10 Pinakanakakatakot Na Amusement Rides Sa Buong Mundo
10 Pinakanakakatakot Na Amusement Rides Sa Buong Mundo
Thrills, scare, fun and laughter—iyan ay ilan lang sa maaaring ibigay ng mga amusement rides sa mga taong mahihilig sa pisikal na pakiramdam ng matinding excitement at stimulation, na tinatawag ding adrenaline rush. At kung isa ka sa mga taong iyon ay siguradong magugustuhan mo ang paksang tampok ngayon sa ating video!
Kaya huwag na nating patagalin pa, narito na ang TOP 10 of the world’s scariest amusement rides, na siguradong magbibigay sa ’yo ng ideya para sa susunod mong adventure!
1. Kingda Ka
Isang coaster sa Six Flags Great Adventure sa Jackson, New Jersey, United States. Ito ngayon ang pinakamataas at pangalawa sa pinakamabilis na roller coaster sa mundo sa max speed nitong 206 kilometers per hour. Ang upside down U-shaped track na ito ay tila nakabitin sa kalangitan, na 456 feet ang taas! At siyempre aabutin ang ilang napakalakas na pagbilis para mapunta ka sa tuktok nito. Aalis ka sa istasyon mula 0 hanggang 128 miles per hour sa loob ng 3.5 seconds.
Kaya naman kung ikaw ay isang certified adrenaline junkie ay hindi maaaring mawala ito sa iyong listahan. Siguradong dito mo matatagpuan ang hinahanap mong ‘thrill’ sa iyong buhay!
2. Tower of Terror II
Ito ay isang steel shuttle roller coaster na matatagpuan sa Dreamworld amusement park sa Gold Coast, Queensland, Australia. Nang magbukas ang Tower of Terror noong January 23, 1997, ito ang unang roller coaster sa mundo na umabot sa 100 miles per hour o 160 kilometers per hour ang max speed.
Dahilan upang ito ay ituring na pinakamataas at pinakamabilis na roller coaster sa mundo noong panahon nito. Marami na ang nagpatunay na ang pagsakay sa ride na ito ang isa sa mga alaalang hindi nila malilimutan sa tanang buhay nila!
3. Colossus
Ang Colossus ang unang roller coaster sa mundo na may sampung inversion. Ang taas nito ay umaabot sa 98 feet at ang bilis naman ay umaabot ng 72 kilometers per hour. Ang biyahe ay may napakaraming mga loop at flips na maaaring magpaikot ng iyong ulo!
Ang roller coaster na ito ay itinayo noong 2002 at mayroon pa ring pinakamataas na bilang ng mga inversion. Paulit-ulit nitong hinihilo ang mga sakay nito sa iba’t ibang maniobra na pinangalanang double corkscrew, cobra roll at heart line roll. Ang replica nito ay ginawa sa China noong 2006 na tinatawag na 10 Inversion Roller Coaster.
4. Formula Rossa
Ang Formula Rossa ay roller coaster na matatagpuan sa Ferrari World sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Ito ay ginawa ng Intamin at binuksan noong 2010. Ito ang itinuturing na pinakamabilis na roller coaster sa mundo na nagtatampok ng maximum speed na 240 kilometers per hour.
Ang track ay may kabuuang haba na 2,000 metres, bagama’t halos hindi mo ito mararamdaman dahil sa napakabilis na biyahe. Ang mga rider ay kailangang magsuot ng espesyal na salaming pangkaligtasan upang maprotektahan ang kanilang mga mata laban sa mga insekto at iba pang lumilipad na bagay.
5. Super Man
Tinatawag din itong The Ride of Steel, bilang isa sa pinakasikat na roller coaster sa mundo. Hindi ito pinangalanang “Super Man” nang dahil lang sa wala.
