Dahilan Ng Biglang Pagpayat Ni Glydel Mercado

Dahilan Ng Biglang Pagpayat Ni Glydel Mercado

Dahilan Ng Biglang Pagpayat Ni Glydel Mercado

Maraming Pinoy ang naniniwala sa kulam at isa na nga rito ang award-winning actress na si Glydel Mercado.

Batikang aktres-kontrabida:

Si Glydel o Flordeliza Sanchez sa tunay na buhay ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang batikang aktres at kontrabida.

Una siyang sumikat noong dekada 90 matapos lumabas sa iba't ibang pelikula gaya ng "Alyas Baby Chino" noong 1998, "Anak ng Yakuza" noong 1997, at "Ambisyosa" kung saan nakapares niya ang mister niya ngayong si Tonton Gutierrez.

Bukod naman sa kanyang husay sa pag-arte, sumikat din si Glydel dahil sa kanyang natural na kagandahan at kaseksihan.

Kaya naman binansagan sila ni Tonton bilang power couple sa showbiz dahil bukod sa pareho silang magaling na artista, pareho rin silang maganda at gwapo.

Biglaang pagpayat:

Pero noong nakaraang taon lang, marami ang nakapansin sa biglaang pagbabago ng itsura ni Glyde. Marami ang nag-aalala sa biglaang pagbaba ng timbang ni Glydel.

Hanggang kamakailan lang ay ibinunyag nga ni Glydel ang dahilan kung bakit sobrang payat niya nitong mga nakalipas na buwan. 

Sa presscon ng bagong pelikula niyang “That Boy In The Dark”, ikwenento ni Glydel ang matinding pinagdaanan niya patungkol sa kanyang kalusugan.

Pagbubunyag ni Glydel, kaya bumagsak nang todo ang kanyang katawan dahil hindi raw siya nakakakain nang maayos nitong mga nakaraang buwan pagkatapos niyang biglang mawalan ng ganang kumain.

Hindi maipaliwanag na kondisyon:

Kumunsulta naman agad daw sila ni Tonton sa mga espesyalista upang malaman kung may iniinda siyang sakit o kung mayroon ba siyang problema sa kalusugan.

Ngunit labis nilang ipinagtaka nang sabihin sa kanila ng doktor na maayos naman daw ang naging resulta ng kanyang medical test.

Ayon kay Glydel, imposibleng walang mali sa kanya dahil umabot na siya sa puntong nakakaranas na siya ng palpitations, anxiety attack, at takot sa mga pagkain.

Ibinahagi naman ni Glydel na bumaba ng 90 pounds o 40 kilos ang kanyang timbang dahil sa patuloy na kawalan ng gana niya sa pagkain.

Batid nga niyang may kakaiba sa kanyang katawan.

Pinakulam ng kamag-anak:

Pero dahil sa tila hindi maipaliwanag ng siyensya o mga doktor ang kondisyon niya, kaya nagpasya raw sila ni Tonton na magpatingin sa isang albularyo o faith healer.

Inamin ni Glydel na naniniwala siya sa ‘tawas’ o pagpapatingin sa albularyo.

Matapos  nga siyang tingnan ng albularyo, sinabi raw nito na mayroong dalawang tao na 'di umano’y rason ng kanyang paghihirap. 

Isa raw sa kanila ang kanyang kamag-anak na posibleng nagpakulam sa kanya.

Ang kutob naman ni Glydel na ang tinutukoy ng albularyo ay ang kamag-anak niyang hindi niya natulungan. 

Pahayag ni Glydel, “After taping for the series ‘Ärtikulo/247’ noong January, nagkaroon ako ng palpitation, anxiety attacks at fear of food. Kapag sinasabing kakain na nanginginig na ako tapos umiiyak ako habang kumakain…In May after ma-confine, pagkagising palpitate agad ako. So nagpatawas agad ako. Sila ang lumabas at dalawa sila.”

Gustong kunin ang kanyang buhay:

Ibinunyag ni Glydel na gustong kunin ng kanyang kamag-anak ang kanyang buhay.

Ngunit nilabanan daw ito ng kanyang albularyo.

Hanggang pagkatapos daw ng maraming sessions niya sa albularyo, nabalitaan na lamang niyang puman@w na ang pinaghihinalaan nilang nagpakulam sa kanya.

Ani Glydel, “Every Tuesday and Friday ang session naming noon so naka-red ako. May pangontra ako sa bulsa. Ganun’ pa rin nanginginig ako. Then parang nakausap ng albularyo ko at ang gusto nila buhay ko ang kapalit,” ani ni Glydel.  

Dagdag pa niya “Seven Fridays and Seven Tuesdays yun, noong last Friday ko, tapos na lahat ang rituals, nagulat ako noong November namat@y siya.”

Inamin naman ni Glydel na hindi niya gustong kunin ang buhay ng kanyang kamag-anak. Katunayan, ipinagdasal pa rin niya ito sa kabila ng ginawa nito sa kanya.

Aniya, “Ipinagdasal ko pa rin siya dahil kamag-anak ko siya. Ang ginawa kasi ng albularyo ko, ibinalik sa kanila. Sabi ko naman noon ayokong ibalik, gusto ko lang gumaling. Eh, nagalit ‘yung albularyo ko kasi lumalaban daw. Gusto nila talaga akong mamatay. After that, bigla na lang akong ginanahan kumain.”

‘Healed’ na ngayon:

Masaya namang ibinahagi ni Glydel na simula noong Nobyembre ay magaling na siya. 

Gayunpaman, aminado si Glydel na hindi siya makapaniwala na nagawa siyang ipakulam ng kanyang kamag-anak lalo pa’t ilang beses niya itong tinulungan.

Ani Glydel, “Oh my God! Buong buhay ko tinulungan ko sila tapos ganu’n lang ang gusto nilang gawin sa akin? Hindi talaga ako makapaniwala nu’ng una na sila yun.”

Dagdag pa ni Glydel, “Noong buhay pa ang daddy ko, tinulungan sila noon, mga 12 years old pa lang ako noon. Tapos noong namatay ang daddy ko, iniwan nila kami. Bumalik sila noong artista na ako kasi siguro alam nila may pera na ako.”

Kung totoo nga ang ‘kulam’, isang halimbawa lamang ang  nangyari kay Glydel na talagang madalas kung sino pa ang kadugo o kapamilya natin, sila pa ang titira sa atin ng patalikod.


No comments:

Post a Comment

Sponsor