Mga Artistang Nanganak Noong 2022 at Ngayong 2023

Mga Artistang Nanganak Noong 2022 at Ngayong 2023

Mga Artistang Nanganak Noong 2022 at Ngayong 2023

Sa mundo ng showbiz, maraming artista at online personalities ang nagpapakita ng kanilang mga journey sa pagbubuntis at panganganak. Kilalanin ang mga ito.

1. Jessy Mendiola

Noong Enero 7, 2023 ng ipanasulyap ng mag-asawang Jessy at Luis Manzano ang kanilang unang anak na si Isabella Rose Tawile Manzano na may caption na "I never knew I could love like this. My little Rosie."

Hindi pa ipinakita ang buong mukha ng kanilang anak kaya maraming mga netizens ang excited na makita ito at hindi na makapag-hintay. Sa latest post naman ni Jessy sa kanyang Instagram, ipinakita nito ang mata ng kanilang anak na siyang kinasabikan ng kanilang mga taga hanga, pamilya at kaibigan.

Ang aktres ay nagpakasal sa kanyang asawang si Luis Manzano noong 2020. Ang mag-asawa ay nagpakasal sa isang intimate na seremonya sa Batangas.

2. Antonette Gail De Rosario

Ang partner ni Whamos Cruz na si Antonette ay isinilang ang kanilang anak na si Adriel Meteor Cruz noong Enero 23, 2023. Inanunsyo nila ito sa kanilang social media noong Enero 24. Matatandaan noon na maraming mga netizens ang namba-bash sa kanilang relasyon at sa pagbubuntis ni Antonette. 

Sana daw ay hindi ito maging kamukha ni Whamos na siya naman sinagot ng online personality. Hiniling daw ni Whamos na sana ay hindi niya maging kamukha ang anak nila ni Antonette para hindi maranasan ang panlalait ng ibang tao.

Umani naman ng mga positibong kumento ang mga larawan ng kanilang anak sa social media dahil sa sobrang cute at gwapo ni Baby Meteor.

3. Madam Kilay

Ibinahagi naman ng magkasintahan na sina Jinky Cubillan-Anderson o mas kilala bilang Madam Kilay  at Michael ang larawan ng kanilang anak na si Morty Solaire Cubillan Deck o 'Lakas' sa kanilang Facebook pages. Enero 25 ng ipakita ni Madam Kilay ang larawan at bidyo ng kanyang panganganak. 

Makikita sa bandang huli ng bidyo na bumuhos ang luha ni Michael nang masilayan niya ang kanilang anak na siya naman nagpaantig sa puso ng mga netizens.

Noong Oktubre 2022 ng ibahagi ni Madam Kilay ang gender reveal matapos magpunta sa isang clinic sa Florida para sa 4D ultrasound ng kanilang anak.

4. Danica Sotto

Isinilang ng aktres na si Danica Sotto ang ikatlong anak nila ng dating professional basketball player na si Marc Pingris. Ibinahagi ng mag-asawa ang litrato ng kanilang baby na pinangalanan nilang Jean-Luc sa kanilang Instagram na may caption na,

"All glory, praise and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery.  Our hearts our filled with so much joy!!! Still feels so surreal. Can’t believe he’s finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us."

Answered prayer ito para sa mag-asawa dahil sampung taon din ang hinintay nila bago ulit nabuntis si Danica. 

May dalawang anak sina Marc at Danica bukod pa kay Jean-Luc na sina Jean-Michel na isinilang noong June 26, 2008 at Anielle Micaela na ipinanganak naman noong September 20, 2011. 

Ayon kay Marc ay lima sana ang pinaplano nilang anak nina Danica pero masaya na sila sa tatlong biyaya sa kanila ng Panginoon.

5. Gena Mago

Isa narin ama ang social media personality na si Xander Ford o mas nakilala noong bilang Marlou Arizala ng boy band na Hasht5. Isinilang ng kanyang girlfriend na si Gena Mago ang kanilang anak na pinangalanan nilang Xeres Isaiah. 

September 2022 ng inanunsyo ni Gena sa kanyang Facebook ang pagdadalang tao niya.

"Para po sa mga di pa nakakaalam yes po pregnant po ako for 6 months at ang daddy po ay si Xander Ford. Alam ko po madaming magsasabi na masyado pang maaga para magkaanak kami and aminado po kami doon pero hindi pa naman po doon natatapos ang journey naming dalawa. Hindi po porket nagkaanak na kami ay doon na titigil ang mga pangarap namin at ang buhay namin.

Dagdag pa niya, "Bagkus isa po ito sa magiging inspirasyon naming dalawa para mas pag igihan pa sa mga goal namin sa buhay. Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin ng maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya. Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang," caption ni Gena sa kanyang Facebook post.


No comments:

Post a Comment

Sponsor