Kung susubukan mo ito ay siguraduhin mong ikaw ay handa para sa ilang nakatutuwang bilis na umaabot hanggang 73 miles per hour, sa taas na humigit-kumulang 5,400 feet! Ang kakaibang roller coaster na ito ay nag-aalok ng ilang mabababang pagliko sa ibabaw ng lupa bilang isang serye ng mga nakakataas balahibong kurba na magpapakita sa iyo kung gaano ba talaga kakila-kilabot ang biyaheng ito!
6. Sky Scream Roller Coaster
Matatagpuan sa Holiday Park Germany, ang ride ito ay may maraming flips at inversions. Tinatawag din itong “all rounder ride” dahil naglalaman ito ng maraming kapana-panabik at natatanging elemento kabilang ang multiple launches, isang twisting heartline inversion at pataas o ’di kaya ay mga desciding twists, na talaga namang magpapabilis ng tibok ng iyong puso.
Ang taas ng roller coaster ay 150 feat. Ang mga rider ay makadaranas ng animo lightning spead sa bilis nitong 100 kilometers per hour! Ito ay isa ring ride na siguradong kukumpleto ng iyong pinapangarap na adventure!
7. Takibasha
Ang itinuturing na siyang pinakanakakatakot na coaster. Ang Takabisha ay isang Gerstlauer Euro-Fighter steel roller coaster na matatagpuan sa Fuji-Q Highland theme park sa Fujiyoshida, Yamanashi, Japan.
Ito ay sikat sa pagkakaroon ng drop angle na 121° – na siyang dating pinakamatarik na coaster sa mundo bago ito pinalitan ng TMNT Shellraiser sa American Dream sa New Jersey. Ito ay ipinanganak noong July 2011. Ang taas nito ay umaabot sa 43 metres habang ang maximum speed naman nito ay itinatalang 100 kilometers per hour na animo singbilis din ng kidlat!
8. Big Shot
Ang Big Shot ay isang pneumatically powered tower ride. Ito ang dating pinakamataas na amusement ride sa mundo sa mga tuntunin ng pangkalahatang elevation sa ibabaw ng ground level. Ang 160 feet na toreng ito ay itinayo sa ibabaw ng 921 feet na deck ng Stratosphere sa Las Vegas, Nevada.
Mayroon itong maximum speed of 72 kilometers per hour. Ang drop tower ay gawa sa bakal at nagtatampok ng singular square shaped ride vehicle na umaandar pataas at pababa sa malaking steel tower na may labing anim na sakay bawat cycle.
9. Goliath
Ang Goliath ay isang steel roller coaster na matatagpuan sa Six Flags Magic Mountain amusement park sa Valencia, California. Matatagpuan sa parteng Goliath Plaza ng park na binuksan sa publiko noong February 11, taong 2000.
Tinawag ding “hypercoaster” ang metal beast na ito, at sa loob ng ilang segundo pagkatapos mong sumakay dito ay malalaman mo kung bakit. Sinasabing ito rin ang unang fourth-dimensional ride sa mundo. Ang pagtingin lamang sa maraming patak ng biyahe ay garantisadong magbibigay sa iyo ng goose bumps. Ang taas nito ay 235 feet na may bilis na 137 kilometers per hour!
10. Cannibal
Ang Cannibal ay isang steel roller coaster na matatagpuan sa Lagoon amusement park sa Farmington, Utah. Nagbukas ito nang may pinakamataas na lampas-vertical drop sa mundo noong July 2, 2015, at ang drop angle nito na 116 degrees ang pinakamatarik sa United States noon.
Ipinagmamalaki ng Lagoon na kumakain ito ng iba pang roller coaster sa kanilang mga track. Ang pinakamataas na bilis ng Cannibal ay 70 miles per hour, na maghahatid sa ’yo ng isang kakaba-kabang sandali sa iyong buhay!
Na-excite ka ba sa listahan ng pinakanakakatakot na rides sa mundo? Alin sa mga ito ang nais mong puntahan? Pag-usapan naman natin ’yan sa comment section
No comments:
Post a Comment