Anak Ni Small Laude, Nakapasa Sa Mamahaling Eskwelahan Sa Amerika; 3.3 Milyon Ang Tuition Fee
Anak Ni Small Laude, Nakapasa Sa Mamahaling Eskwelahan Sa Amerika; 3.3 Milyon Ang Tuition Fee
Masayang-masaya ang vlogger na si Small Laude dahil natanggap ang kanyang bunsong anak na si Allison sa kanyang dream school sa Amerika. Sa social media ni Small, ibinahagi niya ang dalawang video na kung saan ay tinignan nila ang resulta ng application ng kanyang sa susyal na eskwelahan na ito na may caption na,
"Congratulations Allison! So proud of you! Despite the fact that mom wanted you to stay. Time flies so fast I can’t believe you’re going to college. Chinadoll got into her first choice of school for college!"
Ang ilang celebrities tulad nina Cristina Gonzalez Romualdez, Karen Davilla, Dawn Zulueta, Pops Fernandez ay nagpahayag ng kanilang pagbati sa anak ni Small.
Ayon naman sa mga netizens ay mahirap daw umano matanggap sa eskwelahan na ito.
"Wow! Claremont McKenna is a highly rated school here in the US with less than 10% acceptance rate..that school is hard to get into. Beauty and brain Aton #9 rank best university/college! Congrats."
"CMC is ranked #6 out of 2241. Schools in America for overall quality on College Factual’s 2023 Best College List. Congrats !!!!!"
May mga netizens din na nagulat kung gaano kamahal ang tuition fee sa Claremont McKenna College. Base sa website ng CMC, ang cost ng tuition fee sa eskwelahan na ito ay depende sa room assignment at piniling meal plan ng estudyante.
Ang tuition fee ay nagkakahalaga ng $30,240 kada semester o kung ico-convert mo sa Philippine peso ay 1,689,629.76. May dalawang semester ang Claremont kaya naman aabot sa $3,379,259.52 ang babayaran para sa buong taon.
Ang Claremont McKenna College, isa sa mga nangungunang liberal arts college sa bansa. Mula noong 1946, ang misyon ng Claremont McKenna College ay ihanda ang mga mag-aaral para sa maalalahanin at produktibong buhay at responsableng pamumuno sa negosyo, gobyerno, at mga propesyon.
Si Marissa Eduardo o kilala natin sa pangalang Small Laude ay ikinasal kay Philip Laude na nakilala rin bilang isang milyonaryong negosyante. Sila ay biniyayaan ng apat na anak. Una si PJ laude bilang panganay, sumunod naman si Timothy, Michael at ang kanilang nag-iisang anak na babae na si Allison Laude. At syempre bukod sa anak ay nabiyayaan din sila ng nakakalulang yaman na talagang nagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga taga hanga at taga subaybay.
Dahil sa pagiging kwela ni Small ay nakilala siya sa Youtube at marami na din siyang sikat na celebrities na naka-collab. Hinahangaan din siya dahil sa pagiging mabait niya sa kanilang mga kasambahay na itinuturing na rin niyang kanyang pamilya.
No comments:
Post a Comment