10 Pinakadelikadong Waterslides Sa Buong Mundo

10 Pinakadelikadong Waterslides Sa Buong Mundo

10 Pinakadelikadong Waterslides Sa Buong Mundo

Ang tubig ay buhay. Ito ay simbolo ng maraming bagay, ’tulad na lamang ng karunungan, kapangyarihan, grasya, at musika, na maaaring maghatid sa atin ng kapayapaan ng loob at marami pang magagandang bagay…ngunit katumbas nito, ang tubig ay isa ring nakatatakot na elementong kapag hindi natin pinag-ingatan ay maaari din namang magdulot sa atin ng kapahamakan.

Sampung pinakadelikadong mga water slides sa mundo, na talaga namang magpapahinto sa tibok ng iyong puso! Ano-ano nga ba ang mga ito? Simulan na natin ang talakayan!


1. Aqua Loop

Ito ay isang 100-meter free-fall na bumabagsak sa isang makapigil-hiningang 360-degree-loop habang ang launch flap ay bumubukas sa ibaba ng iyong mga paa na nagpapahintulot sa iyo na mag-slide pababa sa isang nakatayong posisyon. 

Ito ay isang uri ng body water slide kung saan ang mga single riders ay ibinabagsak sa isang near vertical slide, papunta sa isang loop na naka-inclined. Nagtatampok ito ng apat na transparent looping slides, at itinatayang 60 kilometers per hour ang bilis na iyong tatahakin kung susubukan mo ang nakatatakot na slide na ito!


2. The Steamer Water Slide

Isa na yata ito sa itinuturing na pinakadelikadong water slide sa buong mundo, na batay sa ilang mga testimoya ay makailang ulit na ring napatunayan ng mga tao. Isa ito sa mga pinakakilalang rides sa Calypso Water Park, kahit na hindi lang isa doon ang na-link sa malubhang pinsala. 

Ang mga steamer rider ay nakaupo sa mga tubo at pagkatapos ay umiikot sa isang higanteng funnel bago sila lumabas sa isang exit slide. Kung iisipin ay tila isa itong masaya at exciting na karanasan—iyon ay kung hindi bumaliktad ang iyong panloob na tubo bago ka pa makarating sa labasan.


3. Vertigo Water Slide

Verti-Go ang siyang pangalan ng set na ito ng dalawang walang katapusang slide — ang sikat na red at green slide. Ang pulang slide ay itinatayang tatlumpu’t tatlong metro ang taas, at dahil diyan ay itinuring din ito bilang ang pinakamataas na capsule slide sa mundo. Makikita mo lamang ito ng eksklusibo sa Aqualandia, sa bansang Spain. 

Ang mga riders nito ay nahuhulog sa isang trap door, pababa naman sa matarik na slide, at sa tubig. May mga pagkakataong nakaranas na ng ilang malalang injuries ang ilan sa mga sumubok na sumakay dito kaya naman ito ay itinuturing ding isa sa pinakadelikadong water slide sa mundo.


4. The Scorpion’s Tail

Ito ay isa ring looping water slide, ang Scorpion’s Tail sa Noah’s Ark Waterpark, Wisconsin, ay isang maikli, ngunit nakakatakot na biyahe na ibinabagsak ang mga sakay sa isang asul na tunnel, sa paligid ng isang near-vertical loop, bago ilubog ang mga ito sa isang wading pool. Sampung palapag ang taas, Apatnaraang talampakan ang haba, at fifty feet per seconds anv bilis…talaga namang ang slide na ito ay patatayuin ang iyong balahibo at tila mag-iiwan ng kaba sa iyong dibdib!


