Tuesday Vargas, Humihingi ng Panalangin Para sa Kanyang Partner na May Matinding Karamdaman

Tuesday Vargas, Humihingi ng Panalangin Para sa Kanyang Partner na May Matinding Karamdaman

Tuesday Vargas, Humihingi ng Panalangin Para sa Kanyang Partner na May Matinding Karamdaman

Bawat isa sa atin ay may mga problemang pinagdadaanan sa buhay. 

Para naman sa mga hinahangaan nating artista, madalas ay ikinukubli nila ito gamit ang mga kolorete at ngiti sa mukha. Ngunit minsan kahit anong kubli, talagang mababakas pa rin ang tunay na hapdi dahil sa kanilang mga mabigat na personal na problema sa buhay. 

Iyan nga ang nangyari sa singer at komedyanteng si Tuesday Vargas na may matinding pinagdadaanan ngayon dahil sa hinaharap na pagsubok ng kanyang partner.

Kilalanin si Tuesday Vargas:

Nakilala ng publiko si Tuesday bilang isang aktres, komedyante, singer at host. Pinatawa niya ang marami dahil sa kanyang kwelang personalidad at angking talento sa pagpapatawa. Ang pagiging natural na komedyante rin niya ang naging daan upang pasukin ni Tuesday ang mundo ng showbiz.

Ngunit ika nga nila, maging ang mga ‘payaso’ at komedyante ay nalulungkot at umiiyak din. Sa likod nga ng masayahing imahe ni Tuesday ay isang babaeng pinipilit na maging matatag para sa mahal niya sa buhay na humaharap ngayon sa matinding pagsubok sa buhay.

Kilalanin ang partner ni Tuesday na si Joseph Puducay:

Si Joseph Puducay ay ang kasalukuyang partner ni Tuesday. At lingid sa kaalaman ng marami, dalawang taon na siyang may iniindang karamdaman. 

Sa tagal na nga ng kanyang iniindang karamdaman, aminado si Joseph na sobrang nahihirapan na siya sa puntong gusto na niyang mamahinga. Sa katunayan, kinakausap na niya ang kanyang mga doctor tungkol sa palliative care, isang uri ng ‘end-of-life’ care.

Isa rin sa mga iniisip ni Joseph na dahilan upang sumuko na ay dahil naaawa na raw siya sa kanyang mga kapatid na nag-a-ambag-ambag para sa kanyang mga bayarin, sa kanyang ina na nasasaktan para sa kanya, at lalong-lalo na kay Tuesday dahil sa pag-aalaga at pananatili nito sa kanyang tabi. Hindi raw ‘deserve’ ni Tuesday na mahirapan. 

Kahit na ganun pa man, todo suporta at pag-aalaga naman sa kanya si Tuesday. Isa nga si Tuesday sa mga nagpapalakas ngayon sa kanyang loob para piliin niyang lumaban at mabuhay.

Liham Para sa Panginoon:

Matatandaang ibinahagi naman ni Tuesday sa kanyang Facebook account ang isang short video nila nitong nagdaang pasko matapos na maoperahan si Joseph. Maraming netizens naantig dito at hiling nga nila ay gumaling na si Joseph. Kasama naman ng video ay ang liham ni Joseph para sa Panginoon. 

Nakasaad sa liham na kahit mahirap ang kanyang mga pinagdadaanan, sa puso niya ay nagpapasalamat pa rin siya. Sinabi rin ni Joseph  ipinagpapasa-diyos na lamang niya ang kanyang karamdaman.    

Aniya sa dulo ng kanyang liham para sa Panginoon, “And today Christmas day, I surrender myself to you. Hold me in your power Lord and heal me. I still have a long way to go but with you in my life and all the other good things going for me, I know I will come out of this victorious.”

“Your son, Joseph,” aniya.

Nagpapakatatag para kay Joseph:

Samantala, talagang pinipilit ni Tuesday na magpakatatag at iniiwasan niyang ipakita sa harap ni Joseph na mahina siya.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan, inamin ni Tuesday na nalulungkot siya dahil sa sitwasyon ngayon ni Joseph. Hindi raw niya alam kung paano pasasayahin at papalakasin ang loob ni Joseph sa gitna ng pinagdadaanan nito ngayon. 

Kaya naman lubusan siyang nananalangin sa Panginoon na malampasan at makayanan nila ang pagsubok na ito sa kanilang buhay. 

Ani Tuesday, “Ang daming struggles, ang daming hurdles. I prayed on strength and guidance on dealing properly handling this.”

Maraming netizens nga ang naantig sa kwento ng pakikipaglaban ni Joseph sa kanyang karamdaman ngayon.

Dalangin nila na malampasan nila ni Tuesday ang pagsubok na ito sa kanilang buhay at relasyon.


No comments:

Post a Comment

Sponsor