Pelikula nina Toni Gonzaga at Joey de Leon, nilangaw nga ba?

Pelikula nina Toni Gonzaga at Joey de Leon, nilangaw nga ba?

Pelikula nina Toni Gonzaga at Joey de Leon, nilangaw nga ba?

Tatlong taon mula nang magsimula ang pandemya, sa wakas ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ng movie industry sa bansa.

Bukod naman sa foreign movies, buena mano ngang ipinalabas sa mga sinehan nito lamang buwan ng Disyembre 25 ang walong (8) official entries ng nagbabalik ding Metro Manila Film Festival.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na noong 2019 pa huling umarangkada ang MMFF sa mga sinehan.

Ngayong taon ay isa naman ang pelikula nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na "My Teacher" sa mga MMFF entry na inaasahang pipilahan sa mga sinehan.

Umani ng positive reviews:

Bago pa opisyal na ipinalabas ang pelikula nina Toni at Joey ay umani na agad ito ng positive reviews.

Tiwalang-tiwala rin ang marami kabilang na ang ilang sikat na personalidad tulad ni Mariel Rodriguez-Padilla na papatok sa takilya ang pelikula dahil sa ganda umano ng kwento at cast nito na pinangungunahan  nga nina Toni at Joey.

Sa isang Instagram post, sinabi pa ni Mariel na 'best actress' at 'best actor' ng MMFF sina Toni at Joey dahil umano sa galing ng pagganap ng dalawa sa pelikula.

‘Nilangaw’ at ‘Flop’ sa sinehan: 

Ngunit sa kasamaang palad, hindi nga nagkatotoo ang hula ni Mariel.

Paano ba naman kasi, 'nilangaw' at 'flop' umano sa sinehan ang pelikula!

Ayon pa sa mga moviegoer, hindi pinilahan ang pelikula nina Toni at Joey kumpara sa mga katunggali nito tulad ng pelikula nina Vice Ganda at Ivana Alawi na "Partners in Crime", "Deleter" ni Nadine Lustre, at "Nanahimik ang Gabi" nina Heaven Peralejo at Ian Veneracion.

Expectation vs. Reality:

Malayong-malayo nga raw sa 'expectation' ng marami ang naging performance ng pelikula sa mga sinehan.

Ayon naman sa ilang ulat, mahina ang kita ng pelikula sa puntong pinull-out na ito sa ilang sinehan at pinalitan ng mas patok na pelikula.

Bukod dito, lumutang din ang mga balita na  hindi pa nakakabawi ang producers ng pelikula mula sa kanilang ginastos.

‘Olats’ sa MMFF ‘Gabi ng Parangal’:

Maging sa Gabi ng Parangal na ginanap noong Disyembre 27 ay 'olats' din ang pelikula nina Toni at Joey.

Isa lang ang nakuha nitong award at ito ay "Gender Sensitivity" award.

Bigo ring makuha nina Toni at Joey ang 'best actress' at 'best actor' award.

Itinanghal bilang ‘Best Actress’ si Nadine Lustre habang ‘Best Actor’ naman si Ian Veneracion.

Netizens hinanap ang followers ni Toni:

Samantala, matapos namang langawin ang pelikula ay hinanap ng netizens ang milyon-milyong followers ni Toni.

Tanong pa ng maraming netizens, ‘nasaan sila’?

Kumento ng ilang netizens:

“The most powerful celebrity flop! Toni Gonzaga!"

"Nag unity ang 31M na di manood ng movie ni toni g."

"hahaha asan na yung 31 minions  hahwhw"

"31m. Wer na you. Eh ang totoo wlang 31m.d nla kyang dayain ang totoo na bmili ng ticket pra manood."

Toni nanatiling ‘unbothered’:

Sa kabila naman ng kaliwat kanang batikos na natatanggap niya sa social media ay nananatiling tahimik ang panig ni Toni.

At hanggang ngayon ay wala pa rin siyang inilalabas na pahayag o komento hinggil sa isyung nilangaw ang kanilang pelikula sa sinehan.

Tulad nga ng mga kontrobersiya na kinasangkutan niya noong nakaraang taon, tila paninindigan pa rin ni Toni ngayong 2023 ang pagiging ‘unbothered queen’ niya o iyong walang pakialam sa mga bumabatikos sa kanya.

Nakatakdang matatapos ang MMFF 2022 ngayong Sabado, Enero 7.

Kasunod nito, inaasahang ilalabas ng pamunuan ng MMFF ang listahan ng mga kinita ng walong pelikula sa sinehan.

Dito nga malalaman kung anu-anong mga pelikula ang bumenta—at nilangaw sa sinehan.


No comments:

Post a Comment

Sponsor