Kilalanin si Mary Joy Santiago ang TikToker na itinuturong third party sa hiwalayan ng McLisse

Kilalanin si Mary Joy Santiago ang TikToker na itinuturong third party sa hiwalayan ng McLisse

Kilalanin si Mary Joy Santiago ang TikToker na itinuturong third party sa hiwalayan ng McLisse

Unang linggo pa lang ng taong 2023 ay kaliwa’t kanang isyu at kontrobersiya na agad ang bumungad sa mga netizen sa social media. 

Buena mano ngayong taon ang hiwalayan ng magkasintahang Elisse Joson at McCoy De Leon, na mainit na pinag-uusapan simula pa noong Bagong Taon.

At syempre, sa bawat hiwalayan ay hindi mawawala ang isyu kung may third party bang sangkot at kung sino ito. Sa hiwalayan nga ng McLisse, isang  bagong pangalan ang naging maugong. Ito ay walang iba kundi si Mary Joy Santiago.

Kilalanin si Mary Joy Santiago:

Bago pa man makaladkad ang kanyang pangalan sa kontrobersyal na hiwalayan ng McLisse, kilala na ng marami si Mary Joy, lalo na ng mga netizen na laging babad sa sikat na social media platform na TikTok.

Siya ay sikat ngang TikTok influencer o ‘TikToker’. Kung titingnan ang kanyang TikTok account, mayroon na itong mahigit 1 million followers.  At ang kanyang TikTok videos? Mayroon lang namang halos 9 million likes!

Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming sumusubaybay kay Mary sa social media. Sa kanyang maliit na mukha, singkit na mga mata, matangos na ilong, seksing katawan, at galing sa pagsasayaw, hindi siya ganoon kahirap mapansin at magustuhan. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kanya, lalo na ang mga lalaki sa social media!

Rising Actress ng Viva Artists Agency:

At ngayon kasabay ng pagiging matunog ng kanyang pangalan, isang panibagong mundo ang pinasok ni Mary Joy. Ito ay walang iba kundi ang mundo ng showbiz. 

Ngayong taon, isa nang certified Viva Artist si Mary Joy matapos siyang pumirma ng kontrata sa talent management arm ng Viva Entertainment na Viva Artists Agency (VAA).

Nitong Enero 5 lamang, inanunsyo ni Mary Joy sa kanyang Facebook account ang pagpirma niya ng kontrata sa VAA.

Nag-post din si Mary Joy ng ilang larawan kuha mula sa contract signing niya sa VAA. Isa na rito ang larawan niya kasama ang ‘big boss’ ng VAA na Vic del Rosario Jr.

Aniya sa caption, “Contract signing Viva Artist. Thank you po Ms. Rhina and Jerico Montemayor”

Posibleng magkasama sa isang proyekto:

Samantala, kasunod ng pagpirma ni Mary Joy sa VAA ay muling inungkat ng netizens ang isyu na ‘di umano ay siya ang dahilan ng hiwalayan nina Elisse at McCoy.

Ayon pa sa ilang netizens, tiyak na magiging malapit pa sa isa’t isa ang dalawa lalo na at pareho silang alaga ng VAA.

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, ang VAA ang humahawak sa ilang makinang na artista sa showbiz gaya nina Anne Curtis, Nadine Lustre, Julia Barretto, Sarah Geronimo, Yassi Pressman, at McCoy!

Kaya, malaki ang posibilidad na magsama ang dalawa sa isang proyekto sa hinaharap.

Walang third party:

Samantala, nauna nang itinanggi ni McCoy ang espekulasyon na may third party sa hiwalayan nila ni Elisse.

Pinabulaanan din niyang siya ang lalaking kausap ng isang ‘Mary Joy’ sa mga kumalat kamakailan na screen grab ng chat messages.

Ani McCoy, “Sorry po pasensya na po sa inyong lahat. Hindi po totoo ‘yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit. Wala po involve na ibang tao and pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo…”

Reaksyon sa mga basher niya:

Sa isa namang Instagram story ay binasag ni Mary Joy ang kanyang katahimikan hinggil sa iyu.

Sinupalpal din niya ang mga nagsasalita ng masama tungkol sa kanya. Matatandaang sa kainitan ng isyu, kaliwa’t kanang masasakit na salita o hate comment ang ibinato ng netizens sa kanya.

Giit ni Mary Joy, wala siyang balak na patulan ang mga paninira tungkol sa kanya na wala naman daw basehan at katotohanan.

Aniya, “Instead of making assumptions about me and what I do, how about you just ask. So quick to believe things about a person without even knowing them or even simply having a conversation with them. You guys are on some childish type of sh*t and I’m not here for it.

Sa ngayon ay inaabangan ng maraming netizens ang magiging karera ni Mary Joy bilang isang aktres sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.


No comments:

Post a Comment

Sponsor