Hiling ni Deniece Na Ibalik Si Vhong Sa Kulungan, Ibinasura Ng Korte

Hiling ni Deniece Na Ibalik Si Vhong Sa Kulungan, Ibinasura Ng Korte

Hiling ni Deniece Na Ibalik Si Vhong Sa Kulungan, Ibinasura Ng Korte

Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang apela ni Deniece Cornejo na i-reconsider at bawiin ang nauna nitong pasya na payagang makapag-piyansa ang It's Showtime host na si Vhong Navarro na dahilan ng pansamantala niyang paglaya. 

Dalawang buwan nanatili ang aktor sa National Bureau of Investigation o NBI bago inilipat sa Taguig City Jail. Noong nakaraang Disyembre ay napagbigyan makapag-piyansa si Vhong kaya nakapiling at nakasama niya ang kanyang pamilya noong kapaskuhan.

"Napakarami kong pinagpapasalamat. Thank you, Jesus! Happy Birthday! Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin. Maraming maraming salamat. God bless!"

"Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan."

Sa tatlong pahina desisyong inilabas ni Judge Loralie Datahan, sinabing ibinasura ang mosyon ng modelong si Deniece laban sa aktor dahil sa kawalan nito ng merito.

"In this case, there is no conformity from the public prosecutor. This circumstance was not denied by the private respondent. Private respondent merely claimed that the Office of the Prosecutor did not object to the filing of the Motion to Reconsider."

Dahil sa balitang ito ay may pahiwatig ang matalik na kaibigan ni Vhong at co-host niya sa It's Showtime na si Vice Ganda sa napipintong pagbabalik ng kasamahan nila sa noontime show. Walang binanggit si Vice kung sino ito pero kutob ng mga netizens ay si Vhong ang magbabalik sa lunes. 

Dahil sa balitang ito ay maraming na-excite at hindi na makapag-hintay sa muling pagbabalik ng aktor sa noontime show.

Aniya, "May kausap nga ako kaninang madaling araw eh. Sabi ko sa kanya, 'bitbitin mo yang excitement mo. Sa sobra na mabibigat ng pinagdaanan mo last year, ang pinakamaganda namang kasama niyan ay sinamahan kita, kinampihan kita at pinawalaan ka ng madlang pipol kaya bitbitin yang excitement mo pagbalik mo sa lunes."

Kung ating babalikan, ito ay isang kontrobersyal na kaso taong 2014. Sa kabilang banda, kinasuhan naman ng Taguig City Metropolitan Trial Court Branch 74 o METC ang businessman na is Cedrick Lee, Deniece Cornejo at ang mga iba nilang kasamahan dahil sa umano'y pagbugbog at pagpumilit kay Vhong na aminin ang krimen.

Samantala, dahil sa pagbasura ng apela ni Deniece, ibinahagi niya ang isang post niya sa Facebook na, "It’s hard to beat a person who never gives up, when you deny the truth, one day the truth will introduce itself. Women’s rights are human rights. Don’t take it away from the LAST victim because God sees."


No comments:

Post a Comment

Sponsor