Reaksyon Ni Jasmine at Anne Curtis Sa Boyfriend Na Kanilang Ina

Reaksyon Ni Jasmine at Anne Curtis Sa Boyfriend Na Kanilang Ina

Reaksyon Ni Jasmine at Anne Curtis Sa Boyfriend Na Kanilang Ina

Sa teleserye man o sa totoong buhay, talagang walang kinikilalang edad ang pag-ibig. Patunay nito ang pagmamahalan ng ina ni Anne Curtis na si Carmen Ojales at ng bagong jowa nito.

Isang TikToker:

Sa edad na 60, puno pa rin ng sigla si Carmen, ang ina ng mga aktres na sina Anne at Jasmine Curtis-Smith. Hindi nga naging hadlang ang kanyang edad para siya ay makisabay sa uso at sa mga bagets sa social media.

At ngayon, isa siya sa pinakasikat at sinusubaybayan na celebrity mom sa sikat na social media platform na TikTok.

Mula sa mga dance challenge trend hanggang sa mga lip sync challenge sa TikTok, game na game si Carmen.

Pero bukod sa kanyang dance at lip sync videos, kinagigiliwan din siya ngayon ng maraming netizens dahil sa mga nakakakilig na TikTok videos nila ng kanyang jowa.

Kilalanin ang jowa ni Carmen:

Kamakailan, opisyal na ipinakilala ni Carmen sa publiko ang kanyang jowa na si Jayde.

Walang masyadong detalye tungkol kay Jayde. Pero base sa hashtags na nilagay ni Carmen sa bawat video nila, malalaman na isang OFW si Jayde at kasalukuyang naka-base sa Dubai.

Kaya kabilang sila sa mga magkasintahan na 'LDR' o nasa Long Distance Relationships.

Kung ilalarawan naman ni Carmen ang relasyon nila ni Jayde, May-December affair ito dahil sa agwat ng edad nila.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Carmen ay nasa 60s na habang si Jayde ay nasa kanyang 40s naman.

'Kiber' sa mga basher:

Dahil nga sa laki ng agwat ng kanilang mga edad, kaya madalas nakakatanggap ng mga batikos sina Carmen at Jayde mula sa netizens.

Gayunpaman, walang pakialam o 'kiber' sa mga basher ng kanilang relasyon ang dalawa.

At lagi ngang sinasabi ni Carmen sa kanyang videos na "just love, no hate".

Aniya, "Just Love no hate be happy for us bocz there is no exact definite reason for love, Its just LOVE is LOVE…Love is love there is no age, gender, limits, boundaries, nor a perfect timing is just happen called love magic."

Reaksyon ni Anne at Jasmine sa bagong jowa niya:

Samantala, masaya si Carmen dahil tanggap ng kanyang mga anak si Jayde.

Katunayan, nang pumunta si Jayde sa Australia ay naka-bonding nito ang kanyang mga anak.

Ang pagkikita nga nina Jade at Jasmine ay ibinahagi pa ni Carmen sa kanyang TikTok account.

Caption niya sa video, "At long last they met my Antarcticaman. Thank you Jas, Jeff, & Thom."

At tulad ni Jasmine, masaya rin si Anne sa buhay pag-ibig ni Carmen.

Maging ang anak nga ni Anne na si Dahlia ay nakilala na rin ang nagpapatibok ngayon sa puso ng kanyang Lola Carmen.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ni Jayde, makikita na nakikipagbiruan pa siya kay Dahlia noong makausap nila ito sa pamamagitan ng isang video call.

Lingid naman sa kaalaman ng lahat na 16 taong gulang pa lamang si Anne nang maghiwalay si Carmen at ang Australyano niyang ama na si James Ernest Curtis-Smith 

Maswerte naman si Anne dahil kahit naghiwalay ang kanyang mga magulang ay nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Sa ngayon, naka-base na si Carmen sa Australia.

Tunay na tulad ng isang magulang, walang ibang nais ang isang anak kundi ang makitang masaya ang kanyang magulang.


No comments:

Post a Comment

Sponsor