Rabiya Mateo, Niregaluhan Ang Ina Ng Bagong Bahay Sa Iloilo

Rabiya Mateo, Niregaluhan Ang Ina Ng Bagong Bahay Sa Iloilo

Rabiya Mateo, Niregaluhan Ang Ina Ng Bagong Bahay Sa Iloilo

Niregaluhan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ng bagong bahay ang kanyang ina sa Iloilo. Ito ay talagang napakagandang regalo ngayong bagong taon para kanyang ina. Bukod pa dito ay tuloy-tuloy parin ang pagtulong ni Rabiya sa iba. 

Sa isang panayam sa beauty queen turned actress sa Chika Minute, ibinahagi niya na 200-square meter ang bahay na binili niya para sa kanyang ina. Ayon sa aktres ay maingat daw ito sa pera at hindi siya masyadong mahilig sa mga mamahalin na gamit. 

Aniya, "Deserve niya po eh. Ilang years din siya nag-sakripisyo for me. Ilang years din siya hindi nakabili ng bagong damit kasi iba yung priority niya pero this time, it's time na to give back.

Marami din umanong nagsasabi kay Rabiya na kailangan niyang bumili ng branded na gamit kasi artista na isya pero mas gusto parin niya ang mga simple at mumurahing gamit. Mas gugustuhin din daw niyang i-invest ang kanyang naipong pera para sa negosyo.

Madalas din na nire-remind ng kanyang ina na lagi niyang isipin kung saan siya nagsimula.

"Yung mama ko, palagi niya rin talaga sa'kin nire-remind na 'Anak, alam mo kailangan kung saan ka nagsimula, linungin mo talaga. I can be a helping hand to other people,' dagdag pa ng beauty queen.

Hindi man nasungkit ni Rabiya ang korona para sa Miss Universe 2020 ay sunod-sunod naman ang mga proyektong kanyang natanggap lalo na bilang talent ng GMA Network maliban sa pagmo-modelo.

Marami naman natuwa sa kanya sa regalo niya para sa kanyang ina. Ito ang mga kumentong natanggap niya mula sa mga netizens.

"She is the mos bashed Miss Universe Philippines, but she has the most genuine personality, authentic, humble , with a golden heart."

"Tama yan hindi kailangan na branded mga gamit, sana tularan ka ng mga kabataan."

"Good for you gurlll, congrats sa Mommy mo. Basta galing sa hirap taz my ma abot sobrang Salamat na lalo na galing sa dugot at pawis pinaghirapan."

"Good job talaga si Rabiya. House and Lot for her mom. Hindi man sobrang garbo basta matibay at komportable yun ang importante. More projects for her. Mag ipon ng bongga!"

"A simple Queen with a beautiful heart and kindness you will always be the Ms Universe of the 110 Million Filipinos."

"Good job, Rabiya. Wag ka papadala sa hatak ng commercialism. Maraming artista naghirap dahil sa over lavish lifestyle."


No comments:

Post a Comment

Sponsor