Sharon Cuneta, Ipinasilip Ang Mamahaling Regalo Para Sa Mga Anak

Sharon Cuneta, Ipinasilip Ang Mamahaling Regalo Para Sa Mga Anak

Sharon Cuneta, Ipinasilip Ang Mamahaling Regalo Para Sa Mga Anak

Walang paglagyan ang tuwa ni ‘Megastar’ Sharon Cuneta na makitang kumpleto ang kanyang mga anak sa Araw ng Pasko.

Isa sa pinakamasayang araw ng taon ay ang Pasko. Ito ang panahon kung kailan ang buong pamilya ay nagsasama-sama upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus. 

Maliban dito, inaabangan din ng maraming Pinoy ang pagdiriwang ng Noche Buena at syempre ang pagbibigay ng mga regalo.

Mga regalo ni Sharon para sa kanyang mga anak:

Speaking of 'regalo’, isa sa naging highlight sa pagdiriwang ng Pasko ni Sharon ay ang pagbibigay niya ng mga regalo sa kanyang mga anak. 

Kilala naman ng marami si Sharon bilang isang mapagbigay na tao kaya naman inaasahang magiging marangya ang regalo niya para sa kanyang mga anak na sina KC Concepcion, Frankie, Kiel, at Miguel. 

Sa kanyang Instagram account, pinasilip nga ni Sharon ang kanilang masayang pagbibigay ng regalo noong Pasko.

Siniguro ni Sharon na bukod sa matutuwa ang kanyang mga anak ay talagang magagamit din ng mga ito ang kanyang regalo.

Gaya ng regalo niya sa panganay niyang anak na si KC na isang smart oven at airfryer. Ito ay mula sa mamahaling brand na Breville kung saan nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang P27,000. 

Niregaluhan din ni Sharon ang kanyang mga anak ng pinakabagong model ng Dyson Airwrap multi-styler, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P30,000. 

Ayon kay Sharon, naging tradisyon na nila ng kanyang pamilya ang pagbibigay at pagbubukas ng mga regalo tuwing Pasko. Feeling ‘blessed’ nga si Sharon dahil sa dami ng natatanggap nilang regalo kada taon.

Aniya, “Gift-giving and opening - our yearly tradition after Noche Buena! Family gifts only. The other gifts we receive we open slowly over the rest of the season! Blessed to always get so many.”

Humble family:

Samantala, marami ang natuwa sa mga regalong ibinigay ni Sharon para sa kanyang mga anak.

Bagama't mas mura ito kumpara sa ibang regalo mula sa ibang luxury brand gaya ng Louis Vuitton, Hermes, Chanel at marami pang iba, ramdam ang pagmamahal at 'thoughtfulness' ni Sharon sa pagpili ng mga regalo para sa kanyang mga anak.

Hinangaan din ng netizens ang pagpapakumbaba ng mga anak ni Sharon dahil talagang 'genuine' ang kanilang kaligayahan nang matanggap nila ang regalo ni Sharon.

Kumento ng mga netizen:

“I was expecting all luxury gifts. Such a humble family.”

“I was expecting Hermes bags or LV or even iPhone 14 pero mga necessities.”

“What humble kids you have raised there @reallysharoncuneta! They’re genuinely happy with the simple yet very useful presents they received. So much joy and love all around!

“Bakit feeling ko ako rin ang nakatanggap ng mga gifts? I guess it’s knowing that my favorite Megastar and my favorite public servant and their family are genuinely happy.”

Talaga namang hindi sukatan ang presyo ng isang regalo para masabing ito ay mamahalin at maganda. Ang mahalaga ay maingat nating pinili at may halong pagmamahal ang ireregalo natin.

Ikaw, anong regalo mo sa iyong mahal sa buhay noong nakaraang Pasko?


No comments:

Post a Comment

Sponsor