Mga Celebrities na Mag-BFF Noon Pero Hindi na Nag-uusap Ngayon

Mga Celebrities na Mag-BFF Noon Pero Hindi na Nag-uusap Ngayon

Mga Celebrities na Mag-BFF Noon Pero Hindi na Nag-uusap Ngayon

Ang industriya ng showbiz ay isang magulong mundo. Puno ito ng mga isyu at kontrobersiya. 

Kaya naman mahirap makahanap ng tunay na kaibigan sa showbiz dahilan kung bakit maswerte ang isang artista kung makakahanap siya ng tunay na kaibigan sa showbiz.

Habang may ilang celebrity naman na minsan ay nakahanap ng tunay na kaibigan sa showbiz o ‘bff’ kumbaga, pero ang nakakalungkot, dahil sa ilang mga pangyayari ay namumuhay na silang magkalayo ngayon at hindi na nag-uusap.

Katulad ng mga artistang ito:

Mga Artistang Dating Mag-BFF:

1. Jennylyn Mercado & Cristine Reyes 

Nakilala sina Jennylyn at Cristine bilang “survivors” ng Kapuso reality show na “Starstruck Season 1” taong 2004.  

Sa loob ng 10 taon ay naging magkaibigan naman ang dalawa. Ngunit nasira nga ito nang mapabalitang nililigawan ni Dennis Trillo na dating boyfriend ni Cristine si Jennylyn.

Kasalukuyang engaged na si Jennylyn kay Dennis at may anak na sila. Habang si Cristine ay hiwalay na sa asawang si Ali Khatibi at single mom na ngayon sa anak nilang si Amarah.

2. Kris Aquino & Aiai Delas Alas

Isa sila sa mga kinagigiliwan noong mag-BFF. Ayon sa ilang ulat, nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawa matapos hindi umano nadamayan ni Kris si Aiai noong pumanaw ang nanay nito.

3. Bea Alonzo & Shaina Magdayao 

Halos magkasabay na nagsimula ang dalawa sa ilalim ng Star Magic at mahigit siyam na taon din silang naging magkaibigan. Nasira naman ang pagkakaibigan ng dalawa noong 2010 nang lumutang ang haka-haka na magkarelasyon sina John Lloyd Cruz , ang ex-bf ni Shaina, at si Bea, na kanyang BFF.

Nasa Kapuso Network ngayon si Bea habang nananatili naman sa Kapamilya Network si Shaina. 

4. Kathryn Bernardo & Miles Ocampo

Kabilang ang dalawa sa pilot cast ng Kapamilya kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”. Haka-hakang dahil daw sa kasikatan ni Kathryn, kaya nawala ang pagiging BFF ng dalawa. Ngunit sa isang lumang panayam, inamin naman ni Kathryn na hindi na sila kasing-close ni Miles tulad ng dati matapos nilang mag- ‘grow separately’.

Sa ngayon, si Miles ay isa nang ‘certified Dabarkads’ at napapanood sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” habang si Kathryn ay patuloy pa rin sa pamamayagpag sa Kapamilya network.

5. Julia Barretto & Janella Salvador

Nabuo ang pagkakaibigan nina Julia at Janella nang mapabilang sila sa Star Magic. Pinaniniwalaang nasira ang kanilang pagkakaibigan nang maghiwalay sina Julia at Joshua Garcia at si Janella ang naging ka-loveteam ng huli. 

Napansin din ng netizens ang pag-unfollow ni Julia kina Joshua at Janella sa social media.

6. Kim Chiu & Maja Salvador

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa mula noong sila ay magkasama sa Pinoy Big Brother house o “Bahay ni Kuya” ngunit nag-ib ang kanilang relasyon noong niligawan ni Gerald Anderson, na dating boyfriend ni Kim, si Maja.

Sa ngayon, pareho nang masaya sa kani-kanilang relasyon sina Kim, Maja, at Gerald. 

Si Maja ay nasa poder na ng Kapuso network at isa na ring certified Dabarkads, habang si Kim ay nanatili sa kanyang unang tahanan at ngayon naman ay napapanood sa “It’s Showtime”. 

7. Vice Ganda & Billy Crawford

Kasama ang dalawa sa mga original host ng “It’s Showtime”. Matagal-tagal na rin ang programa at ganoon din ang kanilang pagkakaibigan nina Vice at Billy bago ito nagkaroon ng lamat. Ito ay matapos magdesisyon si Billy na lumipat sa TV5 network matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020. 

Sa ngayon, pareho nang napanood ang It’s Showtime at programa ni Billy na Launch Out Loud sa TV5.  

Hindi maikakaila na masakit at malungkot ang mawalan ng taong minsan mong itinuturing na isang tunay na kaibigan.

Ngunit tulad ng iba pang mga relasyon walang garantisadong magtatagal habambuhay. Gaya ng nangyari sa pagkakaibigan ng mga artistang ito.


No comments:

Post a Comment

Sponsor