Jennylyn Mercado, flinex ang bahay sa Las Vegas

Jennylyn Mercado, flinex ang bahay sa Las Vegas

Jennylyn Mercado, flinex ang bahay sa Las Vegas

Lumipad na papuntang Las Vegas, Nevada ang Maria Clara at Ibarra star na si Dennis Trillo para puntahan ang kanyang misis na si Jennylyn Mercado at ang kanilang anak na si Dylan. 

Unang lumipad papuntang Amerika si Jen kasama ang 9-month old na baby nila. Dahil tapos na ang taping ng hit drama fantasy series ng GMA Network na Maria Clara at Ibarra, sumunod na rin ang aktor sa Las Vegas para makasama ang pamilya. 

Ipinakita naman sa IG story ng aktres ang nabili nilang bahay doon na naturn over lamang noong Nobyembre ng nakaraang taon na may caption na 'Thank you, Lord' na may kasamang heart emoji.

Dalawang taon din ang hinintay nila bago naturn-over ang kanilang bahay. Ayon sa manager ng aktres na si Becky Aguila, ang property ay matatagpuan sa Summerlin Residential Community, Las Vegas Valley ng Southern Nevada sa United States.

Hindi lamang ito ang ipinakitang property ng celebrity couple, meron din silang pinapagawang bahay sa bundok. Ayon sa mag-asawa ay naisip nila na beneficial sa kanila na manirahan sa bundok dahil presko ang hangin, pagkain at ito ang perpektong lugar sa lumalaki nilang pamilya.


No comments:

Post a Comment

Sponsor