Mga Celebrities Na Sobrang Bait Sa Kanilang Mga Kasambahay

Mga Celebrities Na Sobrang Bait Sa Kanilang Mga Kasambahay

Mga Celebrities Na Sobrang Bait Sa Kanilang Mga Kasambahay

Sa panahon ngayon, maraming mga Filipino celebrity ang mayroong kasambahay na nag-aalaga sa kanilang pangangailangan sa bahay dahil masyado na silang busy sa kanilang mga trabaho lalong lalo na sa kanilang mga tapings.

Kilalanin ang mga artistang sobrang bait sa kanilang mga kasama sa bahay at itinuturing ng pamilya ang mga ito.

1. Dimples Romana

Si Dimples ay isang sikat na aktres sa Pilipinas, ay kilala rin sa kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga kasambahay. Siya ay naging malapit sa kanyang mga kasambahay sa loob ng maraming taon at itinuturing silang pamilya.

Noong 2020 ng niregaluhan ni Dimples at ng mister niyang si Boyet Ahmee ang kasambahay nilang si Ate V ng bagong bahay na may dalawang kwarto. Nang taong iyon ay halos 18 years ng naninilbihan bilang kasambahay si Ate V sa kanila kaya malaki ang naging pasasalamat ni Dimples sa kanya dahil siya na daw ang naging nanay ng kanilang bahay dahil madalas ay nasa trabaho si Dimples para sa kanyang tapings.

Si Dimples ay kilala sa kanyang mga papel sa mga teleserye tulad ng "Kadenang Ginto" at "The General's Daughter". 

2. Sharon Cuneta

Ang Sharon Cuneta ay isa sa mga pinakasikat at talagang tinaguriang Mega Star sa Pilipinas. Sa kanyang pagiging sikat na aktres, singer, at TV host, hindi lamang siya kilala sa kanyang galing sa harap ng kamera, kundi pati na rin sa kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga kasambahay.

Ang Sharon ay may isang kasambahay na si Ate Luring na sumusuporta sa kanyang pamilya sa lahat ng pangangailangan sa loob ng mahigit 40 taon. Si Ate Luring ay tinuturing ni Sharon na isang bahagi ng kanilang pamilya at hindi lamang isang empleyado.

Si Ate Luring ay nag-aalaga ng bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak habang si Sharon ay nasa taping o out of town para sa kanyang trabaho.

Taong 2009 naman ng binawian ng buhay si Yaya Luring dahil sa atake sa puso sa edad na 83 taong gulang.

3. Kris Aquino

Si Kris Aquino ay kilala bilang Queen of All Media at magaling na TV host. Sa kanyang pagiging aktres, TV host, at negosyante, hindi lamang siya kilala sa kanyang galing sa harap ng kamera, kundi pati na rin sa kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga kasambahay.

Noong 2019, ng regaluhan ni Kris ang kanyang kasamabahay na si Yaya Bincai ng isang Tiffany necklace na nagkakahalaga ng isang daan libong piso. Ipinagdiwang nito ang kanyang kaarawan at kasama ang mga anak ni Kris na si Josh at Bimby kaya hindi ito makapaniwala sa surpresa ni Kris sa kanya.

4. Mariel Rodriguez

Papuri ang natanggap ng TV host at aktres na si Mariel Rodriguez dahil na rin sa pagtrato nito sa kanilang mga kasambahay. Nagpagawa ang mag-asawang Mariel at Robin ng apartment para sa kanilang mga kasambahay at pamilya ng mga ito noong kasagsagan ng pandemya.  

Dahil sa hirap ng buhay dulot ng COVID-19 noon, naisipan nilang bigyan ng bahay ang kanilang mga kasambahay sa compound ng Museo Padilla. May palaro din si Mariel sa mga ito gaya ng Bingo game at ang mga naging premyo at mga appliances para sa kanilang bagong bahay.

5. Small Laude

Si Marissa Eduardo o mas kilala bilang Small Laude ay ikinasal sa negosyanteng si Philip Laude na kilala bilang isang negosyante.

Siya ay isang vlogger at mahilig siyang mamili ng mga gamit. Tumutulong din si Small sa kanyang mga trabahador. Binibigyan niya ang mga ito ng mga pera at groceries bilang reward nila sa pagiging matapat at masipag.

Bukod pa dito, isinasali niya rin ang mga ito sa kanyang mga content niya sa kanyang vlogs na kung saan sila ay gagawa ng mga challenge kapalit ng pera at grocery na halos pumpalo na sa mahigit 200,000 pesos kada challenge.

6. Danica Sotto-Pingris

Maraming humahanga sa mag-asawang Danica at Marc Pingris dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga kasambahay na tinuturing na nilang pamilya. Isa sa mga tumagal na sa kanila ay si Ate Ange na simula pa noong teenager si Danica ay siya na ang nag-aalaga at kasa-kasama niya saan man siya magpunta. 

Inamin din ng aktres na si Ate Ange ang pangalawang nakakita sa kanyang engagement ring noong nag-propose sa kanya si Marc. Una ay ang kanyang bestfriend na si Denise Facura-Svensson.


No comments:

Post a Comment

Sponsor