5. Verruct

Ang VerrĂ¼ckt ay isang water slide na matatagpuan sa Schlitterbahn Kansas City water park sa United States. Sa taas na 168 feet and 7 inches, ang VerrĂ¼ckt ay siyang tinaguriang pinakamataas na water slide sa mundo nang magbukas ito noong Hulyo, ng taong 2014. Ang verruct ay talaga namang kakaiba, sa pangalan pa lamang nito na ang ibig sabihin sa ingles ay “insane”. Mas mataas pa ito kaysa sa Niagara Falls at sa mismong Statue of Liberty, kaya naman ito talagang itinuturing na isang nakatatakot at nakakikilabot na slide!


6. The Leap Of Faith

Marahil ay isa na yata ito sa pinakamagandang water slide na itinayo sa buong mundo, na matatagpuan sa Atlantis Paradise Island, sa Bahamas. Ibinabagsak ng slide na ito ang kaniyang mga sakay sa isang animnapung talampakang patak sa isang tunnel na tumatakbo sa ilalim ng lagoon na puno ng mga—pating! Kaya naman itinuturing ding delikado ang slide na ito ay dahil bukod sa makapigil-hininga nitong taas ay maroon palang dagdag na twist na makakasama mo sa iyong pagsakay dito. Ang mga pating na kilala rin bilang isa sa mga pinakakinatatakutang uri ng hayop sa mundo.


7. The Insano Slide

Ang Insano ay masasabing isa rin sa mga iconic slide sa mundo, na sa loob ng dalawampu’t limang taon ay umaakit sa mga taong naghahanap ng thrill. Ang bilis ng bagay na ito ay hindi kapani-paniwala, na umaabot sa halos 65 mph. Ang namumukod-tanging tampok ng Beach Park na ito ng bansang Brazil, ay ang slide na mayroon ding nakamamanghang tanawin ng Karagatang Atlantiko mula sa itaas, na isang magandang imahe na nakadikit sa iyong ulo bago mo gawin ang death-defying drop!


8. Cannonball Loop

Dahil na rin sa pagiging lubhang mapanganib ng slide na ito ay nanatili lamang itong bukas sa loob ng isang buwan noong 1980s. Nagkaroon kasi ng maraming mga pinsala rito, at mayroon ding mga sabi-sabing ang mga test dummies daw ng naturang slide ay lalabas mula sa slide na mayroon nang nawawalang mga limbs. Ito ay isang 15 miles loop hike na umakyat sa tatlong 4000 footer, dumaraan sa tatlong lawa, at nagbibigay ng mga nakamamanghang tanawin ng Cannon Cliff at Franconia Notch. Binabaybay nito ang mabangis na kabundukan na may matarik na pag-akyat na talaga namang hindi mo malilimutan!


9. The Cliffhanger

Ito ay matatagpuan sa Galveston, Texas. Ang Cliffhanger ay isang kilalang slide sa nasabing rehiyon dahil nag-aalok ang slide na ito ng dalawang iba’t ibang paraan upang sumakay pababa sa paikot-ikot na F5 Twin Twister Tubes o isang tuwid na pagbaba sa walumpung talampakang Cliffhanger chute, na umaabot sa bilis na 35mph. Talaga namang ito ay isang kapanapanabik na bagong dual lane giant inflatable slide na nagtatampok din ng aliw dahil sa eye catching colors nito na talaga namang namumukod-tangi.


10. The Grave Pool

Ito ay isang enclosed water slide na may kumpletong loop kung saan ang mga customer ay nauuwi sa pagkakaroon ng madugong ilong. Ito ay isang paikot na biyahe na walang preno, na babagsak sa isang concrete-and-fiberglass na track, at sa isang freshwater pool na mayroong mga giant wave na nangangailangan ng mga lifeguard na magligtas ng mahigit dalawang dosenang tao sa isang araw. Ang Action Park ng New Jersey, na mabilis na naging kilala bilang “Accident Park”, ay mayroon ng lahat. Dahil diyan, marami ang nagsasabi na ito na yata ang pinaka-mapanganib na water park sa America.

Ngayon, gusto mo pa bang subukan ang mga water slides na ito o hindi na? I-comment mo naman ang sagot mo sa ibaba!


No comments:

Post a Comment

Sponsor