Mag-ina na si Nora Aunor at Matet de Leon, Nagkapatawaran Na

Mag-ina na si Nora Aunor at Matet de Leon, Nagkapatawaran Na

Mag-ina na si Nora Aunor at Matet de Leon, Nagkapatawaran Na

Masayang ibinahagi nina Matet de Leon sa kanyang social media na nagkabati na sila ng kanyang ina na si Nora Aunor. Sa live video ni Matet sa kanyang Youtube channel, kinumpirma niya na nagkaayos na sila ng kanyang ina kasama ang kanyang mister na si Mickey Estrada.

Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang relasyon nilang dalawa matapos na makipag-kumpitensya di'umano si Nora sa negosyo ni Matet na gourmet tuyo at tinapa. 

Aniya, "Honor Thy Father And Mother. How? How can you do that now? Ay, Ampon pala ako." Ang naturang post ay binura na ni Matet sa kanyang Instagram.

May mga nagsabi din daw kay Matet na dapat ay maging reseller na lamang siya ng business ng kanyang ina pero ipinaliwanag niya na pinaghirapan nilang mag-asawa na i-develop ang kanyang sariling produkto.

Alam din daw ng kanyang ina na may ganitong negosyo na sina Matet kaya nabigla na lamang siya ng maglabas ng kaparehong produkto si Nora. Dahil doon ay ibinahagi ni Matet ang isang Instagram story na 'Bakit kaya tuwing December, inaaway kami ng nanay namin. hahaha. 2 years ago kuya ko naman. Bakit kaya tuwing December?'

Samantala, nagkita ang mag-ina sa kaarawan ng companion ni Nora na si John Rendez. Pinadalhan daw ni Nora ng mensahe si Matet para imbitahin sa birthday ni John kaya nagkausap silang dalawa at nagkaunawaan na. Aminado naman si Matet na mali siya nang sinabi niyang hindi na niya kailanman kakausapin si Nora pero hindi pala niya ito kaya.

"Nag-chat sa akin si Mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami na sana kasi bagong taon, kalimutan na natin yung mga nangyari nitong nakaraan."

Noong nakaraang Pasko ay papadalhan sana ni Matet ang kanyang ina ng mensahe na maayos na pero naunang nag-message si Nora sa kanya.

Marami naman netizens ang nagsabi na gimik lamang nilang dalawa ito kaya dinipensahan niya ang sarili laban sa kanila.

"Maaaring sabihin ng tao na gumimik lang kami ni Mommy, definitely not true."

"Lahat ng mga tao na nakatrabaho ko at naging kaibigan ko at kakilala ko, alam na alam nila na hinding-hindi ko gagawin yan."

Aminado din si Matet na muntik na siyang masiraan ng bait dahil sa mga pinagsasabi ng mga bashers laban sa kanya at sa ina. Pero natutunan niyang wag na lamang pansinin ang mga sinasabi ng ibang tao laban sa kanya at sa ina.

Normal lamang daw sa pamilya ang magkatampuhan at ang mahalaga ay masaya, nagka-usap at nagpatawaran na silang mag-ina.


No comments:

Post a Comment

Sponsor