Mga Artistang Nakapagtapos Na May Latin Honors

Mga Artistang Nakapagtapos Na May Latin Honors

Mga Artistang Nakapagtapos Na May Latin Honors

Maraming mga artista ang hindi lamang magaling sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte kundi pati narin sa pag-aaral. Kilalanin ang mga celebrities na nakapagtapos sa kolehiyo na may latin honors.

1. Shamcey Supsup

Si Shamcey Supsup ay ang Binibining Pilipinas Universe 2011 at Miss Universe 2011 Third Runner Up. Siya ay isa sa mga pinakamatalinong beauty queen sa bansa. 

Hindi lamang siya magaling sa pagsali sa mga beauty pageant, ngunit si Shamcey ay isa ring magna cum laude sa kanyang kursong Architecture sa University of the Philippines Diliman. Nag-top din sisya sa Philippines Licensure Examination for Architects noong 2010.

2. Carla Abellana

Si Carla Abellana ay isang sikat na aktres at host sa Pilipinas na kilala sa buong bansa dahil sa kanyang galing sa pag-arte at pagtatanghal. Siya ay anak ng sikat na aktor na si Rey "PJ" Abellana at ni Rea Reyes. 

Siya ay unang nakilala noong gumanap siya bilang Rosalinda sa GMA Network noong 2009 at My Husband's Lover kasama sina Dennis Trillo at ang ex-husband nitong si Tom Rodriguez.

Nakapagtapos siyang cum laude ng kursong Bachelor of Arts degree in psychology sa De La Salle University.

3. Chris Tiu

Si Chris Tiu ay isang sikat na atleta, negosyante at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Siya ay kilala sa buong bansa dahil sa kanyang galing sa basketball, sa kanyang negosyo at sa programang I-Bilib na mapapanood sa GMA-7.  

Hindi lamang siya sa looks kundi nakapagtapos din siya ng kursong BS Management Engineering sa Ateneo De Manila University at cum laude sa kanilang klase. Degree holder din siya sa Bachelors of Science Master of Applied Mathematics Major in Mathematical Finance, Minor in Chinese Studies.

4. Ate Glow

Si Renee Boy Facunla o mas nakilala bilang Ate Glow dahil sa pag impersonate niya sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal Arroyo.

Siya ay nakapagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Film and Literature sa University of the Philippines.

Siya ngayon ay kasal na sa kanyang British husband na si Mr Hampshire at nakabase na ngayon sa United Kingdom.

5. Christine Bersola

Ang misis ni Julius Babao na si Tintin Bersola ay nakapagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor's Degree in Film Audio Visual Communication sa University of the Philippines, Diliman

6. Myrtle Sarrosa

Ang aktres, cosplayer, singer at streamer na si Myrtle ay nakilala noong sumali at manalo siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4. Habang nag-aaral sa UP College of Mass Communication, si Myrtle ay nagtrabaho bilang full-time actress at host. Siya ay nakatapos ng cum laude sa isa isa top university sa Pilipinas na may degree sa BA Broadcast Communication.

7. Giselle Sanchez

Si Giselle Sanchez ay isa sa mga sikat na TV host, komedyante at aktres sa Philippine showbiz. Siya ay sobrang aktibo sa industriya noong dekada 90. Sa isang panayam kay Giselle sa Powerhouse, ibinahagi ni Giselle na bata pala lamang siya ay gusto na niyang mag-artista pero iba ang gusto at plano ng kanyang mga magulang sa kanya. 

Pangarap daw ng kanyang mga magulang na maging lawyer siya pero nasa puso talaga niya ang pag-aartista. Nakapagtapos siya ng magna cum laude sa University of the Philippines, Diliman at naka-batch niya si Kara David na siya naman cum-laude sa kanilang klase.

Ang mga artistang ito ay nagpapakita na hindi lamang sila magaling sa kanilang craft, ngunit sila ay nag-excel din sa kanilang pag-aaral.


No comments:

Post a Comment

Sponsor