channel na Ryan’s World, o dating kilala bilang Ryan’s Toys Reviews na sinimulan noon ng kaniyang mga magulang. Ang kaniyang channel ay isang review at unboxing channel na nagtatampok ng kanyang sarili kasama ang kanyang mga magulang at kambal na kapatid na babae. 

Nagsimula siyang gumawa ng mga video mula noong siya ay apat na taong gulang at ang kanyang channel ay isa sa ang pinakasikat na channel sa YouTube na may mahigit 20 Million subscribers! Dahil dito, si Ryan Guan ngayon ay mayroon nang net worth na nagkakahalaga ng eleven million dollars, sa edad na sampung taong gulang pa lamang!

5: Valentina Paloma Pinault

Rumaranggo bilang ikaanim na pinakamayamang bata sa mundo, si Valentina Paloma Pinault, na anak ng kilalang aktres na si Salma Hayek at ng negosyanteng Pranses na si Francois-Henri Pinault. Mayroon siyang net worth na nagkakahalaga ng twelve million dollars. 

Bukod sa pagkakaroon ng mayaman at sikat na mga magulang, siya ay isa ring internet star sa edad na labinlimang taong gulang, kaya naman hindi nakapagtatakang mula noong 2020 hanggang ngayong 2022 ay hirang pa rin siyang isa sa pinakabatang milyonarya sa planeta!

6: Prince Louis of Cambridge

Prinsipe Louis of Cambridge o Prince Louis Arthur Charles, ang pangatlo at bunsong anak ni Prince William na Duke ng Cambridge, at ni Catherine na siya namang Duchess ng Cambridge. Sa edad na apat na taong gulang, siya ay mayroon nang tinatayang net worth na humigit-kumulang 400 Million Dollars, dahil na rin sa yaman ng kaniyang mga magulang at ninuno. Panglima siya sa linya ng paghalili sa trono ng Britain pagkatapos ng kanyang lolo, ama, kuya at ate.

7: Stormi Webster

Siya ang apat na taong gulang na anak ng sikat na celebrity na si Kylie Jenner at Travis Scott. Si Stormi ay may-ari din ng isang marangyang playhouse na iniregalo ng kanyang lola. Bukod pa riyan ang kaniyang mga designer outfits na talaga namang magpapanganga sa ’yo kung malalaman mo ang presyo nito! 

Salamat sa kaniyang bilyonaryong mga magulang, si Stormi ay mayroon na ngayong kabuuang net worth na nagkakahalaga ng mahigit 700 Million Dollars, kaya naman siya ay naitala bilang ikaapat sa pinakamayamang bata sa mundo!

8: Blue Ivy Carter

Si Blue Ivy Carter ay isang American singer na anak ng mga kilalang musikerong sina Beyoncé at Jay-Z. Hawak niya ang Guinness World Record para sa pagiging “youngest person to have a charted song on any billboard” pagkatapos siyang i-record ng kaniyang ama habang inaawit ang kantang ‘Glory’. Nakatanggap din siya ng Grammy Award para sa Best Music Video para sa kantang “Brown Skin Girl” at dahil dito ay nakuha niya ang isa pang Guinness World Record para sa pagiging Youngest Winner of Grammy Award. 

Ikatlo siya sa pinakamayamang bata sa mundo, dahil na rin sa kaniyang kasikatan at sa yaman ng kaniyang mga magulang. Siya ay may net worth na 1 Billion dollars, sa edad pa lamang na sampung taong gulang!

9: Prince George of Cambridge

Siya naman ang panganay na anak ni Prince William at Duchess Catherine, at ang nakatatandang kapatid ni Princess Charlotte of Cambridge. Ang kanyang ang kayamanan ay galing din sa British Royal Family at sa edad na siyam na taong gulang, ang kaniyang net worth ay tinatayang mahigit 3 Billion dollars ang halaga! 

Pagkatapos ng kanyang lolong si Prince Charles at ang kaniyang amang si Prince William, siya pumangatlo sa linya ng mga hahalili sa trono.

10: Princess Charlotte of Cambridge

Siya ay miyembro din ng British Royal Family. Ang pangalawang anak at nag-iisang anak na babae ni Prince William, at Catherine, Duchess of Cambridge. Pang-apat si Princess Charlotte sa linya ng paghalili sa trono ng Britanya. 

Dahil sa pagpapatupad ng Perth Agreement, siya ang naging unang British princess na mas mataas ang ranggo sa isang kapatid na lalaki, sa line of succession. Dahil sa yaman ng kanilang maharlikang angkan, si Princess Charlotte ay mayroon na ngayong net worth na nagkakahalaga ng 5 Billion Dollars, sa edad pa lamang na pitong taong gulang, kaya naman siya ang siyang may hawak ng titulong “richest kid in the world!”

Ano ang masasabi mo sa paksang tampok natin ngayon? Mag-like, share, at comment na sa videong ito, at huwag kalimutang mag-subscribe sa ating channel para maging updated ka sa susunod pa nating mga video!


No comments:

Post a Comment

Sponsor