Kim Chiu, naaksidente sa Switzerland habang nag-skii
Kim Chiu, naaksidente sa Switzerland habang nag-skii
Ang holiday season ay panahon din para sa mga hinahangaan nating artista na magpahinga at mag-travel. Talagang sinusulit nila ang panahon na makapagbakasyon, mag-isa man o kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.
Isa nga si ‘Chinita Princess’ at “It’s Showtime” host na si Kim Chiu sa mga umalis ng bansa para sulitin ang kanyang much-needed vacation.
Nagtungo si Kim at ang kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim sa Europe kung saan pinuntahan nila ang ilang sikat na travel destinations sa Paris, France at Switzerland.
Natutong mag-cross country skiing sa Switzerland:
Masaya namang ipinasilip ni Kim sa kanyang Instagram account ang ilang highlights ng bakasyon nila ni Xian.
Kabilang na nga rito ang pagsabak niya sa cross country skiing.
Winter season ngayon sa Europe kaya naman sikat na sikat doon ang pagsi-ski.
Proud ngang ibinahagi ni Kim sa kanyang followers ang panibagong natutunan niyang gawin na walang iba kundi ang cross country skiing.
Sa ipinost na video ni Kim sa Instagram, mapapanood siyang masayang-masayang nagsi-ski sa isang ski resort sa Switzerland.
Naaksidente habang nagsi-ski:
Samantala, marami ang nabahala matapos makita sa huling bahagi ng video ni Kim na nasugatan ang kanyang mukha.
Ipinakita nga ni Kim ang sugat at gasgas na kanyang natamo habang nag-aaral mag-ski.
Hindi maikakaila na masakit ang mga gasgas at sugat na natamo ni Kim mula sa pagkakadapa at pagkakatumba habang nagsi-ski.
Gayunpaman, nanatiling positibo si Kim sa kabila ng paulit-ulit niyang pagkakadapa habang nagsi-ski.
Sa katunayan, ini-relate pa ni Kim sa isang mahalagang aral sa buhay ang aksidenteng nangyari sa kanya sa Switzerland.
Natutunan nga ni Kim na tulad ng pagsi-ski ay hindi natin maiiwasan na madapa sa buhay.
Ang importante umano na sa bawat pagkakadapa natin ay matuto tayong tumayo at magpatuloy sa buhay.
Ang bawat sugat na ating natatamo ay siya ring magpapatapang sa atin.
Ani Kim, “Learned something new before the year ends! first time to learn cross country skiing medyo mahirap sha balance and all but super fun. Masakit lang pag nahuhulog, may sugat pero ganun talaga pag nadadapa tayo kailangan natin tumayo kaagad, life goes on and time won’t wait for you.”
Dagdag niya, “‘Yung mga sugat yan yung mga magpapatapang sa atin along the way. Sa buhay pagnadadapa tayo kailangan lang natin tumayo agad and wag mawawalan ng pag asa, wala namang madali sa buhay, lahat pinaghihirapan pag nagawa mo na, dun mo maappreciate yung pinag hirapan mo and masasabi mo ‘ang saya pala, buti di ako sumuko’ Ang dami kong ebas!!! Nag ski lang naman ako!!! Hihihi Another [check emoji] on my #KIMadvenCHIUre list.yahoo!”
Totoong hindi ka lang mag-e-enjoy habang nagbabakasyon kundi marami ka ring matututunang aral sa buhay na madadala mo sa iyong pag-uwi.
Ikaw, anong natutunan mo mula sa iyong bakasyon?
No comments:
Post a Comment